Chapter Six

1341 Words
TILA TUMIGIL ang mundo ni Ereny ng makita si Ryujei na papalapit sa puwesto niya. Nag makaupo siya kanina ay nagpaalam ito sandali upang magbihis ng panlaro nitong damit. The man is so handsome wearing his football jersey. Ilang beses na niyang nakita noon si Ryujei na nakasuot ng jersey, pero bakit tila nagniningning ito sa paningin niya ngayon? Nang tuluyan itong makalapit sa kanya ay nagsalita ito. “Ereny, iwan ko na ‘tong bag ko rito. Punta na ‘ko sa teammates ko. You’re going to be okay here?” Napakurap siya. Calm your heart, Ereny. “Oo naman, Ryu. Go with your teammates, I’ll keep an eye on your bag.” He smiled. “Okay. Wish me luck?” “I’m confident you’ll win. My Ryujei is the best player I know,” agad niyang sagot. Ryujei’s smile became softer. Tumahip ang kanyang dibdib ng itinukod nito ang kamay sa likod ng kanyang upuan at inilapit ang mukha sa kanya. Their nose are almost touching. Man, he smells so good. “I like that,” bulong nito. “L-like what?”, ganting bulong niya. Tila siya naliliyo sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t-isa. “That I’m YOUR Ryujei,” then he smiled widely. He sure knows how to make her heart beat loudly. Umayos na uli ito ng tayo. “Watch me play, Ereny,” iyon lamang at tumakbo na ito patungo sa mga kasama nito. Siya naman ay naiwang kumakabog pa rin ng malakas ang dibdib. AS EXPECTED, Ryujei’s team won the game. Walang pakialam si Ereny kahit nanakit ang mga palad niya kakapalakpak ng malakas kanina. Sigaw rin siya ng sigaw kapag nakakapuntos ang mga ito. She’s so proud of him. Agad niyang isinukbit ang bag ni Ryujei at tumayo. Siya na ang lalapit dito tutal ay tapos naman na ang laro. Excited na lumapit siya rito. Napapaligiran pa ito ng mga teammates nito. “Ryu!,” she called out loudly. Napatingin ang lahat sa kanya kabilang si Ryujei na agad napangiti ng malapad at kumaway sa kanya. Napangiti siya at walang pag-aatubiling sinugod ito ng yakap. Ramdam niya ang ilang saglit na pagkagulat nito ngunit agad ding ipinulupot ang mga braso nito sa bewang niya. She automatically closed her eyes and inhaled his scent. He smells so manly and she doesn’t care even if the game has just finished. Never naging mabaho si Ryujei. Naramdaman niya ang mabining paghalik ni Ryujei sa kanyang buhok. She felt her knees went jelly. Para siyang matutunaw sa ginawa nito. “Uwian na, ito talaga ang totong nanalo!” Sunod-sunod na kantiyawan ang narinig nila mula sa mga teammates ni Ryujei. Namula siya at naramdaman ang paghalakhak ni Ryu. Pumikit siya at lalong isiniksik ang sarili rito. Ano ba ang nangyari at tila hindi na niya napansin kanina ang mga kasama nito? Bakit kasi parang napunta sila sa ibang dimensiyon ni Ryu? She felt Ryu’s mouth on her ears. “It’s okay, Ereny..” Napilitang tumango siya at kumalas na rito. Ang mga nakangiting mukha ng mga teammates ni Ryu ang bumungad sa kanya. Ryu’s arms are still on her waist. Pasimple rin nitong tinanggal ang bag nito sa kanya at isinukbit iyon. Mukha silang magkasintahan kung titingnan ng karamihan. “Ereny, right? So finally kayo na ni Ryu?,” anang teammate nito na sa tanda niya ay Jester ang pangalan. She blushed and tried to correct him but no words came out of her mouth. “Jester, stop. Ereny’s not comfortable talking about that,” saway ni Ryu rito. Natawa lamang si Jester at tinapik sa balikat si Ryujei. “Kaya pala ang ganda ng laro mo kasi narito ang inspirasyon mo,” tudyo pa nito. “Right. Alam naman nating lahat na si Ereny lang ang kilala nating babae sa buhay ni Ryujei. Wala naman iyang dinalang ibang babae rito kapag naglalaro tayo. Kaya guys, gayahin niyo kami ni Ryujei, we’re a one-woman man,” sabad naman ng isa pa nitong teammate na si Kirk at inakbayan ang kasama nitong babae sa tabi nito na malamang ay girlfriend nito. Ryu just chuckled at nakipag-fist bump pa kay Kirk. “Siyempre naman,” then he looked at her. Nag-iwas siya ng tingin dahil namumula na naman siya. “Mauuna na nga kami sa inyo,” paalam ni Ryujei at hinawakan ang kamay niya. “Good game, guys. Next time ulit!,” paalam nito sa mga kasamahan. “Hindi ba tayo kakain muna, Ryu? Sama kayo ni Ereny,” yaya ni Jester. “May pupuntahan pa kami ni Ereny. Next time, Jes. Bawi ako,” then they waved goodbye to his teammates. Siya naman ay napaisip sa sinabi ng binata habang naglalakad na sila patungo ng parking. Saan pa sila pupunta ng binata? Hindi naman nabanggit ni Ryu na may pupuntahan pa sila after ng laro nito. Ang alam niya ay uuwi na sila. Ah, baka nagdahilan lamang ito sa mga kalaro nito at gusto na talang umuwi. Baka naubos na ang social battery nito. She knows him so damn well. Sa naisip ay natawa siya ng mahina. “You’re laughing, Ereny, why?” Natatawa pa ring tiningnan niya ito at tuluyan ng huminto dahil nakarating na sila sa tapat ng kotse ng binata. “Wala, naisip ko lang na naubos na ang social battery mo kaya nagdahilan ka na lang sa mga teammates mo na may pupuntahan pa tayo,” sagot niya. Sumimangot ang binata. “But we’re really going somewhere, silly.” “Really? Where? ‘Di mo nabanggit kanina,” curious na talaga siya ngayon. Pinagbuksan muna siya ng pinto ni Ryu at agad siyang pumasok ng kotse. Hinintay niya itong makapasok sa driver’s seat at kinulit na ulit niya ito. “Huy, saan nga tayo kako pupunta?” “Tagaytay,” simpleng sagot nito at nginitian siya. “H-ha? Bakit? Ano’ng gagawin natin doon?,” gulat niyang tanong. Ryujei just shrugged. “Trip ko lang. I promised myself earlier that if we’d won the game, I’ll take you to Tagaytay. Masarap magkape roon. And don’t worry, nagpaalam naman ako kina tita Emily kanina.” Sinupil niya ang ngiti dahil ayaw niyang mahalata nitong kinilig siya na may plano pa pala ito after ng game nito. And yes, na-excite din tuloy siyang pumunta ng Tagaytay na kasama ito. Ngayon lamang sila makakapunta roon ng silang dalawa lamang ang magkasama. “So, are you in?,” tanong nito at tiningnan siya. His eyes are almost pleading. But he doesn’t have to, because she’ll willingly come with him. Always. She touched his cheeks and pinch it. “Of course, Ryu. Tinatanong pa ba ‘yan?” “Great! Okay wait, bihis lang ako,” masayang wika nito at bigla na lamang naghubad ng jersey shirt nito. She was shocked and immediately hit his shoulders. “H-hey, what are you doing?,” God, she’s stammering. Tila walang anuman na nagbihis si Ryu ng isang simpleng black tshirt. “Nagbihis nga lang. ‘Diba pag nagsi-swimming naman tayo nakikita mo na katawan ko,” then he chuckled and looked at her. His eyes are teasing. “You’re blushing. Ang cute mo, Ereny.” “I am not!,” tili niya at hinampas itong muli. “Paandarin mo na ‘to Ryu papuntang Tagaytay bago pa magbago isip ko,” nakairap niyang wika at tinalikuran ito. God, she felt so hot all over. Oo nga at lagi na niyang nakikita noon si Ryu na nakahubad ng pang-itaas, pero iba na nga ang sitwasyon ngayon dahil nagkakaroon na ng malisya ang tingin niya rito. Ryujei just laughed and held her shoulders. Iniharap siya nito. “Hey, look at me.” Nahihiyang sinalubong niya ang tingin nito. “I’m sorry if I startled you, Ereny. Okay, no more teasing. Let’s go?,” masuyong wika nito at pinisil ang baba niya. Tila siya namagneto sa masuyong tingin nito. Sunod-sunod siyang tumango. She was bewitched by his charm. He smiled and started the engine of his car. “That’s my girl.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD