"Nung wala ako, anong ginagawa mo?" Hindi pa sumisikat ang araw pero gising na gising na kaming pareho ni Darwin sa araw na iyon. Simula nung tumira na siya sa bahay ko ay nakasanayan na namin ang gumising ng maaga para magjogging. Naging mapili na rin kami sa pagkain. Dahil sa ginagawa namin ay muling nanumbalik ang lakas ng katawan ni Darwin. Mas gumanda ang katawan niya, idagdag pa na naging moreno ang balat niya. Mas maganda iyon kaysa sa white complexion niya noon. Kahit ang buhok niya ay bumalik na rin. Parang nga mas bagong bersiyon ng Darwin ang bumalik sa akin, bago at mas nakakaakit. Ano ba yan, Lexi! "Ako?" Ilang sandali akong napaisip. "Mas inubos ko ang oras sa kompanya mo. Ang hirap ng trabaho mo pala ano?" Nagsimula na kaming tumakbo sa tahimik na kalsada habang naguus

