Kabanata 8
Natigilan naman si Ced nang mapagmasdan ang nagmamakaawa niyang anyo.
"Okay, you should explain.
Humalukipkip pa ito at naghintay sa paliwanag niya.
" Ah, p-please have a seat. "
Muli itong tumingin sa mukha niya.
" P-please? "
" Okay---okay! "inis pa rin na itinaas nito ang dalawang kamay at padarag na naupo silyang nasa harap ng mesa niya.
" T-thanks. "Nananantiya pa rin na naupo na rin si kassie.
Kailangan talaga niyang maupo dahil nangangalog ang kanyang tuhod.
" Okay, talk! "maawtoridad nitong wika.
" Ah, g-gusto ko lang sabihin na hindi namin talaga sinasadya na masira ang mga facilities namin. N-nagkakataon lang talaga iyon. P-please, believe me."
Muling batigilan si Ced.
" kung maniniwala ako sa iyo, ano naman ang mapapala ko? Gayung kagabi ay inindyan mo ako at---"
" H-hindi totoo yan. N-nagpunta ako sa suite mo. "
" kailan? I've been waiting you all night, pero namuti ang mata ko, ni ha, ni ho, wala kang ginawa. Kagaya rin noon na nangako ka na tatawagan ako, pero kahit na isang salita, wala kang ginawa para naman malaman ko kung tatanggapin mo ba ako, o hindi sa trabahong in-apply-an ko. "
" P-please, walang kinalaman dito yonv dati. Talaga lang hindi ka puwedeng kunin noon dahil---"
" Okay, fine! So, ano yong sinasabi mo na pumunta ka sa suite ko kahapon? "
" T-totoo naman iyon, eh. I-iyong babaeng... Sexy abg nagbukas sa akin."
" Ha? "Napaunat nang upo si Ced." Sinong babae? "
" E-ewan ko kung sino siya. S-sabi kasi niya, siya na lang ang masasabi sa iyo na dumating ako. B-busy ka raw kasi dahil mag di-dinner pa kayo. "
" Si Miss Ramos? "
" H-hindi ko alam kung sino siya. Bestidang - itim na may print ang suot niya."
" Yeah, si Miss Ramos nga iyon. Liason officer at coordinator ko sa seminar na iyon. Pero wala naman siyang sinabi sa akin na dumating ka."
"D-duda nga ako na sasabihin niya sa iyo. A-ayoko bga sanang umalis at gusto konghintayin ka. K-kaya lang... Sabi niya ay nakakaistorbo ako dahil...
Magsa-shower pa kayo nang sabay."
H-halos itaboy nga niya ako paalis. "
" Ano? " Muntik na mahulog ang binata sa kunauupuan niya. "Totoo bang sinasabi mo?"
"O-oo naman. B-bakit hindi mo siya tanungin." Sa pagkakataong iyon,hindi napigilan ni Kassie ang mapairap dito.
Ewan niya, bagama't kaswal na ang pag-uusap nila dahil hindi na ito umaangil, patuloy naman sa mabilis na pagtibok ang kanyang puso.
Si Ced naman ay saglit na napaisip. Noon pa nito nahahalata na matindi ang crush sito ng empleyadong iyon, pero hindi lang pinapansin ng binata.
"Okay, I'll ask her kung totoo yan.
" At paano kung hindi niya aminin? "
" Malalaman ko naman iyon. Isa pa, siguro nga ay nagpunta ka. Kasi ay nalaman mo na naroo siya."
Nagpunta nga akong talaga, ano? Hmp! At nabisto ko namahilig ka palang makipag-fling. Imagine, empleyado mo yon, pinapatulan mo!
Pero sinarili na lamang niya ang isiping iyon.