TAHIMIK LAMANG na naglalakad sina Ereny at Ryujei. Napakurap si Ereny ng marahang pinisil ni Ryujei ang kanyang kamay. Ah, right, they were still holding hands while walking outside. Ni hindi sumagi sa isip niya noon na ganito pala ang pakiramdam na may ka-holding hands. And it’s not just with any other guy, it was her best friend Ryujei. But she really can’t deny that it was really comforting. Her heart is thumping loudly but she also feels comfortable. In fact, she doesn’t want to let go of his hand, yet.
“Thanks for saving me out there,” Ryu said but not looking at her.
Sinupil niya ang ngiti. She knew Ryu was feeling uncomfortable with Hana’s invitation. She knew him so well.
“You know Ryu, H-hana seems like a good woman. And I think s-she likes you,” hindi niya alam kung bakit may pait siyang nalasahan sa sinabi niya.
Ryu stopped walking. At dahil magkawak ang kanilang mga kamay ay napatigil din siya.
“But I don’t like her,” wika nito at mataman siyang tinitigan.
Napalunok siya at napahawak sa dibdib niya. Ah ito na naman ang puso niya na ayaw na naman paawat sa pagtibok ng malakas.
“And who do you like?,” she asked, almost like whispering.
Umangat ang gilid ng labi ni Ryujei. “I believe you know who, Ereny.”
Napalunok siya. What are you doing to me, Ryu?
“Anyway, sembreak na pala natin next week. My friend invited me for a friendly football game. Come watch,” tila walang anumang anyaya nito sa kanya.
Pero siya ay hindi pa rin makahuma sa mga nararamdaman niya. She is still looking at him. Ah, guwapo pala talaga ang kaibigan niya. He’s tall, about 6’2. Makapal ang mga kilay nito, matangos ang ilong at maliit ang mga mata. Nawawala iyon kapag tumatawa ito. Moreno ang balat nito. Marami ang nagkakagusto rito at napagkakamalan palagi na half-Japanese half Filipino.
Ryujei smiled. Ah yeah, he has dimples too. And he has a perfect white teeth.
“Ereny? May dumi ba ‘ko sa mukha?,” anito.
Napakurap siya at mabilis na umiling.
He chuckled. Ah, even his laugh is so sexy for her now.
“Huwag mo ‘kong titigan ng ganyan. Baka isipin ko may gusto ka sa akin,” pagkuwa’y yumukod ito at inilapit ang mukha sa kanya. Now their faces are just inches away from each other. Is he hearing her heartbeat thumping loudly right now? Nag-init ang kanyang mga pisngi.
“So, Ereny? I’m waiting for an answer. Come watch at my football game next weekend?”
She could feel his hot breath. Nakagat niya ang ibabang labi at wala sa loob na tumango.
“O-okay.”
Ryujei smiled and guided her to walk again. She could sense he’s happy because he’s swinging their hands while walking. “Let’s go home.”
She smiled secretly and ignored all her worries away. For now she just wants to enjoy this moment. Hindi naman niya agad kailangang isipin at ipaliwanag kung bakit, hindi ba?
“BAKIT PALA hindi natin kasama sina Kuya Rendell sa panonood ng football game mo, Ryu? Where are they, by the way?”
Ngayon ang araw ng pinag-usapan nila ni Ryujei na football game nito. Sa Marikina iyon at nasa 30 minutes rin ang byahe papunta roon. Pinaandar muna ni Ryujei ang sasakyan nito bago siya sinagot. “Nagpapasukat ng wedding gown at suit sina Kateryn at Kuya Rendell. Wedding preparations, you know.”
Napatango siya. Rendell and Kateryn decided to have their wedding here in the Philippines. Sa June na ang kasal ng mga ito, which is 2 months from now. At pagkatapos ay magpapakasal muli ang mga ito sa New York, USA.
She honestly feel okay now. Masaya siya para kay Rendell at alam niyang mahal talaga nito si Kateryn. Doon niya napatunayang talagang paghanga lamang ang naramdaman niya sa binata. Rendell will still remain as her first crush.
“S-sorry. I shouldn’t have brought that up. You okay, Ereny?”
Napatingin siya kay Ryujei na nanatiling nakatutok ang tingin sa daan. But when he felt that she looked at him, he looked at her. Mabilis lang iyon pero nakita niya ang pag-aalala sa mata nito. Iniisip marahil ni Ryu na hindi pa rin siya okay at naka-move on.
“I’m okay and genuinely happy for Rendell, Ryu. You’re actually a big part of why I am okay now,” wala sa loob na nanulas iyon sa bibig niya.
Huli na para mapag-isipan niya ang sinabi niya. Ngumiti si Ryujei at mabilis siyang sinulayapan muli. His eyes were teasing and sparkling.
“Really?”
“No,” bawi niya at tumingin sa labas ng bintana upang iwasan ito. Namumula ang pisngi niya at ayaw niyang makita nito iyon.
Sa gulat niya ay tumawa ng malakas si Ryu. “Ah, Ereny, do you know how pretty you are when you’re blushing?”
Napapikit siya sa hiya at tumalikod pa lalo rito. Binuksan niya rin ang bintana ng kotse dahil pakiramdam niya ay ang init-init kahit malakas naman ang aircon.
“A-ang sarap ng hangin,” sabi niya at pinaypayan ang sarili niya.
Ryujei held her left hand. Gulat na napatingin siya rito. “Calm down, Ereny,” nakangiti pa ring wika nito at pinisil ang kamay niya.
“Then stop teasing me, Ryu,” nakalabing wika niya.
He just flashed his sweet smile. “I am not.”
Napangiti na lamang din siya. Something’s definitely changed beetween them. Kung anuman iyon, again, she doesn’t want to name it yet.
Naalala niya na may dala pala siyang chocolates na paborito nilang dalawa ni Ryujei. Inilabas niya iyon mula sa kanyang bodybag.
“Want some?”
Agad na tumango ang binata. “Of course.”
Kumalas muna siya sa hawak nito at binuksan ang tsokolate. Pagkuwa’y iniabot niya iyon rito. “Here.”
“Can’t hold that, Ereny. I’m driving. Feed me, please?”
She felt her cheeks burned. Not just because of what he said, but also of the way he said it. It was full of sweetness.
Kumuha siya ng tsokolate at inilapit iyon sa bibig nito. Agad naman nitong isinubo iyon. He was smiling wide. Para itong bata na napagbigyan sa gusto nito. He looked so cute. Darn it.
Hinampas niya ito upang pagtakpan ang hiya. “Don’t you dare say anything weird, Martinez,” banta niya rito. He laughed.
“What? The chocolate’s seems to be sweeter than the usual. Bakit kaya?,” anito at nagdikit ang mga kilay.
Tumipak din siya sa tsokolate at kumain. It just taste the usual for her. “Ganon pa rin naman ah. Ito naman iyong flavor na lagi nating binibili.”
“Can you give me some again?”
She obliged. Pagkuwa’y tumango-tango ito habang ngumunguya. “Ah alam ko na kung bakit.”
“Why?”, she was geniunely curious.
“It was because you’re feeding it to me.”
She rolled her eyes and felt her cheeks burned for the nth time. God, he’s teasing her again.
“Ryujei!”
“Okay, okay, I’ll stop!,” natatawa pa ring wika nito.
Maya-maya pa’y nakarating na sila sa football field. Matapos mai-park ang sasakyan ay lumabas na sila. Kinuha ni Ryu ang bag nito sa backseat at ng masigurong naka-lock na ang kotse ay nagsimula na silang magkad patungo sa football field. Nauna siyang maglakad ng kaunti rito ngunit naramdaman niya ang pag-agapay nito sa kanya at ang paghawak nito sa kanyang kamay. She secretly smiled. Bakit tila naging routine na ito sa binata? And she’s definitely liking it.
“Hey, wait for me,” sabi pa nito.
“Alam ko namang susunod ka,” nakangiting wika niya.
He shrugged and held her hand tightly. “I want you to be always near me, Ereny. Puro lalaki pa naman dito. Mahirap na.”
Natawa siya. “What do you mean?”
Sumimangot lamang ito. “Basta. Tara na.”
Napailing-iling na lamang si Ereny at nagpahila rin dito.