Someday

823 Words
Kabanata 14 MAGHAPONG iniwasan ni kassie si Ced. Kahit na sinabi sa kanya ni Maricel na nag re-request ito na makausap siya dahil may kailangan sa kanya ay hindi siya nakipagkita rito. "Ma'am, baka naman ho magalit na si Mr. Castillo," paalala sa kanya ni Marie nang malapit nang gumabi. . "Hayaan mo siya. Patapos na naman ngayon ang three-days seminar nila, paalis na rin ang grupo niya,"pabalewalang tugon ni kassie habang pinipirmahan ang mga boucher sa ibabaw ng kanyang mesa. " M-ma'am baka naman ho madala, hindi na uli---" " Okay lang. He made me a lot of tension, you know. Wala na akong pakialam kung hindi na sila bumalik dito. " pabalewala pa rin niyang tugon. But deep inside, may mas malalim na dahilan ang dalaga. Hmp! Masyado siyang pangahas. At bakit niya ako hinalikan? Aning karapatan niya na gawin iyin? Hindi ko naman siya nobyo, ah! Anong akala niya sa akin, patakbuhing babae? Nakakainis kasi! Bakit ba kasi ako sumama sa kanya na mamasyal sa batuhang iyon gayung hatinggabi na? Mali talaga ako! Ang tanga-tanga ko! Hindi totoo na ganoon kadali dapat bumigay ang isang babae sa isang lalaki kahit pa matindi ang atraksiyon nila sa isa't isa. Hanggang sa mga nobela lang iyon dapat maganap. Sa totoong buhay, dapat ay maging maingat ang isang babae sa kanyang sarili. "A-ano hong sasabihin ko kapag nangulit?" "Ah, sabihin mo, wala ako. Sabihin mo may inaasikaso sa bayan." "Sige ho." Lumabas na si Marie. Nang maiwan namang mag-isa ang dalaga ay saglit niyang itinigil ang ginagawa at pahinamad na isinandal ang likod sa swivel chair. Bakit nga ba niya ako hinalikan? Hindi ba niya alam na siya pa lang ang unang lalaking nakahalik sa akin? Anong aala niya sa akin? Kagaya ng empleyado niyang si Miss Ramos na puwede niyang kalantariin? No way! I'm not looking for a short time relationship. Ang gusto ko at forever na kagaya ng sinusulat kong mga nobela, ano? Pero kahit na anong sabihin ni kassie sa sarili, hindi pa rin makatkat sa utak niya ang mukha ni Ced. Hanggang sa gumabi na ay laman pa rin ng isip niya ang guwapong binata. MARAHAN at masuyo niyang niyakap ang binata, saka ginanti ang marubdob na halik na ipinagkakaloob nito. Hanggang maramdaman niya ang lubus-lubusang pagpapaubaya at --- Tunog ng kanyang cellphone ang pumutol sa inspirado na sanang pagtipa ni kassie sa kanyang laptop. Oh no! Bakit ba hindi ko nai-off ito? Kaninang maghapon pa nga pala tawag nang tawag ang lalaking ito. Naiinis na tinitigan na lang muna ni kassie ang pangalan ni Ced na nakarehistro sa monitor ng kanyang cellphone. Nang matapos na ang tatlong ring ay hindi na iyon tumunog. Pero kasunod naman niyon ay sunod-sunod na text messages mula kay Ced ang natanggap niya. Hindi nakatiis, binasa ni kassie ang isa. Please, talk to me. Huwag ka namang magalit sa akin, o. At isa pa. Bukas na ang balik namin sa lungsod, tapos na ang seminar namin. Huwag mo namang hayaang matapos din ang pagakaibigan natin. Bahagyang tumaas ang kilay ni kassie sa huling text na nabasa. Kaibigan? Pagkakaibigan? Bakit niya ako hinalikan kung iyon lang ang layunin niya sa akin? Muling nag-ring ang cellphone. Oh no! Ayokong sagutin yan! Ayokong kausapin ang lalaking iyon! Pero patuloy ito sa pagtunog. Gusto nang i-off ni kassie ang power ng cellphone, pero hindi naman niya magawa. Nang matapos ang ring ay muli iyong tumunog. "Hello?" padaskol niyang wika nang i-on ang power niyon. "please, for the last time, kausapin mo naman ako, o." wika ni Ced mula sa kabilang linya. "Ced puwede ba, magpatulog ka!" "Alam kong hindi ka pa tulog. Naghihintay ako rito sa ibaba, please?" Bahagyang natigilan sa pagtataray ang dalaga. "Maghihintay ako." Iyon lang at nawala na ang tinig nito sa kabilang linya. Ang sumunod niyang marinig ay busy tone na. Hmp! At bakit naman kita pupuntahan? Hindi ka naman pala puwedeng pagkatiwalaan! Bahala kang manigas diyan! Uubusin ka pa ng lamok. Muling nahiga ang dalaga at nag talukbong ng kumot. Pero mayamaya lang ay nag-alis siya ng takip sa mukha at tumitig sa kawalan. Ano naman kaya ang sasabihin sa akin ng lalaking iyon? Ano, hihingi na naman ng sorry? Mamaya, halika na naman niya ako! Nakasimangot na umalis sa kama ang dalaga at gumawi sa terrace. Bahagya siyang sumilip upang tanawin kung naroon nga sa kubol si Ced. Naroon nga ang binata, panay ang hampas sa brasong nilalamok. Ano ba talagang drama ng isang ito? Noon ay inaaway-away ako, ngayon naman ay kinukulit ako. Nakakainis ka na ha? Mula nang makilala kita, puro gulo sa kalooban ko ang hatid mo! Pero mayamaya pa, natagpuan ni kassie ang sarili na nagsusuot ng roba upang patungan ang suot na pantulog. Hindi na siya nag-abalang magbihis dahil wala talaga siyang balak na magtagal sa pakikipag-usap dito. Pagsasabihan na lang niya ito na tigilan na siya dahil hindi siya padadala sa kung anumang sasabihin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD