Kabanata 7
"SINO yon?" Mula sa banyo ay lumabas si Ced.
Bihis na ito at halatang bagong paligo.
"Ah, r-roomboy ho, Sir," pautal na wika ng babaeng sumalubong kanina kay kassie.
"Ah. So, nasaan na iyong hinihingi kong folder na kinalalagyan ng ise-seminar bukas?" pormal ang mukhang wika ng binata.
"H-heto ho, Sir." Natataranta pang iniabot nito sa kanya ng folder.
"Okay na ba ito? Sunod-sunod na ba ang mga topic?"
"O-oho, Sir."
"Good. You can go back to your room now. Siyanga pala,ikaw na ang bahalang mag-organize sa kanila bukas ng umaga, ha? Eight o'clock ay dapat na nasa ibaba na sila for breakfast. Ten ay nasa function room na sila.
" Y-yes, Sir. "
Akmang tatalikod na ang binata para tumungo sa terasang kanugnog ng kanyang suite.
"Ah, Sir?" tawag - pansin nito sa kanya.
"Yes, Miss Cano?"
"Ah, hindi ho ba kayo sasabay sa amin na mag-dinner?"
"Hindi na. Bahala ka na sa kanila, ha?"
"Y-yes. Sir." Disappointed na lumabas na ito sa suite ng binata.
Bilang liason officer at coordinator ng live-in seminar na iyon ay tungkulinnotong tiyakin na makakakain nang maayos ang mga participant.
Nang maiwan namang mag-isa si Ced ay tumungo na siya sa terasa at tumanaw sa ibaba. Mula roon ay tanaw niya ang mga taong naglalanguyan sa dagat,habang ang iba ay nasa dalampasigan at nagsisimula nang gumawa ng bonfire dahil palubog na ang araw. Ang iba naman ay naglalarosa buhanginan at mayroon ding nag-iinuman at nagkakantahan.
Napabuntong - hininga na lang ang binata nang matanaw ang tila pagkakasiyahan ng mga tao sa ibaba.
Masaya sana rito, pero mas magiging masaya kung makakapaglakad-lakad ako sa buhanginang iyon habang kasama ko si kassie Alcantara. Pero sa ngayon ay hindi pa. But sooner or later, pasasaan ba't mangyayari ang gusto ko.
Napangiti si Ced sa pagkaalala sa totoong dahilan kung bakit siya nasa resort na iyon.
Mamaya lang, kakatok na siya sa pinto, magpapaliwanag kung bakit nasira ang aircon sa function room kanina. Ang presto, isang hapunan na kasalo siya will do para mabawasan ang galit ko.
Lalong naningkit ang mga mata ng binata dahil sa pagkakangiti.
Naghintay pa siya na may kumatok, hanggang ang kalahating minuto na ibinibigay niyang allowance para makarating sa kanya si kassie Alcantara ay nagingisang oras, hanggang maging dalawang oras.
Kumakalam na ang kanyang tiyan, habang sa labas ay tuluyan nang dumilim dahil wala na ang haring araw.
KAKAKAINIS! Nakakainis talaga! Inis na, umalis sa harap ng laptop computer si kassie at nagtungo sa terasa.
Bakit ba ako apektado na nalaman ko na may babae pala siya kasama sa kanyang suite? At magsa-shower pa raw sila, ha? Hmp! Makati rin pala ang lalaking iyon! Anong pinagmamalaki niya? Na gwapo siya? Na mala-adonis ang kanyang mukha? Hmp! Neknek mo! Hindi siya puwedeng bida sa mga ginagawa ko novels. Ang gusto ng mga readers ay one-woman - man ang kanilang hero. Hindi ideal na bida ang babaero, ano?
Pero kahit na kusumihin ni kassie ang sarili sa kakaisip ng kung anu-ano tungkol kay Ced Castillo at sa babaeng ngayon ay siguradong kasama nito sa malamig at mabangong silid na iyon, sa huli ay natagpuan niya ang sarili na tumitipa na uli sa keyboard ng kanyang laptop.
Dinugtungan niya ang nobelang tinatapos. Nasa kabanata siyam na siya.
At ang matinding conflict ng kanyang kuwento, may third party involve na, tila hindi pa rin yata mahal ng hero ang heroine na madly-deeply in love sa naturang guy.
"DAMN it, Miss Alcantara!" padaskol na pumasok si Ced sa bumukas na pinto.
"W-what is it?" gulat na napatayo si kassie mula sa swivel chair.
"M-ma'am, I'm sorry ho,"wika ni Marie na kasunod ng binata." H-hindi ko na napigilan si Mr. Castillo na pumasok dito.
"H-ha?" Napatingin siya kay Ced na tila umuusok pa rin ang ilong sa galit. "M-mr. Castillo, bakit ho?"
"Bakit? Alam mo bang namuti ang mata ko kagabi sa kahihintay sa iyo na pumunta sa suite ko para magpaliwanag kung bakit sira ang aircon sa function room na ibinibigay mo sa amin?
" H-ha? "Bigla niyang naalala ang babaeng dinatnan sa suite nito kahapon." Ah, Marie it's okay. I-iwan mo na kami at ako na ang vahala rito, "wika niya aa kanyang assistance kahit ang totoo ay kinakabahan na naman siya, o sa mas tamang salita ay natatakot siya sa nakikitang pasara ang pinto kanyang opisina.
" Ah, a-ang mabuti pa ay maupo ka na muna.
"No! Mas okay kung nakatayo ako.
Ano bang problemamo, ha? Talaga bang maliit angtibgin mo sa akin kaya binabalewala mo akobilang guest ng hotel na ito?"
"N-no! Of course not! A-atbakit naman kita babalewalain?"
"Dahil dati alng akong hamak na aplikante noon na hindi mo naman tinanggap kahit na nagmamakaawa ako sa iyo!"
"H-ha? H-hindi naman iyon ang---"
"Puwede ba,huwag ka nangang magkunwari! Alam ko,isa ka pa ring Raganza kahit na Alcantara ang ginagamit mong pangalan. At alam ko rin,hindi kalang simpleng manager sa hotel na ito. Bagkus, isa ka sa may-ari nito. Pero isa lang ang masasabi ko. Kahit na kung tutuusin ay simpleng tao lang ako kumpara sa iyo, still, isa pa rin akong guest ng hotel n'yo na may karapatang makamit ang mga ipingako n'yong benepisyo para lang mag-check-in dito! "
" Ah, Mr. Castillo, please calm down. "Pilit pa ring hinahamig ni kassie ang sarili kahit gusto na rin niyang makipag-away dito.
" P-please, I have something to explain. "
" para ano? "
" P-please? " Unware, lumamlam ang mga mata ng dalaga habang nakatitigsa mga mata nito.