IKADALAWAMPU'T SIYAM NA KABANATA (1)

1090 Words

"I'm so sorry to inform you pero hindi ka na mabubuntis, Miss Alexis." Nanginginig ang mga kamay ko habang pilit na inaalis ang nagraragasang luha sa mata ko. Nasa sasakyan na ako pero parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang sinabing iyon ng Doctor. Hindi na ako mabubuntis. Hindi ko mabibigyan ng anak si Darwin. Hindi kami magkakapamilya. "Lexi?" Agad na bumaling ang tingin ko sa cellphone na nakakonekta pa rin kay Darwin. Ngayon dapat ang wedding gown selection ko roon sa kompanya niya pero hanggang ngayon ay hindi pa ako makagalaw sa gulat at pagkadismaya. "Uh, sorry. P-papunta na ako diyan." Mabilis kong saad kahit pa garalgal na ang boses ko. "Ayos ka lang ba?" Mukhang napansin siya na may kakaiba sa boses ko. Mas lalo akong naiyak nang marinig ko ang nagaalala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD