Someday

509 Words
Kabanata 12 Tahimik at malalim na ang gabi, habang ang alon ay patuloy sa paghampas sa dalampasigan. Ang bilog na buwan ay patuloy sa pagsasabog ng malamlam na liwanag. "Iba rin ng trip mo, ano? Maglakad sa dalampasigan sa kalaliman ng hatinggabi."natatawang wika ni kassie habang magkahawak kamay pa ring tinatalunton nila ni Ced ang mahabang dalampasigan na patungo sa isang panig na mabato. " Yeah, ganito talaga ako. Kaya nga dito sa resort mo ginustong magpa-seminar, alam ko kasing magiging mailap sa akin ang antok." "ah." Namagitan ang katahimikan sa kanila. Basta patuloy lang sila sa paglalakad. "Doon tayo sa batuhan," mayamaya ay aya ni Ced nang makalapig na sila sa kulumpon ng bato. "S-sige." Naunang sumampa sa isang malapad na bato si Ced. "Halika, aalalayan kitang paakyat." "O-oo." Naramdaman ni kassie ang lakas ng mga bisig ng binata nang walang anumang nahila siya nito paakyat sa mataas na batuhan. Naupo sila roon paharap sa karagatan. "Ang sarap talaga mag-nature tripping ano?" mayamaya ay wika ni Ced. "H-ha? Ah, oo." Muling namagitan ang katahimikan sa kanila. "Ah, C-Ced, puwede ba akong magtanong?" "Yeah, sure, ano ba yon?" bumaling ito sa kanya. Nakaharap pa rin sa karagatan si kassie malayang tinatangay ng hangin ang mahaba niyang buhok. Tila nababato-balaning napatitig ito sa kanya kahit may kadiliman sa kinaroroonan nila at liwanag lang ng buwan ang tanging tumatanglaw sa paligid. Dahil naramdaman niyang nakatitig ito sa kanya ay bahagya siyang lumingon dito. "H-huwag ka sanang magalit, ha? Pero nagtataka talaga ako kung bakit ka nag-a-apply sa kumpanya namin noon, gayung.... Mayaman ka pala at pag-aari mo ang Castillo's Advertising Company." Ilang sandaling natigilan ang binata. "Ah, yon ba?" "O-oo. Bakit nga ba?" Hindi ito kumibo. "C-Ced....? " kung kagaya ng dati na... Sasabihin kong personal, magagalit ka ba? Kagaya ba noon na hindi mo akotinanggap sa trabaho ay hindi ka na rin makikipagkaibigan sa akin? " " H-ha? " " Pero sige, sasabihin ko na sa iyo para hindi ka magagalit sa akin?" " T-talaga? " " Yeah. Actually, it's just an initiation. " " I-intiation? K-kasali ka sa fraternity? " " Actually, hindi fraternity ng mga kabataang walang magawa sa buhay iyon. Yong mga kaibigan kong naging kaklase at mga businessmen na rin ay nagtayo ng samahan. They pushed us to the limit. Susubukan kami kung hanggang saan ang kaya naming gawin para magtagumpay sa isang bagay na dapat naming gawin. Palabunutan iyon, at ang nabunot ko ay subukang mag-apply ng trabahong mababa at mahirap gawin. Kagaya ng janitor, messengers, o kahit construction worker. Ang maging bellboy o janitor sa hotel n'yo ang pinili ko. Kaya lang hindi mo ako natanggap, eh. "Bahagyang lumungkot ang tinignito. " T-talaga? P-paano yon, de natalo ka? "No, Nag-apply ako sa ibang kumpanya. At natanggap naman akong messenger." "T-talaga? Gaano naman katagal kang nagtrabho?" "One week." "H-ha? Ganoon lang katagal?" "Oo. So, back to normal na uli kami. Ang natalo sa pustahan, naglibre ng trip to hongkong." "T-talaga? Iba pala talaga ang trip n'yo ano? Nag-guilty pa naman ako dahil hindi kita tinganggap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD