Someday

909 Words
Kabanata 9 "S-so, ngayon nalaman mo na nagpunta ako, g-galit ka pa ba? I-I mean, baka naman puwedeng pagpasensiyahan mo na ang mga kapalpakan ng ibang facilities namin dito? A-and don't worry, pipilitin nalang ng management ng hotel na mapunuuan iyon sa ibang paraan. " " Talaga? " " O-oo naman" "kung ganoon, puwede akong mag-request sa management ng hotel kung ano ang gusto ko?" "O-oo ba? A-ano bang gusto mo? Sabihin mo lang, kung kaya din lang ng management bakit hindi namin ibibigay. G-gusto mo bang ipalipat kita ng suite? Doon sa mas maluwang at maganda? K-kung gusto mo naman----" "All i want is to have dinner with you," diretsong udal nito. "H-ha?" Nanlaki ang mata ni kassie. "Well, iyon naman ay kung gusto mo lang? Hindi naman ako namimilit, at wala akong balak mamilit." Gustong bulyawan ni kassie ang kaharap. At iyon palang lagay na iyon, may iba na itong iniisip tungkol sa kanya. "Anyway, don't get me wrong. No monkey business here. Kaya lang gusto kong makasalo ka sa dinner ay dahil alam kong nagibg harsh din naman ako sa iyo noong mga nakaraang pagkakataon. I just wanna make it up to you." "In other words, it's just a friendly date, ganoon ba?" pinilit ni kassie na huwag lumakip ang sarcasm sa tinig niya. "Yeah. You've got my point, ha?" At sa palagay mo ba, naniniwala ako sa iyo? Pero minsan pang sinarili ni kassie ang bagay na iyon. "Ano, okay lang ba sa iyo na makipag-dinner sa akin mamaya?" untag nito ng hindi pa rin siya kumibo. "S-sige," sa wakas ay bumukas ang bibig niya. "kung kagaya nga nang sinabi mo na isa lang friendly dinner date ang gusto mo, so why not? Afterall, gusto ko talagang makabawi sa iyo. Afterall, bukod sa guest ka ng hotel na ito, may atraso pala ako sa iyo noong una tayong nag-meet. Dapat nga yata ay tinawagan kita noon just to inform you na hindi ka namin puwedeng kuning empleyado. " Gusto mong maglaro, ha? Sige. Alam ko, may masama kang balak sa likod nang pakikipagkaibigan mong yan, sa loob-loob niya. " Talaga? " Sukat doon ay umaliwalas na ang mukha ni Ced at napalis na ang dating kapormahan nito, pati na ang pangungunot ng noo. "Yeah." "Yes!" Tila tuwang-tuwa talaga sa pagpayag niya. Gustong tumaas ng kilay ni kassie. Intrigang-intriga siya sa biglang pagbabago ng ihip ng hangin. Ano ba naman ang lalaki to? Ano na naman kaya ang drama ng isang ito? Huh! Akala mo yata ay magtatagumpay ka sa balak mo, ha? No way! Magiging alisto ako sa iyo. "So, can we be friends?" wika ni Ced nang tumayo na ito sabay lahad ng palad sa kanya. "Sure." Tinanggap niya ang palad nito. Eksaktong naglapat ang mga iyon ay naramdaman niya ang mumunting kiliti na nagmumula sa palad nito, kasunod niyon ang marahang pagpisil na nagpaiba na naman sa kanyang pakiramdam. Pasimpleng hinila ni kassie ang kamay niya. Baka mahalata nito na nanlalamig siya. "CHEERS?" Itinaas ni Ced ang kopitang may lamang champagne. "Cheers!" nakangiting itinaas din ni kassie ang kopita niya at idinikit sa kopita nito. Pagkuwa'y sabay nilang ininom ang laman niyon. "Bottoms-up!" Nagkakatawanang sabay din halos nilang inilapag sa mesa ang mga iyon na wala ng laman. "So, enjoying the night?" simpatikong ngiti ang nakasungaw sa mga labi nito. "Of course!" matamis din ang ngiting isinukli niya rito. At may bahid ng katotohanan ang sinabi niyang iyon. Talagang nag-e-enjoy siya sa presensiya ni Ced Castillo. Kung noong unang makilala ni kassie ang binata ay nabaitan aiya rito, at sa sumunod ay naging antipatiko ang daying sa kanya, ngayong nakasalo niya ito sa paghahapunan ay may nabago sa pagkakakilalang iyon. Palabiro pala ito, gentleman din katunayan ay naramdaman niya ang palad nitong pag-alalay sa kanya, pero hindi naman nagte-take advantage kapag nagkakadikit ang mga katawan nila. Just be alert, pero iyon pa rin ang laging paalala ni kassie sa sarili tuwing maaalala niya ang babaeng iyon na naabutan niya sa suite nito. Mayamaya ay pumailanlang ang isang malamyos na musika mula sa live band na tumutugtog sa restaurant na iyon ng hotel. "Hey!" Napatingin ito sa kanya, ngiting-ngiti at may kakaibang kislap sa mga mata."How about dancing with me, ha?" "H-ha?" Napamaang na lang siya rito. "D-dancing with you?" tila tangang tanong niya. "Yeah. Maganda ang tugtog, parang nagtatawag na sabayan natin siya sa pag-indak, hindi ba?" "Eh...." Biglang tumayo si Ced. "Please?" Sabay lahad ng palad sa kanya. Natigilan si kassie. Nakita na niya sa kanya,nobelang kanyang ginawa ang ganitong eksena, hindi ba? Isang lalaking nagyayayang magsayaw sa isang babae. At kapag tinanggap ng babae ang nakalahad na palad, iyon na ang simula. Kapag nagkadikit na ang mga katawan nila, kapag nalanghap na nila ang mabangong hininga ng isa't isa, iyon na ang simula ng isang matamis na pag-iibigan. Ang init ng mga katawan nila ang magsisilbing mitsa upang mabuhay ang mga nakakubling damdamin sa mga puso nila. Sinaway at pinagsasabihan ni kassie ang sarili sa pagkakataong iyon. Ano ka ba? Akala ko ba'y magiging alerto ka sa kanya dahil dama mo na may balak siya sa biglang pagbabago ng pakitungo sa iyo? Paalala niya sa sarili. "Please?" untag ni Ced ng hindi pa rin kumikilos ang dalaga para tanggapin ang palad nito. "Ah, y-yes!" Napatikhim siya. "S-sure." Saka tinanggap ang palad nito. Magkahawak-kamay na tinungo nila ang dance floor. Doon ay sabay silang umindak sa silaw ng malamyos na musikang pumapailanlang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD