PASADO alas tres na ng hapon ng makarating sina Ereny at Ryu sa isang cafe restaurant sa Tagaytay. It has a very nice view of Taal Lake. Dito siya dinala ng binata at alam niyang masarap ang mga kape rito.
Matapos nilang um-order ay nagpaalam siya rito saglit na pupunta ng comfort room.
“Ryu, mag-ayos lang ako sa CR.”
Nakangiting tumango ang binata. Nang makarating ng comfort room ay agad niyang sinipat ang sarili sa salamin. Napangiwi siya ng makitang mukha na siyang haggard. Agad siyang naghilamos ng mukha at nag-ayos ng kaunti. Lipstick at pulbos lamang ang dala niya parati bukod sa wallet at cellphone niya. Hindi naman kasi siya magaling mag-make up.
Itinali na lamang din muna niya ang kanyang buhok dahil gusto niyang umaliwalas ang pakiramdam niya. She smiled afterwards. “Better,” she said to herself while looking at the mirror. Nagpabango na rin siya para naman hindi nakakahiyang tumabi kay Ryujei. Sa naisip ay naipilig niya ang kanyang ulo. Noon naman kahit mukha ka ng basahan wala kang pakialam sa iisipin niya sa’yo ah!, pang-aasar ng isang bahagi ng utak niya.
Iwinaksi niya iyon sa isip at saka lumabas na ng CR.
Naabutan niya si Ryujei na ang lawak ng ngiti habang busy sa cellphone nito. Mukhang may ka-chat ito base na rin sa bilis ng kamay nito sa pagta-type. At nakangiti pa ang mokong. Napasimangot siya at nakaramdam ng inis. At sino namang ka-chat nito at mukhang tuwang-tuwa?
Dahil hindi pa nito naramdaman ang presensya niya ay dahan-dahang lumapit siya sa likod nito at sinilip kung sino ang ka-chat nito.
Napamulagat siya ng makita ang picture nila ni Ryujei na kinunan nila kanina. It was just a selfie of them on the football game right after he won. Siya ang may hawak ng cellphone at nakaakbay ito sa kanya. They were both smiling happily at the photo. And she wanted to melt when she realized Ryujei sent their selfie to his Lolo Rod.
Mababasa na sana niya kung ano’ng sinabi nito sa lolo nito ng bigla itong humarap sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito at napatayo. “K-kanina ka pa riyan, Ereny?”
She crossed her arms. “Hmm. Medyo. Ano’ng sabi ni Lolo Rod?”
Gusto niyang mapangiti dahil biglang namula si Ryujei. Ah, he’s so cute.
“T-tinanong lang niya if kamusta at kung nasaan na tayo. So I sent the selfie we took earlier.” Tila nakahinga ito ng maluwang ng dumating na ang waiter dala ang mga order nilang pastries at coffee.
Naupo na rin siya sa kanyang upuan katapat nito. Nang makaalis ang waiter ay patuloy niya itong tinudyo.
“So, ano’ng reply ni Lolo Rod?,” nakangiti niyang wika.
“H-he didn’t replied,” nakalabing sagot nito.
She giggled. Bigla niyang kinuha ang cellphone nito na nakapatong sa lamesa. Hindi na ito nakapalag. Agad niyang in-open iyon at dahil may passcode ay iti-nype niya ang birthdate nito. 061396. But it was a wrong passcode.
“Ryu, I can’t open your phone. Ano’ng passcode?”
“Your birthday,” sagot nito. Napatigil siya at nahigit na naman ang kanyang hininga sa sinabi nito. He has her birthdate as his phone passcode? Oh, she can’t deny she was so moved with that. She entered her birthdate and voila, his phone opened.
She looked at her and their eyes met. She wanted to ask why but no words come out of her mouth. She was too stunned. And yes, kinikilig siya. Hindi naman din kasi niya talaga pinapakialman ang cellphone nito at kung hihiramin man niya ay ito ang nag-o-open at saka ibibigay sa kanya.
She cleared her throat at ibinalik ang cellphone nito. Hindi na rin niya tiningnan ang chat conversation nito.
“K-kumain na nga tayo,” she said and tried to focused on her coffee and pastry. Heto na nga ba ang sinasabi niya at nawiwindang na naman siya.
Hot latte ang order niya at wala sa loob na uminom siya. At dahil doon ay napaso siya.
“Aray,” napadaing siya.
Agad namang tumayo si Ryujei at nilapitan siya. Hindi na siya nakahuma ng ito na mismo ang nagbaba ng kape niya at pinunasan ang gilid ng labi niya.
“You all right?,” alalang tanong nito.
“Y-yes,” sabi niya at nginitian ito. Napabuntong-hininga ang binata at umupo ng muli sa tapat niya.
Hinintay niyang magsalita at magtanong si Ryujei ngunit hindi nito iyon ginawa. She wanted to open up with him. She wanted to tell him how she feels. Ryujei was his best friend first after all. Ayaw niyang itago rito na nagbabago na talaga ang pagtingin niya rito. Isa pa, gusto niya ring klaruhin kung gusto ba talaga siya nito dahil sinabi nito noon na gusto lamang siya nitong protektahan dahil matagal na silang magkaibigan.
She doesn’t want to ruin their friendship. But these feelings she’s having is making her insane. Kailangan niyang mailabas iyon dahil pati siya ay naguguluhan na rin. And it never happened before with Rendell.
Where should I start? Nakagat niya ang labi. Ah, parang hindi pa niya kaya.
Tahimik silang kumain at nagkape ng bigla na lamang umulan ng malakas. Napatingin siya sa labas ng bintana ng café at ‘di na matanaw ang Taal Lake dahil natakpan na iyon ng fog. Malakas ang buhos ng ulan at ang dilim na rin ng langit.
Napatingin siya sa kanyang phone at nakitang halos alas-singko na rin pala ng hapon. Ubos na rin niya ang kanyang kape at tinapay. Napaigtad pa siya ng magsalita si Ryujei. “I think we need to go. Malakas na rin ang ulan.”
She looked at him. Hindi niya mabasa ang ekspresyon ng mukha nito. Did she ruined the mood?
Malungkot siyang tumango at tumayo na rin. Nakabayad na rin si Ryujei kaya lumabas na sila ng cafe.
“Did you bring an umbrella?,” tanong nito habang nakatingin sa kotse nila. Walang silungan ang parking at mababasa sila kapag naglakad sila patungo roon ng walang payong.
“Naku, hindi ako nagdala. Takbuhin na lang natin.” Hindi naman siya maarte at hindi naman ganoon kalayuan iyon.
“Sige,” sagot nito at hinawakan ang kamay niya. Napatingin siya rito. She thought he is mad. “Madulas dito,” sagot lang nito at tumakbo na. Hindi na siya nakapalag at napatakbo na rin.
Nang makarating ng kotse ay agad silang pumasok. Sa sobrang lakas ng ulan ay nabasa talaga sila.
“Mukha tayong basang sisiw,” nakangiwing sabi niya at pinagpagan ang suot na damit.
Inabutan siya ng tissue ni Ryu. “Here,” at agad naman niyang tinanggap iyon.
“What now?,” aniya at napatingin sa labas ng bintana. It was still raining hard.
“I’ll call Lolo. I need to check if it’s also raining in our area now,” anito at tinawagan nga ang lolo nito.
“What? Malakas na rin ang ulan diyan, Lo?,” napataas ang boses ng binata.
“I don’t think that’s a good idea, ‘Lo,” ani Ryu at napatingin bigla sa kanya. She mouthed “what” but he did not answered. She wondered what Lolo Rod is saying right now.
“Okay. Ingat din po kayo riyan,” at pinutol na ni Ryu ang tawag.
“Ano’ng sabi?,” agad niyang tanong dito.
“Malakas din daw ang ulan sa Manila ngayon at baha na raw sa ilang lugar. Nagkausap na raw sila ni Edith and they were saying..”
“Hmm?,” she urged him to continue.
“T-that we should look for a place here to stay the night. Ayaw nilang pumayag na bumiyahe tayo pabalik ng Manila at delikado raw.”
Napanganga siya sa sinabi nito. They’ll stay the night together? Just the two of them?