Someday

902 Words
Kabanata 5 "SIGURADO ka bang okay na yan?" malakas na wika ng matangkad na lalaki nakatalikod sa gawi ng pinto at nakaharap naman sa banyo kubg saan natatanaw ni kassie ang tauhan ng hotel na may ginagawa sa loob niyon. "Yes, Sir. Okay na ho ito. Subukan n'yo." "Baka mamaya ay hindi naman pala, i-check mong mabuti para hindi na ako magtatawag ng gagawa. Aba, naaabala ako, ah! Malapit nang magsimula ang seminar namin, and yet narito pa ako at hindi pa man lang nakakapag-shower." Ang angas naman ng isang ito! Ang yabang ng dating! Sa loob-loob ni kassie, sabay tikhim. " Ah, excuse me, sir, " tawag niya sa pansin nito, sabay plaster nang matamis na ngiting sa mga labi upang kahit paano ay hindi nito mahalata na inis na inis siya. "Yes?" Biglang lingon ito sa kanya. Nagtama ang mga mata nila. Kung ang sabihing tila tinadyakan sa dibdib si kassie eksaktong nakilala niya kung sino ang kaharap. "Yes?" bahagyang tumikwas ang gilid ng mga labi nito na sa lumipas na ilang sandali hindi pa rin nakapagsalita si kassie. "Ah... A-ako ang manager nitong hotel nabubulol na wika niya nang sapilitang hamigin ang sarili. Hindi niya alam kung paano magre-react dahil lang Ced Castillo na kaharapniya ngayon ay hindi ang Ced Castillo na nakaharap niya one year ago." A-ang sabi ng assistant ko ay gusto mo raw akong makausap dahil---" "Yeah!" Bahagyang mataas ang tinig nito at walang kangiti-ngiti sa mga labi. "May problema pala ang jacuzi at hot water n'yo hindi agad n'yo inaayos. Kasama sa magagandang Facilities na inaalok at in-Advertize n'yo sa tao ang mga bagay na iyon, hindi ba? How could such that thing be neglected? What is it? A little bit of deceiving your customer para lang dumami ang guest n'yo? Then, kapag magreklamo ay saka lang n'yo aayusin at magagahol pa kayo sa pagpapaliwanag?" " H-ha? N-naku, hindi ho? "Oh. How she hates tbis man for making her feel this way. Hindi kasi alam ni kassie kung para saan ang kaba na tila gustong magpaalon sa kanyang sikmura na kanina pa kumakalam. Kung sahil sa matigas at masakit nitong pananalita, o kung dahil muli niya itong nakaharap, o kung dahil talaga lang gutom siya. "A-ang totoo ho, kahapon lang daw ay na-check nila ang mga yan dahil nga alam naman na darating ang grupo n'yo. Hindi namin alam kung bakit nasira at--" "So what do you mean? Sinira ko ang jacuzi at hot shower para lang magkapagreklamo ako?" paasik nitong tanong. "N-no! I-I dindn't mean that, Sir!" pilit namang nagtitimpi si kassie. Ngayon ay bahagya na talaga niyang nahahamig ang sarili at ang kaba ay nadadaig na ng inis nito. "So, what do you mean?" "I-i mean, baka nga hindi lang na check na mabuti ng maintenance namin. P-pero okay talaga yan. I-isa yan sa ino-offer namin sa mga guest na gustong----" "Then, next time, make sure na hindi pala palpak ang mga facilities n'yo. Paano kung mas metikuloso pa ang mapatapat sa ganitong sitwasyon, ha?" "Ah, I-I'm really sorry. D-don't worry, next time, I'll make sure na hindi na ito mauulit." Pigil na pigil pa rin ang galit na sinikap na lang ni kassie maging mababang-loob. "Good!" Saka lang bahagyang umaliwalas ang mukha nito at napalis ang pabgungunot na noo. "anyway, salamat na rin sa abala na puntahan ako rito sa suite ko. But i have to take my shower. If you don't mind." "Ah, y-yes, you can take your shower now, Alfon, okay na ba yan?" baling niya sa gumagawa ng jacuzi at hot water. " " Yes, Ma'am, okay na ho ito. Medyo may bumara lang. "Lumabas na ito mula sa banyo bitbit ang mga gamit." Lalabas na ho ako. " " S-sige. Ah, Mr. Castillo, I have to go. P-please, enjoy your staying here. " " Yeah. Of course i will, "makahulugang wika nito na ngayon ay titig na titig sa mukha niya. Titig na muli na namang nagpakaba sa dibdib ng dalaga." S-sige, lalabas na rin ako. "pagkawika niyon ay agad nang tumalikod si kassie. " Okay. "Balewala ring tumalikod ito. Narinig pa niya mga salita nito, pero nagmamadali na siyang humakbang palabas. Hmp! Antipatiko! Suplado! Akala mo'y kung sino! Ang sama ng ugali niya, ha? Bakit parang hindi siya iyong Ced Castillo na nakilala ko noon? Parang ang bait niya noon. Nakikiusap pa nga, nangangako na nagtratrabaho siya nang mahusay. Anong nangyari? Bakit parabg ang sungit niya ngayon? Saka.... Paanong nangyari na sa kanya pala ang Castillo Advertising Company na nagpa-book sa amin ng accommodation for three days livi-in seminar? Dahil hindi pa rin siya nakapaniwala na ang Ced Castillo na nag-a-apply sa kanya noon ay ang Ced Castillo na guest ng hotel nila ngayon, nagtungo ang dalaga sa information at hinanap ang manifest ng mga bagong dating na guest. At eksaktong, iyon nga talaga ang pangalan nito. Tugma sa edad nito noon na twenty - five ngayon at twenty-six na ito. Hindi pa rin niya lubos na mapaniwala ang lahat, pero nag-isip na lang siya ng kung anu-ano para ma-justicy ang kanyang kuryosidad. Hmp! Siguro ay tumama siya sa lotto kaya biglang yumaman! Oo nga, siguro nga ay ganoon ang nangyari. Siguro nga ay biglang-yaman siya kaya biglang sama rin ang ugali! Ewan! Basta iiwasan ko nalang siya. Ayokong makaharap ang unggoy na iyon! Sana naman, walang aberyang mangyari para hindi ako mapilitan na harapin siya uli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD