February 14, 2014 (1:13 pm)
"HAPPY VALENTINE'S DAY! YEHEYYYYY!" sigaw ko habang sumasayaw-sayaw sa aking kwarto.
"HOY MAY TULOG NA BATA RITO!" Biglang sumigaw ang kapitbahay namin.
Luh, sorry na agad teh. Wala ka atang ka-date kaya sumakit ata tenga mo sa "Valentine's Day"?
Araw ng mga puso, it means araw ko ngayon! Pero parang araw-araw Valentine's Day sa amin ni Frost. Lagi ba naman kase s'yang nang aakit ng date kung saan-saan. Nung date namin kagabi pumunta kami sa mexican restaurant.
Masarap naman yung taco, parang sandwich pero yung burrito nangdiri ako huhuhu kase ba naman parang pakain sa aso.
Yung pizza ang pakla! Nakailang balot nanaman tuloy ako saka lagay sa mahiwagang shoulder bag huhuhu nakaka guilty!
Anyway, dati bitter ako kapag Valentine's Day kase wala akong boyfriend. Ang ginagawa namin ng dati kong kaibigan lagi naming pinagtatawanan yung mga naglalandian sa mga kanto at sa university namin. Minsan kase ang cringe na nila, yung tipong sobrang OA na ng girl, wala namang ginagawa yung boy pero inaaway siya tapos humihingi pa ng burger at fries. Kadiri kayo!
Pero ngayon ay nagbago na ako! Lahat ng tao bitter sa simula, pero once na mainlove ka, magbabago ang lahat.
Remind ko ulit: may jowa na ako bleh! Mainggit kayo!
Kailangan ko na pala magprepare para makaalis na agad. Super excited na ako sa next date namin ni babe! Ano kayang ibibigay n'ya sakin? Bagong damit? Necklace? IPhone? 'Wag nalang umasa.
Pumunta ako sa CR para maligo.
Paano kaya kung pumunta rito si Frost sa bahay namin? Yung banyo palang mukhang kural ng baboy, walang shower, mabaho, yung tabo lalagyanan ng pintura at ice cream, tapos yung tubig minsan nagiging iced tea, minsan kape.
Pagkatapos kong maligo ay pumunta ako sa cabinet para pumili ng sosootin.
At dito na po tayo magtatagal mga kababayan. The end.
Ang sosootin ko ay dapat mae-expose ang aking cute na cleavage. Yah girl, dagdag beauty points. Tapos na ang pagkukuskos ko ng maganda kong sapatos at pag paplantya ng skirt.
Kapag may jowa ka, nagiging masipag ka talaga. May advantage ang pag jojowa. Yah, tinodo ko na ang pag me-make up ko ngayon, walang tipid tipid today because ilalabas ko na ang full force ng kagandahan ko!
"Ma!" hiyaw ko pagkatapos kong bumaba sa hagdan.
"Oh bakit?" tugon niya habang nag pupunas sa ibabaw ng lamesa.
"Maganda ba ako?" sabay nagpose.
Tiningnan niya ako nang matagal mula ulo hanggang paa bago siya umusap. "Maganda ka naman lagi nak. Gusto mo pa bang gumanda?"
"Ano pong gagawin?"
Pumunta siya sa cabinet at kumuha ng bucket hat na halatang luma. "Eto 'nak, sobrang mag bu-bloom ka kapag sinoot mo 'to! Ginamit ko 'to noong nanligaw sa akin tatay mo."
Hinding-hindi ko gagamitin 'yon, magiging katatawanan lang ako kapag sinoot ko yan. Dapat pala 'di ko nalang kinausap si mama. Hindi ba n'ya napansin na ang pangit na ng hat?
"Ma, hindi ko na pala kailangan yan, sobrang ganda ko na 'diba, kahit wala yan."
"Nagustuhan yan ng tatay mo dali!" pilit pa niya.
Ano naman kung nagustuhan n'ya? S'ya ba ka-date ko?
"Ok na ako ma!"
"Nako bahala ka diyan, ikaw na nga yung pinapaganda eh!" Sabay naglakad siya paalis papunta sa kusina.
Waw mama! Baka ikaw pa yung pagandahin ko!
Tumapat ako sa malaking salamin para makita ko sa sarili kong mata ang kagandahan ko. Nagmodel pa ako at nagpose ng kung ano-ano. Kinuha ko ang cell phone para mag mirror shot.
One, two, three, click! Next pose. One, two, three, clic--
Laking gulat ko nalang na biglang bumagsak ang aming salamin kaya nagkalat ang mga bubog sa sahig. Napaatras ako at sumigaw. "AAAAAHHHHH! MAAAAAAA!"
Bakit naman bumagsak yung nananahimik na salamin? Multo ba ang gumawa nun o sadyang hindi nagandahan yung salamin sa akin. Huhuhu bad ka!
"Anong nangyari nak?" Nagmadaling pumunta siya sa kinaroroonan ko habang may hawak na tong.
Tinuro ko ang salamin at mangiyak-ngiyak na nagsalita. "'Di ko alam kung bakit bumagsak! May galit ata sakin yung salamin!"
"Ayan, hindi mo kase sinoot yung bucket hat na ibinibigay ko sayo eh."
Sunugin ko kaya 'yang hat n'yo ma! Baka may sumpa 'yang dala!
Napatingin ako sa orasan namin na nakapatong sa taas ng cabinet. Ano ba yan, male-late na pala ako! Kanina pa ako gagalaw-galaw dito, kailangan ko nang umalis!
Tiningnan ko ulit ang reflection ng aking mukha sa screen ng cell phone. Lagi tuloy akong aware sa mukha ko, baka kase husgahan ng mga tao yung mukha ko lalo na't may kasama akong gwapo. Nakakahiya kapag nakita ng ibang tao na ang dugyot ng kapartner niya. Dapat pantay lang kami ng itsura.
-------------------------------------------
Nagmabiis akong sumakay sa jeep. Paniguradong puno lahat ng restaurant, mga park, at syempre hotel hehe.
Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na ako sa aking destinasyon.
"Para po!" sigaw ko.
Pagkahakbang ko sa jeep ay nakita ko na siya na nakatalikod, automatic na nanlaki agad ang aking ngiti.
Si Frost! Ang gwapo nanaman! Mas lalo siyang gumwapo sa soot niyang sky blue oversized shirt. Pero mas prefer ko yung fit para kitang kita ko yung shape ng katawan n'ya hihihi. Yung pants na fitted sa legs n'ya is so damn attractive Tapos yung buhok n'ya na gumagalaw-galaw dahil sa hangin. AAKKK!! Gwapo mo uy!
Ang ganda talaga ng pormahan ni Frost, kahit nakatalikod ay ang gwapo parin. Ang gwapo ng likod niya! Para s'yang artista! Nako! Baka dumugin s'ya ng nga tao dahil baka pagkamalan siyang artista.
Medyo napatulala ako. Eto na ba ang sinasabi ng iba? Tumitigil ang oras kapag--
"Hoy babae bababa ka ba o hindi!?" sigaw ng driver sa akin.
Hala!
Nilingon ko siya para kausapin. "Ay sorry po, kuya!" Nagmabilis akong bumaba sa jeep.
Laging tatandaan na ang fantasy at reality ay magkaiba. Hindi talaga natigil yung oras or nag ii-slow motion yung paligid mo, illusion lang po iyon. Nakasinghot ata yung nagpauso non.
Dali-dali akong tumakbo papunta kay Frost sabay tinawag siya. Pagkalingon niya ay nagpakita siya ng nakakaakit na ngiti na lagi kong nakikita.
Nakita na niya ang kagandahan ko! Babe maganda ba ako? Blooming ba ako? Mabango na ba ako? Naglagay na ako ng deodorant.
Medyo malapit na ako sa kanya nang bigla siyang tumalbog nang malakas at bumagsak sa kalsada. Napanganga nalang ako kaya agad akong napatigil sa aking paggalaw at pinagmasdan s'ya. Nailagay ko ang aking dalwang kamay sa aking bibig at napaatras nang bahagya.
Natumba ang basurahan na nadanggi niya at lumipad ang mga dahon sa kalsada. Nagliparan din ang mga ibon na nasa daan na kanina ay nananahimik. Nagtinginan naman sa amin ang mga taong nag uusap-usap sa gilid kanina.
Napasigaw nalang ako. "FROST!"
Agad akong tumakbo papunta sa kanya para tulungang makatayo pero nang medyo papalapit na ako sa kanya ay napansin ko na umisod ang buong katawan niya papalayo sa akin.
Saglit na napatigil ang aking buong katawan pagkatapos ay pumipikit-pikit. "A-anong nangyari? Bakit umisod ka nung lumapit ako? Teka, totoo ba yung nakita ko?"
Dahan-dahan siyang tumayo habang hinihimas ang kanyang ulo at pinapagpag ang shirt para maalis ang mga dumi.
"Ayos ka lang ba babe?" Medyo nanginginig ang aking bibig sa pagkakasalita. Hindi pa rin ako makakibo.
"Ayos lang ako babe." Tumingin siya sa kaliwa't kanan. "What was that?"
Hindi ko alam ang sasabihin ko at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Umiling nalang ako para maalis ang mga naiisip ko.
"Lumapit ka nga sa akin babe." utos ko sa kanya. "Dahan dahan lang."
Nagsimula siyang maglakad nang dahan-dahan papunta sa akin. Maya maya pa ay bigla nalang umisod ang aking paa paatras kaya na-out of balance ako, tuluyan na ngang nadapa at napaupo sa kalsada.
"Babe!" Sinubukan niyang lumapit sa akin pero agad akong naghand gesture na huwag siyang lumapit pero nagpatuloy parin siya.
Laking gulat ko nalang na biglang umisod ako paatras na para bang nagslide ako sa yelo. Nagsimula nang bumilis ang t***k ng aking puso hindi dahil sa kilig, kundi sa kaba. B-bakit ganon? A-anong meron?
Teka...
"Babe, bakit ka naisod? Are you avoiding me?" nagtatakang tanong niya.
"Pag malapit kami sa isa't isa, umiisod kami-- a-anong nangyayari samin?" mahinang sabi ko sa aking sarili.
"What are you talking about? Tumayo ka na."
Pinilit ko nalang na tumayo kahit na namomroblema na ako. Kailangan kong malaman ang nangyayari.
"Ok, try nating pagdikitin kamay natin."
"Why--"
"Try lang natin."
Dahan dahan kong inilapit ang kamay ko sa kamay ni Frost. Halatang nanginginig ang aking braso. Hindi ako handang malaman ang katotohanan na parang hindi naman totoo.
Noong malapit na ang kamay namin sa isa't isa ay bigla nalang akong nakaramdam ng pwersa sa aking kamay. Parang may humahawak sa akin, pero hindi kamay ni Frost.
Ano yun? Hindi ako makapag simulang magsalita pero pinilit ko parin. "N-nararamdaman mo yun babe?"
Napatingin si Frost sa akin at mukhang nararamdaman din niya ang nararamdaman ko. "It feels like there's someone pushing my hand. What is happening? What is this?"
Oo, may parang tumutulak sa kamay ko.
Ibinaba ko na ang nangangatog kong kamay. Tumaas ang aking mga balahibo sa aking braso at tuluyang nang init ang aking pakiramdam. Anong meron? Ano 'to? Hindi ko maintindihan, hindi ko maipaliwanag.
Maya maya pa ay nagkaroon ng kaguluhan sa loob ng restaurant na pupuntahan sana namin ni Frost. Napasilip kami sa loob, nakita namin na ang mga tao ay parang nagpapanic. Pinalibutan nila ang isang babaeng nakahiga sa sahig at ang isang lalaking umuusap sa harap ng mga tao.
"Lumapit lang ako sa kanya--" Ayon lang ang narinig ko sa sinabi ng lalaki.
Anong nangyayari? Seryoso, naguguluhan na talaga ako. Pwede bang may mag magclarify sakin kung ano bang meron dito? Natatakot na ako ha.
Isa lang itong panaginip, hindi ko kayang matanggap itong pangyayari. Hindi, hindi, hindi 'to totoo. Hindi 'to mangyayari. Hindi pa 'to nangyayari.
"Aila babe?"
Teka, ito ba yung sinasabi ng babaeng baliw kahapon? Eto ba yung warning n'ya sakin? Hindi-- hindi 'to. Coincidence lang yun! Ano ka ba Aila! Hahaha nakakatawa ka! Papaniwalaan mo ba yung sinabi ng baliw? Pwes, baliw ka na rin.
"BUKAS! BUKAS AY MAY MANGYAYARI SA ATIN!" Nag echo ang sinabi ng baliw sa aking utak.
Ramdam ko ang buong katawan na nanlamig.
"Aila babe?"
Aila, focus!
"Bukas ay mag mangyayari sa atin..." bulong ko.
Hindi.
Coincidence lang yun! Natataranta na ako.
"Aila babe?! You still there?"
HINDIIII!
Pagkatingin ko sa mukha ni Frost ay tumakbo ako nang mabilis paalis sa kinaroroonan ko. Iniwan ko si Frost habang siya ay isinisigaw ang aking pangalan.
Isa lang itong malaking katangahan. Hindi ito totoo, okay?! Aila?! Huwag kang ganyan.
Habang ako ay tumatakbo ay nakita ko si Steel sa iskinita na malapit na sa akin. Nang magtagpo ang aming mata, hinarangan niya ako saka sumigaw. "Babi! Happy Valentine's Day! May--"
"Umisod ka!" Tinulak ko siya nang malakas paatras at nagpatuloy sa pagtakbo.
"Anong nangyari sayo? Bad mood ka ba? Anong ginawa sayo ni Frost? Dito ka nalang sa akin! Eto may dala akong isang kilong bigas. Yep, para tumaba ka NYAHAHAHAHA, at ito may dalawang isda akong binili sa-- ay! Nagalaw pa sila! NAGALAW PA! BUHAY PA-- tulong nalaglag yung isda ko! BABI YUNG ISDA TULONG! NASA MAY HALAMANAN NA, TULONG! TULONG PO!! NALAGLAG NA SA KANAL! OY!! TULONGG! KINUHA NG MATABANG LALAKI! TULONG!! TULONG!! NATAKBO NA YUNG LALAKI!! TULONG! TULONG! Bakit pala nakatayo lang ako rito? Dapat hinabol ko na yung lalaki."
Parang umiikot ang aking paningin na parang nasa maze dahilan para mahilo ako nang tuluyan. Uminit ang aking mga paa na para bang naglalakad ako sa nagbabagang apoy samantalang ang aking katawan ay nilalamig na.
Narinig ko ang mga sunod-sunod na ingay at kaguluhan na parang nagdi-distort. Parang ang tenga ko ay nagkakaron na ng diperensya. Nakita ko ang mga tao sa aking paligid na nag aalisan sa kanilang kinatatayuan.
Ang mga babae at lalaki ay naghihiwahiwalay? Ganito na ba ang Valentine's Day? Hindi naman ganito dati ah.
-------------------------------------------
Pagkauwi ko ay napaluhod nalang ako sa sahig dahil sa sobrang pagod. Nagulat ako nang tumingala ako dahil nakita ko si mama na nakatayo sa aking harapan.
"Oh Aila, bakit ka nand'yan sa sahig? Bakit parang ang aga mong umuwi kala ko--"
"Kailangan kong magpahinga ma," sabi ko habang humihingal. Sinubukan kong tumayo kahit pagod para kumuha ng tubig.
Paano nangyayari yun? Hindi yon posible!
Tumakbo papunta sa tabi ko si mama. "Nag away ba kayo ni Frost?"
Ilusyon lang yon Aila, hindi yon TOTOO, 'wag kang magpapadala, okay?! Nagpadala na nga pala ako.
"Nak, kung may problema ka, lumapit ka lang sa akin, iintindihin kita, mamahalin kita. Sabihin mo lang ang lahat ng mga tinatago mo."
Nangyayari lang 'to sa storya, nasa realidad kami. Hindi ito pwedeng mangyari sa buhay ko.
"Tandaan mo, nandito lagi ang magulang mo, hindi ka namin iiwan."
Paepal naman 'to si mama, salita nang salita. May iniisip yung tao rito eh! Hays alis na nga ako.
"Ma, walang nangyari sa amin ni Frost. Ayos lang ako. Gusto ko lang umuwi." Pineke ko nalang ang aking relaxed na expression. Tumakbo ako papunta sa hagdan habang pinipigilang umiyak.
Pagkapunta sa kwarto ay ibinalibag ko ang aking katawan sa kama saka itinakip sa mukha ang unan hanggang sa makatulog ako.