"Lexi, you sure you're okay? Hindi nalang kami uuwi. Dito na lang kami." Mas lalo akong naiyak nang marinig iyon kay Joi. Although I want them to be beside me, alam ko naman na may mga sariling buhay na sila. They have their babies to attend to. Kaya kahit mabigat sa loob ay tumayo ako, pinunasan ang luha at pilit na ngumiti sa kanila. "You can go. Ayos lang ako. Gabi na rin naman, siguro itutulog ko na lang." Ngiti ko. Kita ko ang pagaalangan nila kaya tumatawa akong tinulak sila palabas ng bahay. Nang maiwan muling magisa ay umiyak na naman ako. Hawak ko ang litrato ng anak ni Grant. Lumipat na sila ng bahay. Napamahal na ako sa bata kaya hindi ko maiwasan na umiyak dahil ngayon ay magpapamilya na si Grant. Yung PA ko, nabuntis pala iyon ni Grant. Tinago sa kanya ang bata habang it

