Matapos ilapag sa bedside table ang almusal na niluto ko para kay Chuck, ay naupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ang mukha ng lalaking nagbigay sa akin ng hindi matatawarang kaligayahan. Humihilik pa rin ito sa sobrang kapaguran. Mag-uumaga na nang mapagdesisyunan naming matulog. Hindi ko inalintana ang pagod at hinayaan ito sa lahat ng kagustuhan niya pagdating sa kama. He is very adventurous when it comes to bed. No wonder maraming babae ang naghahabol dito. Pinasadahan ko ng aking kanang kamay ang buhok nito at hinalikan ito sa pisngi habang lihim na humihiling na huwag sana siyang magising hangga't hindi pa ako nakakaalis. Ayokong magising siya na narito pa ako dahil hindi ko alam kung mapapanindigan ko pa ang aking desisyon kung sakaling makiusap ito. Naglagay ako ng note sa ta

