NAAGKATINGINAN kami nina Catherine at Jessica kasama si Ted nang may iabot na maskara sa amin. Ang sabi noong isang babae na nasa registration booth ay may mga ilang pagbabago sa event. What a wicked man! Alam kong si Vince ang may gawa niyon. It’s his event at magagawa niyang magdagdag ng kahit ano pa man niyang naisin. Isa-isa na kaming pumasok sa loob ng pagdadausan ng event na nakasuot ng maskara. Lalong na-excite sina Jessica at Catherine. Ani pa ng mga ito, makakarampa sila sa dancefloor ng walang kahirap-hirap. Biglang tumunog ang phone ko. Nag-excuse muna ako sa kanila, tinungo ang di-kalayuan bago ko sinagot ang tawag. It’s my husband. Nauna kasi akong umalis ng bahay kahit na ilang beses niya akong hindi pinayagan. Gusto niyang sumabay ako sa kanila ni Lolo Winderson na labis ko

