NORMAL akong nakapasok sa department namin. Nakahinga ako ng maluwag. Ilang minuto pa kasi ang itinagal namin sa parking lot dahil sa paglalambing ng asawa ko. Napaka-clingy ni Vince. Kung hindi ko pa siya ipinagtulakan ay hindi pa siya aalis sa sasakyan. Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago ako lumabas ngunit nakasabay ko rin siya sa elevator. Halatang hinintay niya ako. Wala siyang ni isang bodyguard dahil nais niya ang privacy pero duda ako na pahihintulutan iyon ni Lolo Winderson. Pinagsalikop pa niya ang mga kamay namin at pa sana bibitiwan kung hindi pa siya pinandilatan ng mata. Maaga pa naman. Iilan pa lang kami na nasa office ngayon but I need to start my work. Ilang araw na lang at deadline na ng mga documents na kailangan naming ipasa at tiyak kong magkakaroon ng emergency

