"Mamita!" Nagulat ako nang mabungaran ko si Mrs. Sayes sa labas ng grocery store. Hinalikan ako nito sa pisngi at niyakap nang mahigpit. "It's been weeks, EJ. Ngayon lang ulit kita nakita, iha. Kumusta ka na?" "Okay naman po ako, Mamita. Kayo po kumusta na?" Nagi-guilty ako habang pinagmamasdan ang masayahing mukha nito. Hindi ko masabi sa kaniya ang tunay na nangyayari sa amin ni Chuck. "I'm fine, iha." Napatingin ito sa mga pinamili ko. "Sayang, yayayain sana kitang mag-coffee. Nagmamadali ka ba?" Nag-aalangan ako sa isasagot sa kaniya. Gusto ko ng makaalis sa establisyimentong ito. Nagsisisi tuloy ako na dito pa ako nag-grocery. Pag-aari ni Mamita ang mall kung saan naroon ang grocery store kaya hindi maiiwasang magkita kami. "It's okay, ma'am. Ako na po ang bahala sa mga pinamili

