Chapter Four

1247 Words
MAAGANG gumising si Ereny ngayong araw dahil balak niyang mag-jogging sa malapit na parke ng subdivision nila. Kahit na tinatamad pa ay bumangon na siya ng tumunog ang alarm ng cellphone niya. Baka kasi kapag pumikit siya ay makatulog na naman siya. Agad niyang kinuha sa drawer ang kanyang isusuot na underwear, shorts at drifit shirt at saka dumiretso ng CR upang mag-shower. Nang matapos ay nagpulbo lamang siya at itinali ang kanyang lagpas balikat na buhok. It was only 6:30 in the morning at tulog pa ang kanyang mga magulang at kapatid na babae. Linggo naman kaya madalas ay medyo late na nagigising ang mga ito. Akmang isasara na niya ang gate nila ng biglang may malaking kamay na tumulong sa kanya. Her nose caught that familiar, manly perfume. She instantly knew it was Ryujei by the way her heart jumped a little. Nilingon niya ito at pilit na kinalma ang sarili. Nakasuot ito ng jogging pants at drifit shirt na black. Ang guwa- Ipinilig niya ng malakas ang kanyang ulo. Kung anuman iyang description mo sa mukha ng kaibigan mo, Ereny, stop and don’t go there. Napakunot naman ang noo ni Ryujei habang nakatitig sa kanya. “What’s wrong?,” anito. “W-wala, may naisip lang. Good morning Ryu! Mag-jogging ka rin?” He shrugged. “Yes, we do this everyday, right? Buti naisipan mo ng mag-jog ulit. Two weeks ka rin yatang di nag-jogging.” Napangiwi siya. Eh iniiwasan nga kasi niya ito. Ito at ang pesteng di niya maipaliwanag na damdamin. Ang akala niya ay magpapahinga ito ngayong Linggo dahil minsan iyon ang rest day nila aa jogging, ngunit nagkamali siya. “Were you waiting for me?,” wala sa loob na tanong niya at mahina lamang iyon. She wasn’t sure if he heard her. “Yeah, every day.” Their eyes met. She cannot read his expression. Siya ang unang nag-iwas ng tingin dahil heto na naman ang tensyon na di niya maintindihan sa kanilang dalawa. Tumikhim ang binata. “Let’s go habang maaga pa,” yaya nito at nagsimula ng tumakbo patungo sa parke. Walang nagawang sumunod na lamang siya. MAY MGA grupo ng lalaki at babae na ang naglalaro ng volleyball sa parke kung saan sila natakbo ni Ryujei. Bukod kasi sa parke ay mayroon ding basketball at volleyball court doon. Hindi sila nag-uusap ng kababata kaya naman lalong hindi mapakali si Ereny. All she could see right now is Ryujei’s broad shoulders and back. Maalaga sa katawan ang binata dahil naglalaro ito noon ng football. Ngunit ng magkolehiyo sila ay pinili nitong mag-focus sa pag-aaral nito. “Miss, ilag!” Kulang ang salitang nagulat siya ng bigla na lamang siyang kinabig ni Ryujei at ikinulong aa mga bisig nito. He’s technically hugging her. What is happening? All she could hear right now is her heart thumping loudly. Wait, sa kanya lamang ba? She tried to look at Ryujei but all she could see is his chest. It was warm and strong that she wanted to stay there forever. Sa naisip ay napamulagat siya at mabilis itong itinulak. “W-what happened?,” nauutal na tanong niya. Sana ay hindi namumula ang pisngi niya. Bago pa man nakasagot si Ryu ay may lumapit ng grupo ng mga kabataan sa kanila. Kinuha ng isang binatilyo ang bola. “Sorry po ulit, hindi po namin sinasadyang matamaan kayo ng bola,” hinging paumanhin nito. Ah, kaya pala siya nito niyakap dahil matatamaan siya ng bola? Ryujei protected her, kahit pa mas nauuna itong tumakbo kaysa sa kanya ay napakabilis ng reflexes ng binata. Kung saan-saan kasi nalipad ang utak niya. “It’s okay,” sagot ni Ryujei at marahang hinawakan ang braso niya. “You alright?” “Y-yeah. T-thanks Ryu,” she said and smiled. She’s really grateful for him. He checked his wristwatch. “It’s already 7:15 am. Kape na tayo?” Tuwing pagtapos ng kanilang jogging ay dumidiretso sila sa paborito nilang coffee shop na malapit lamang din sa kanilang subdivision kaya nilalakad lamang nila. They both love coffee so much. Ngumiti siya at tumango. Sa pagkagulat niya ay muli siyang kinabig ni Ryu at inakbayan. Pagkuwa’y bumulong ito. “Baka matamaan ka ulit ng bola.” Mukhang baliwala lamang kay Ryujei ngunit heto na naman siya at naloloka na naman sa kung gaano sila magkalapit ngayon sa isa’t-isa. Ryujei sure knows how to confuse her heart. TAHIMIK na sumimsim ng kape si Ereny at manaka-nakay sinusulyapan ang kababata. She would look away when she feels that he will look at her. Sa pagkagulat niya ay biglang inabot ni Ryu ang kanyang kaliwang kamay. “Are you still avoiding me, Ereny? Hindi ka pa rin ba kumportable na kasama ako?,” mahinang tanong nito. Napatitig siya rito at pagkuwa’y napatingin sa mga kamay nila. No, it’s not that she’s uncomfortable with Ryujei. In fact, gusto niya ang paghawak nito sa kanyang kamay. May init na humahaplos patungo sa kanyang puso. She just doesn’t understand what she feels. Simula ng mga bata sila ay magkaibigan ang turing nila sa isa’t-isa. And then in one snap ay bigla na lamang nitong ginising ang isang bahagi ng puso niya na hanggang ngayon ay takot siyang ipaliwanag at pangalanan. Maybe she could explain it to Ryujei. Siguro ay alam nito ang sagot kung bakit nagkakaganito siya. After all, Ryujei always know how to calm her. He was always there for her. Baka ito rin ang makapagsabi kung ano ba talaga ang nararamdaman niya kapag sinabi niya iyon dito mismo. She opened her mouth to speak but they were interrupted by someone. “Ryujei?” Sabay pa silang napatingin sa nagsalita. It was Hana, Ryu’s classmate. She was wearing a beautiful dress and she also looks stunning. Malayo sa itsura niya na galing pa sa pag-exercise. “Oh, hi Hana,” bati ni Ryujei at naramdaman niya ang pagbitiw nito sa kamay niya. Nakaramdam siya ng kahungkagan. “You live around here?,” masayang wika ng babae at naupo sa mesa nila. “Ah yeah, nag-jogging kami ni Ereny then went straight here at the cafe. How about you?” Hana flashed her sweet smile. Ereny couldn’t help but feel a bit annoyed. Halatang may gusto si Hana kay Ryujei, she could totally feel it. “Malapit lang dito ang church namin. Actually mamaya pa namang 9am ang start but since I do the piano, I need to be there early to practice,” sagot ni Hana. And then she clapped her hands. “Oh right! Ryujei, you know I’ve always wanted to invite you to our church, please come with me?,” sabi nito at hinawakan pa si Ryujei sa braso. Nanlaki ang kanyang mata. “Ah, pero tingnan mo naman itong suot ko. Galing kami ng jogging,” alangang sagot ni Ryujei at tiningnan siya. She wanted to laugh when he saw his pleading eyes. HELP. Umandar ang pagiging matapang ni Ereny. “Ah, sorry Hana but me and Ryu already have plans after this,” she then looked at her phone. “Sakto, 8am na. We need to go,” iyon lamang at agad niyang inubos ang kape at tumayo. And this time, she was the first to initiate holding Ryujei’s hand. “Let’s go Ryu.” Nanatiling nakatingin si Hana sa mga kamay nila at hindi nagsalita. A small smile formed from Ryujei’s lips while looking at her. Tinanggap nito ang kamay niya at pinisil iyon. “Yeah, let’s go.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD