Someday

874 Words
Kabanata 6 PERO sa malas, hindi mangyayari ang dasal ni kassie na huwag na munang makaharap ang antipatikong guest nila. Dahil pagkatapospa lang ng first day ng seminar ng Castillo Advertising Company ay nilapitan na naman siya ni Marie para sabihin na may reklamo na naman si Ced Castillo. "Ano? Bakit naman nasisira ang aircon sa function room nila?" "Eh, hindi ko rin alam,Ma'am. Nasa kalagitnaan nga ho sila ng seminar nang mawala ang lamig kaya napilitan silang lumipat sa mas maliit na function room habang naayos ang aircon dahil tagaktak na ang pawis nila." "s**t!" inis na napasapo na lang sa noo ang dalaga. "at gusto na naman niya akong makausap, ganoon ba?" "Oho, Ma'am." Napailing na lang ang dalaga. "sige na. Bumalik kana sa ginagawa mo. Ako ng bahala sa lalaking iyon." "Yes, Ma'am."Akmang tatalikod na si Marie. " Ah, wait. " " Bakit ho, Ma'am? " " Ano bang mood niya? Mukha ba talagang mainit ang ulo? " " Oho, Ma'am. Kung hindi nga lang ho talagang guwapo ang lalaki iyon. Talagang nakakatakot tingnan dahil nakakunot ang noo at salubong ang kilay. Mabuti lang ho at nababawi sa mga mata. Medyo malamlam dahil sa malintik na pilik. " Gustong mangiti ni kassie sa huling sinabi ni Marie. At nagawa pa nitong mapansin ang magandang katangian ni Ced Castillo gayung nakaka-tense ang kasungitan nito. Sabagay, siya nga ay hindi pa rin talaga mapalagay sa tuwing maiisip ang guwapo nitong mukha. "Okay, sige na, ako ng bahala. " Oho. Nang lumayo na si Marie ay tinungo naman niya ang elevator para puntahan si Ced. Huwag naman sanang masyadong aburidong mukha ang isalubong niya sa akin at baka mapatulan ko na siya. Nahiling na lang niya habang patungo roon. Sarado ang suite 309. Tatlong katok ang ginawa ni kassie nang sumapit doon. "In just a minute!" tinig mula sa loob. Bahagyang kumunot ang noo ni kassie dahil boses-babae ang nagsalita. Ang alam niya ay solo lang ni Ced Castillo ang suite nito dahil iyon ang nakalagay sa information. Ang mga kasama nito sa seminar na labing - isang lalaki at walong babae ay may okupadong anim na unit at share doon ang mga ito. "Yes?" nakataas ang kilay ng maganda at sexy na babaeng bumungad sa bumukas na pinto. Sopistikada rin ang dating nito sa suot na bestidang itim na may maliliit na print at ang yari ay hapit sa katawan at bagsak ang tela kaya lalong lumalabas ang magandang kurbada ng katawan nito. "Ah, I'm kassie Alcantara, I'm the manager of this hotel and resort. Can i talk to Mr. Ced Castillo?" bahagyabg naiilang na wika niya bagama't sinikap niyang huwag masilong sa mataray na dating nito. Naka-plaster angngiti sa mga labi ng dalaga pero ang totoo,gusto niyang sumimangotan sa kaharap. " Oh, it's you! Yeah. Gusto ka nga niyang makausap dahil sa palpak na venue ng seminar na ibinigay n'yo sa amin. Imagine, in the middle of our seminar ay biglang uminit ang paligid dahil sira pala ang aircon n'yo roon." . "Ah, kasi ay----" "Anyway, he's on the shower right now at kung gusto mo siyang makausap. Bumalik ka na lang bukas." "Ha? Bakit bukas pa?" "Well, pagkatapos kasi niyang Mag-shower ay magdi-dinner kami sa ibaba kasama ang mga participant sa seminar. Then, balak naming mag - night swimming. And knowing Ced, baka kapag nakausap ka niya ay mag-iinit na naman ang ulo niyon at masira ang mood. Ayoko masira ang mood niya, Okay? " "Pero... Baka akala niya ay ini-ignore ko ang request niya na makausap tungkol sa nangyari kanina at---" "No, don't worry, I'll tell him na galing ka na rito." "S-sigurado ka ba?" "Of course I'm very much sure. Ano naman ang akala mo sa akin, ulyanin?" "H-hindi naman sa ganoon." kung nang makaharap niya si Ced ay kinailangan ni kassie na mahabang pasensiya para patuloy na maging polite sa pakikiharap dito, sa babaeng kaharap niya ngayon ay balon yata ng pasensiya ang kailangan niya para hindi ito mapatulan. " Okay. Kung hindi naman pala ganoon, puwede ko na bang isara itong pinto? Kung hindi mo alam,were in private moment. Naghihintay sa akin sa Ced sa shower room at sabay kaming magsa-shower. If you 'll excuse me?" bahagya na nitong itinulak pasara ang pinto kahit bahagya pa siyang nakaharang doon. " Ah, oo, sige, thank you na lang. " Humakbang siya ng isa upang tuluyan na niyong mailapat pasara ang pinto. Bahagya pang gumalabog ang makapal na dahon ng pinto nang tuluyan iyong sumara. Grr! Napakabulgar na babae! Bastos! Kulang na lang ay sabihin na lumayas na ako sa harapan niya! At ano nga iyon? Sabay silang magsa-shower ng Ced na iyon? Hmp! Mga bastos! Mag-ano kaya sila? Mag-asawa? O, mag-boyfriend? Aba, kung mag-boyfriend sila, hindi pa nila dapat gawin yon, ano? Pero dahil wala naman na siyang puwedeng gawin kundi ang umalis na lang sa harap ng saradong pinto, nagsimula na siyang humakbang palayo roon. Bahala ka na nga sa buhay mo! Kung hindi sabihin sa iyo ng malditang girlfriend mo ang bilin ko, wala na akong pakialam! Magalit ka na kung magagalit ka! Huwag ka na ring bumalik dito sa hotel and resort namin, okay lang sa akin! Mas mainam nga,hindi ako mabubuwisit kapag nakita ka!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD