Kabanata 11
"Well, how could i sleep?" Bahagyang
kumaway si Ced sa kanya na isinungaw
pa ang mukha. "Natupad na ang
pangarap ko noon pa man na makausap,
makasama ang babaeng gumugulo sa
puso't isip ko."
"H-ha? A-ano ba talagang
pinagsasabi mo? A-alam mo. Puyat lang
yan. Mabuti pa, matulog ka na okay?"
"No. Can you come here?"
"B-bakit?"
"Let's say,baka gusto mo ng kausap?
Or, shall i say i need someone to talk to.
At ikaw iyon."
"C-Ced...."
" please?"
Napalinga siya sa paligid.
Malamig ang hangin, madilim,
tahimik na tahimik na.
"I'll wait for you here, ha?"
"S-sige." nauna nang sumagot
ang mga labi ni kassie bago pa siya
nakapag-isip.
"Okay, bye."
"B-bye." iyon lang at nawala na ito
sa kabilang linya.
Ilang sandali na ring naka - off
ang kanyang cellphone ay hindi pa rin
siya makapagpasya kung magsusuot ng
roba,o magbibihis na lang ng ibang
damit
bago puntahan sa ibaba si Ced.
Ang huli ang kanyang pinili.
Pantalong maong at blouse na long
sleeves ang ipinalit niya sa puting
nighties na suot. Pinatungan niya iyon
ng jacket upang hindi siyaginawin.
"Ma'am, saan ho kayo pupunta?"
takang tanong ng guwardiyang
nakatalaga sa main entrance.
"Ah, diyan lang sa labas,
magpapahangin."
"Ho? Okay lang kayo? Madilim na ho
sa labas at---"
"No, may kasama naman ako. Saka.
Hindi naman ako lalayo.
" Ah. "
Nilakihan na lang ni kassie ang
paghakbang upang makalayo na sa
guwardiya. Bigla siyang nag-aalala na
baka kung ano ang isipin nito sa kanya.
Baka isipin nito na may katagpo
siyang lalaki sa dilim at bumaba ang
paggalang sa kanya.
Habang patungo sa kubol na
kinaroroonan ni Ced ay nakastigo na
naman ni kassie ang sarili tungkol sa
katumpakan ng kanyang gagawin.
"Hi!"
Pero palapit na sa kanya si Ced na
bahagya pang kumakaway.
Biglang na-realize ni kassie.
Hindi totoong gusto lang niyang
pagbigyan si Ced para mawala ang galit
at inis nito dahil sa kapalpakan ng ilang
facilities sa hotel nila.
Ang totoo, talagang malakas ang
nadarama niyang atraksiyon para rito sa
simula pa lang kaya ayaw nang makinig
ng kanyang puso sa umiilaw na mga
babala sa kanyang utak.
At hindi totoong gusto lang niyang
laruin ito sa larong gusto nitong gawin.
Ang totoo, nahihibang na yata siya
sa paghanga rito, to the point na kaya
niyang sumugba sa apoy makasama
lang ito.
"H-hi. B-bakit ba gusto mo akong
makausap?"
Ngumiti ang binata, saka inilahad
ang palad sa kanya.
"Tara?"
"S-saan?"
"sa banda roon, maglalakad-lakad
lang."
"H-ha?"
"Please.
Kagaya kanina nang yayain siyang
magsayaw ng binata, hindi niya
natanggihan ang nakalahad nitong palad.