NAGULAT pa si Manang Susan nang makita kaming sabay na umuwi ni Vince. Ilang beses niyang sinulyapan ang magkahawak naming kamay. Diretso kaming umakyat sa silid namin. Nagbilin pa si Vince na magpapahinga kami dahil may event kami bukas na agad namang tinanguan ni Manang. Pagpasok namin sa silid namin ay humingi ng permiso ang magaling kong asawa na siya raw ang magbibihis sa akin. Matalim ko siyang tiningnan ngunit ngumiti lang ang loko. Gusto raw niya lang na hindi na ako mapagod. So, hinayaan ko siya. Nagmistula akong isang mannequin na tinatanggalan ng damit. Sa isang banda ay tama naman siya. Totoong pagod naman talaga ako sa trabaho kaya siguro wala na rin akong lakas na kontrahin pa siya. Binalutan niya ng roba ang katawan ko saka pinaupo ako sa gilid ng kama. Kinuha ko na lang an

