Kabanata 2
Maintenance at utility man ang kailangan
namin, saka elevator boy at room boy,
pero ang course na tinapos mo, baka---"
" No, Maam, it's okay with me, I really
need this job very badly.
Kailangan-kailangan ko talagang mapasok kahit janitor sa hotel n'yo.
"Naging matiim ang titig nito sa kanya habang naroon pa rin ang kakaibang kislap ng mga mata. Tila ba nang-aakit pero hindi naman siguron.
" P-pero bakit? Graduate ka sa La Salle, at ayon dito sa scholastic record mo, matataas ang grades mo at---"
"Ma'am, medyo personal ho kasi ang dahilan. Sana ho, huwag n'yo nang itanong. Pangako ho, kapag tinanggap n'yo ako, magiging masipag ho ako."
Natigilan si kassie.
At kailangan pa umubra sa isang kumpanya na tumanggap ng aplikante na ayaw magsabi ng mga detalye sa pagkatao nito?
" S-sige, I'll try kung anong magagawa ko.
Patatawagan na lang kita kung may puwesto na para sa iyo.
Twenty-five years old, single, five feet eleven inches ang taas, iyon ang iba pang detalye ng pagkatao nito ang nabasa niya sa resume ng aplikante.
"Ma'am ----"
"Don't worry, I'll consider your application sakaling nakapag-isip na ako."
"Sige ho." Bahagyang lumambong ang lungkot sa guwapo nitong mukha at tila gusto pa talagang mangulit.
"Okay. Just wait for my call."
Nang tumayo na ang mga binata at humakbang patungo sa pinto ay tila may gustong magwala sa loob ng kanyang dibdib upang pigilan ito.
Pero minsa pa niyang pinigil ang sarili.
Hindi siya dapat padala sa biglang silakbo ng damdamin na hindi niya alam kung saan nag mula at bigla nalang niyang naramdaman.
Iyon ang unang pagtatagbo nila ni Ced Castillo.
At akala niya ay huli na.
Dahil hindi naman niya ito tinawagan para kuhaning empleyado ng hotel.
Katwiran ni kassie ay tama ng minsan ay pinabilis nito ang t***k ng kanyang puso.
Baka sa susunod na makaharap ito ay hindi na niya kayang pakitunguhan ang mararamdamang kakaiba sa loob ng kanyang dibdib.
"I LOVE YOU..."
"I love you too..."
Saka dahan-dahang naglapit qng mga mukha nila upang maglapat ang mga labi nila.
It was sweet, tender, but very possionate kiss. Kay tamis niyon sa pakilasa niya.
Ang mahigpit na yakap nito ay tila gustong pumugto sa kanyang hininga, pero ayaw niyang bitawan siya nito.
Sa halip, humigpit din ang yakap niya rito, habang buong - puso tumutugon ang mga labi niya sa maharot na paggalaw ng mga labi nito.
Mayamaya pa, naramdamn niya ang marahang paglalakbay ng palad nito sa kanyang katawan, dumadama niya ang marahang paglalakbay ng palad nito sa kanyang katawan, dumadama, pumipisil, tila may hinahanap na kung ano sa kanyang katawan.
Hanggang maramdaman na lang niya na sakop na pala ng isang palad ng binata ang isa niyang dibdib, dinadama iyon, pinipisil, masuyong hinahaplos....
"Hah!" pasinghap na napabalikwas nang bangon si kassie mula sa pagkakadukmo sa mesa.
Oh s**t! Panaginip lang pala. Akala ko'y totoo na!
Humihingal na napaayos nang upo sa swivel chair si kassie. Pagkuwa'y napatitig siya sa monitor ng kanyang laptop.
Nasa kabanata walo na ang sinusulat niyang romance novel, nasa climax na. Doon ba sa tagpong may nangyari na sa bidang lalaki at sa bidang babae at nagkakaaminan na kung ano talaga ang nadarama nila sa isa't isa.
Nangyari ang pagkalimot ma iyon dahil sa marubdob na damdaming umiibig ng mga bida.
Pero bakit sa panaginip ko, ang mukha ng lalaking iyon ang nakita ko? Oh no! May isang taon na mula nang mag-apply sa office ang Ced Castillo na iyon, bakit malinaw na malinaw ko pa ring nakita ang mukha niya sa panaginip ko? Saka bakit Ganoon? Dati ay walang mukha ang mga lalaki sa panaginip ko kapag napapaginipan ko ang mga eksena sa nobelang ginagawa ko, pero ngayon... Mukha pa niya ang nakita ko. Saka... Iyong bidang babae, bakit mukha ko ang naroon? Dati ay malabong anag-ag lang iyon sa balintataw ko.
Naiiling na nag-save na siya sa ginagawa sa laptop at ini-off na iyon. Matapos iyong itabi ay nahiga na siya sa kama upang ituloy ang na udlot na pagtulog.
Kung kailan uli niya mabubuksan ang laptop para ituloy ang tinatapos na novela hindi alam ng dalaga.
Sa sobrang busy niya bilang general manager ng Rafanza's Hotel and Resort, hindi na talaga niya nahaharap ang pagiging writer na unang nakahiligan niyang gawin dahil na rin sa impluwensiya ng kanyang ina.
Noon kasing dalagita siya ay natutuhan na niyang buklat-buklatin ang mga poketbook na ginagawa ng mama niya at wiling-wili siya na basahin iyon.
Kalaunan, natagpuan ni kassie ang sarili na nagsusulat na rin ng mga kuwento ng pag-ibig na hindi niya alam kung paano nahahabi ng kanyang utak at mga daliri.
Nasa college na siya ay nagagawa pa rin niyang isingit ang pagsusulat sa pag-aaral. Hindi naman siya sinasaway ng kanyang ina dahil ayaw nitong sagkaan ang anumang nais ng mga anak na gawin sa buhay nila as long as hindi naman iyon makakasama sa kanila.
Kahit paano ay kumukita na sarili si kassie sa nakahiligang gawain noon, pero dahil sagana naman siya sa lahat, balewala ang perang iyon. Mas mahalaga sa kanya ang self-fullfilment na nararamdaman sa bawat manuscript na kanyang natatapos at natatanggap naman sa publication na kanyang pinagdadalhan.
Pero nang makatapos na ang college si kassie, bigla niyang na-realize na hindi lang siya isinilang para maging romance writer.
Isa siyang raganza, ang mga pinsan at kapatid niya ay may kanya-kanya ng papel sa raganza Empire.
Gusto niya siya rin.
Kaya kinalimutan niya ang pagsusulat, mas ginusto niyang mapabilang sa raganza Empire na kagaya ng mga pinsan niya na may kanya-kanyang ng papel sa mga negosyo ng angkan.
Ang pagsusulat ay ginawa na lang niyang pampalipas ng oras at libangan.