MARIIN ko siyang tinitigan. Seryoso ang mukha niya at alam kong kapag ganoon ay hindi talaga siya nagbibiro. “Kung may sasabihin ba ako, pakikinggan mo muna ako?” sabi ko. “Tutal naman, matagal ko ng nais sabihin ang nararamdaman ko.” Sunud-sunod siyang napalunok saka nagliwanag ang mukha. “You mean – “ Hindi niya naituloy ang sasabihin nang marahan akong tumango. Binitiwan niya ako saka bahagyang umatras. “Don’t pressure yourself. I can control myself for now. You can go back to work,” aniya na tila ayaw marinig ang nais kong sabihin. “Why? Ayaw mo bang malaman ang laman ng puso ko?” Ako naman ang humakbang palapit sa kanya. Natutuwa akong pagmasdan ang mukha niya niyang namutla. “Kung ayaw mo, eh ‘di ‘wag – “ “Babe,” mahinang tawga niya sa akin nang akmang tatalikod na ako. “It’s not

