NAGISING ako sa ibabaw ng kama namin. Napalitan na rin ang suot ko at malamang si Vince ang may gawa niyon. Sinipat ko ang orasan sa bedside table. Alas nueve na ng gabi. Ang huling naalala ko ay lumipat ako sa front seat ng sasakyan at upang maiwasan ay nagpanggap ako na natutulog. Ibig sabihin, natuluyan nga ang balak ko. Nakatulog nga ako at ngayon ay nasa kama ako. Wala sa tabi ko ang asawa ko at hindi ko mawari kung nasaan siya sa mga oras na ito. Bumangon ako saka hinanap ang pares ng tsinelas. Nang makalabas ako ng silid namin ay dumiretso ako pababa ng hagdan. Halos patay na ang lahat ng ilaw maliban lamang sa mini bar. Isang pamilyar na bulto ang tahimik na umiinom ng alak. Nagitla pa ako nang bigla na lang ibagsak niya ang hawak na kopita. Sa tingin ko ay kanina pa ito umiinom d

