“GIRL, bakit ka pa nagpunta rito kung masama pala ang pakiramdam mo?” tanong ni Jessica na nasa kaliwang bahagi ng upuan ko. “Pwede naman na magpaalam ka na lang kay Miss Yna at tiyak maiintindihan niya naman agad ‘yon for sure.” “Ano ba kayo? Puyat lang ‘to. Tingnan niyo, okay na ako ngayon. Hindi lang talaga ako sanay sa ganitong karaming tao,” depensa ko at umaktong tila walang nangyari. “Siguruduhin mo lang na totoo ‘yang sinasabi mo, Aaliyah,” may pagbabanta sa tinig ni Catherine. “Dahil kapag nahilo ka ulit, iuuwi talaga kita sa inyo – “ “What happened?” biglang litaw na tanong ni Miss Yna. “Bakit parang pinagkukumpulan niyo si Aaliyah?” “Eh kasi Miss Yna – “ “Wala po. Miss Yna,” putol ko sa nais sabihin ni Catherine. “Okay naman po kami. Nagkukwentuhan lang po kami.” Hindi na

