bc

THEA CHUA STEPMOM

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
heir/heiress
lies
like
intro-logo
Blurb

Nang stepmom si Thea ni Melvin ang anak ng kanyang naging asawa. Hindi maganda ang pakikirungo ni Melvin sa bagong asawa ng kanyang ama, kaya naman pinakikita niya palagi kay Thea ang hindi nito pagkagusto dito.Hanggang isang araw ay nasawi sa isang aksidente ang ama ni Melvin. At naiwan kay Melvin ang lahat ng ari-arian ng kanyang ama. Aalis na sana si Thea ng sumunod na araw pero may nangyari na hindi nito inaasahan na mangyayari sa kanilang dalawa ni Melvin.Ano kaya ang magiging resulta ng kanilang magiging relasyon?Paano kung ang lahat ng ito ay matagal na rin palang plano ni Melvin sa kanyang stepmom?Thea Chua the stepmom

chap-preview
Free preview
Chapter 1
-Thea- “Elmer. Sigurado ka bang gusto mo akong maging ina ng anak mo?” Tanong ko kay Elmer ang lalakeng karelasyon ko na rin naman ng halos anim na buwan na. Nasa loob kami ng isang restaurant at kasalukuyan kaming nag-uusap dahil sa nais na rin nitong magsama kaming dalawa at bumuo daw ng isang pamilya kasama ang binata nitong anak na si Melvin, ang anak nito sa nasira nitong asawa. “Thea, alam mo naman sa una pa lang ay gusto na kitang makasama at ikaw lang din ang nakikita kong magiging ina ng aking anak at wala na rin naman akong ibang mahihilig pa kung di ang makasama ko kayo ng aking anak na si Melvin.” Paliwanag nito sa akin na ikinaseryoso ko naman ng tingin dito. Hindi naman sa ayaw kong makasama si Elmer, pero natatakot akong baka hindi ako magustuhan ng anak nitong lalake at baka iba rin ang maging tingin nito sa akin bilang magiging bagong asawa ng ama nito. “Kung maipapangako mo sa akin na walang magiging problema sa pagitan namin ng anak mo ay pumapayag na ako. Alam mong mahal kita Elmer, sa buong buhay ko ikaw lang din ang lalakeng tumanggap sa akin kahit pa hindi naging maganda ang nakaraan ko.” Madamdamin kong turan dito na ikinayakap naman nito sa akin ng mahigpit. “Pangako magiging masaya tayong pamilya, at alam kong kaya ka rin mahalin ng anak ko bilang kanyang bagong ina.” Determinado naman na sagot sa akin ni Elmer na ikinatango ko na lang din dito. Nagplano kami ni Elmer kung paano ako lilipat sa kanilang tahanan at kung paano rin ako nito ipakikilala sa anak nito. Hindi ko pa kasi ito nakikilala o nakikita dahil na rin sa kagustuhan ko na wag ko muna ito makilala dahil sa nag-aalala ako sa maaari nitong sabihin sa amin ng kanyang ama. Pinalipas ko pa ang halos isang buwan dahil sa marami pa rin naman ako aayusin sa aking trabaho, nag-resign na rin ako sa dati kong trabaho dahil sa kagustuhan na rin naman ni Elmer. Ang gusto ko kasi nito ay may mag-aasikaso sa kanya sa tuwing darating ito sa bahay sa tuwing darting ito galing sa office nito. At nang dumating ang araw na magkikita na kami nga anak nito ay muli akong napuno ng takot at aaminin kong nagdalawang-isip na ako ngayon na sumama kay Elmer. Subalit pinili ko pa rin ang maging matapang at ipaglaban ang pagmamahal ko para sa ama nito. Saktong alas-siyete ng gabi ng dumating kami sa bahay nila Elmer, at masasabi kong may kaya nga ito sa buhay. Maganda at malaki ang tinitirikan ng kanilang bahay at kahit hindi pa ako nakakapasok sa loob ng bahay nang mga ito ay alam kong maayos ang loob nito at maging ang mga kagamitin ay may halaga ang bawat-isa. “Dad, andito ka na?” Bungad na tanong ng isang binatang lalake na ngayon ay pababa ng hagdanan, at sa pagkakaalam ko ay ito ang anak ni Elmer. “Yes, anak. Nga pala may gusto akong ipakilala sayo.” Masayang pahayag naman ni Elmer sa anak nito na ngayon ay nasa aming harapan na ngayon. Nagtaka naman ang binata at napatingin ito sa akin ng makahulugan. “Anak, siya si Thea my girlfriend. At dito na siya titira sa bahay natin ngayon, sana ay ituring mo siyang pangalawang ina mo? Malapit na rin naman kami magpakasal kaya sa mga darating na araw ay magiging Mommy mo na rin siya.?” Pagpapakilala ni Elmer sa akin sa kanyang anak. Hindi naman ito nakapagsalita at tinignan lang ako mula ulo hanggang paa, na ikinahigpit ko naman ng hawak sa barso ni Elmer dahil sa kinakabahan ako sa tingin ng anak nito na parang kinikilatis ang buo kong pagkatao. “Sure, wala naman akong tutol kung gusto mo mag-asawa ulit, Dad. Pero wag mong ipilit sa akin na iuturing siyang Mommy ko dahil hindi yon mangyayari.” May diin na sagot ni Melvin sa kayang ama. Gusto pa sana itong patulan ni Elmer, pero pinigilan ko na ito hanggang sa tuluyan na rin umalis ang anak nito sa aming harapan. “Hayaan mo na lang muna ang anak mo, Elmer. Sa tingin ko ay nabigla lang siya kaya ganon ang naging reaksyon ng anak mo. Saka wag mo akong alalahanin dahil ayos lang naman sa aking kung hindi pa ako kikilalanin ng anak mo bilang bagong Mommy niya.” Pagpapakalma ko kay Elmer dahil alam kong nagagalit na ito ngayon dahil sa pangbabastos ng anak nito sa akin. “Hayaan mo at kakausapin ko ulit ang anak ko, at tama ka nabigla lang siya kaya ako na rin ang humihingi ng paumanhin sa inasal ng aking anak kanina.” Malambing na sambit naman sa akin ni Elmer at hinaplos pa nito ang aking kamay. “Wala naman yon sa akin, Elmer. Ang mahalaga ay maayos tayong dalawa alam ko naman na darating din ang araw na magkakasundo rin kami ng anak mo.” Nakangiti kong sagot dito ng sa ganoon ay hindi na rin ito mag-alala pa para sa aming dalawa ng anak nito. Lumipas pa ang ilang araw ng pananatili ko sa bahay nila Elmer ay hindi naman gaanong umuuwi si Melvin doon. Ang sabi ng kanyang ama ay nasa mga kaibigan niya ito at noon pa man ay madalas na itong magstay doon lalo na kung mga project na kailangan tapusin. Hindi na rin ako nakialam pa sa mag-ama o kung ano man ang meron sa kanilang dalawa dahil alam kong hindi naman ako makakatulong kaya naman nanahimik na lang ako. “Melvin, mabuti naman at umuwi ka na. Halika at nagluto ako ng tanghalian, hindi daw kasi makakauwi ang Daddy mo ngayon kaya baka pwdeng samahan mo akong kumain.” Nakangiti kong pahayag sa binata ng makita ko itong papasok ng bahay at ako naman ay nasa dining area nag-aayos ng pagkain. Tinignan lang ako nito at hindi man lang ito nagsalita ng kahit na ano. Napabuntong hininga na lang muna ako at hinayaan ko na lang din ito sa gusto nitong ipakita sa akin. Nagtabi na lang din muna ako ng pagkain ng sa ganoon ay may makain ito mamaya kapag nagutom na ito. Habang kumakain ako ay pinagmasdan ko ang paligid, napangiwi naman ako dahil walang kabuhay-buhay ang buong bahay. Ang sabi sa akin noon ni Elmer ay isang masayahin ang kanyang dating asawa at maalaga ito sa kanilang mag-ama. Lumubha lang talaga ang sakit nito at maging ang kanilang pera ay walang nagawa para iligtas ang asawa nito sa kanyang naging karamdaman. Ayon din kay Elmer, ang pagakawala ng kanyang asawa ay nagdulot ng sobrang kalungkutan kay Melvin, at mas gusto pa nitong kasama ang ibang tao kaysa sa kanya na ama nito. Si Elmer, naman ay nagpokus sa kanyang negosyo at hindi na rin nito napansin ang paglalayo ng kanilang mag-ama. Kaya naman sa ngayon ay mas mahirap ang lahat sa amin dahil noon pa man ay meron ng hindi pagkakaunawaan ang mag-ama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.6M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.5K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

MY HEARTLESS EX-HUSBAND'S OFFER (SPG)

read
10.4K
bc

The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

read
14.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook