"Ayos ka lang ba sis?"
Napunta ang tingin ko kay Sant na nagaalalang inaayos ang maiksi kong buhok. Hindi ko alam, ever since the boss notices the bites around my nape ay pinaputol ko na ang buhok ko. Gusto nya ay laging nakikita ang leeg ko so I'm doing him a favor.
"Masama lang pakiramdam." Saad ko pa at matamlay na ngumiti kay Sant.
More than two weeks na simula nung nagkaanxiety attack ako sa loob ng opisina ng boss ko. At simula noon ay gabi-gabi na rin na sa apartment ko umuuwi si Sir Darwin. At dahil lagi naman akong tahimik ay pinapunta ko na si Sant para naman may kausap ako.
"Pumapasok ba si Sir sa opisina?" Tanong ko pa. Madalas rin kasia akong nagkukulong lang sa kwarto ko kaya hindi ko alam kung umaalis ito. Basta kapag lumalabas ako ay lagi ko siyang nadadatnan sa kusina o sa sala.
"Yes pero laging cut time siya." Sagot ni Sant at tumabi sa akin. Inayos ko naman ang upo ko sa kama. "Actually kinausap niya kami ni Laine na dalawin ka."
Oh.
Two weeks na rin kasing di ako pumapasok dahil na rin sa utos ni Sir Darwin. Bukas talaga ay papasok na ako.
"Teka, ano bang meron sa inyo?" Ang tanong niyang iyon ay nagpakaba sa akin. Mabilis akong tumayo at sinara ang pinto.
Baka biglang pumasok si Sir.
"Ewan ko din ba." Naguguluhan kong sagot. Kahit ako ay walang mapiling salita to describe my relationship with my boss. Live-in partner? Boss-employee? Ah ewan!
"Nako sis nahulog yata sa titibo-tibo mong alindog si Boss." Hagikhik nito.
Bigla ay naisip ko. Nasa laro pala kami.
Paano kung lahat ng to ay parte lang ng plano niyang pagpanalo sa pustahan namin. Mabilis akong umiling kay Sant.
"May pustahan kami." Mabagal kong saad at bigla ay nanlaki ang mata niya. "Naniniwala siyang babae ako kaya kapag nahulog ang loob ko sa lalaki, kanya ang kotse ko. Pero kapag hindi yun nangyari sa loob ng isang taon, akin ang condo niya."
Natahimik si Sant. Gulat ang mukha nito.
"Shete ses mahal mahal ng condo niya ipanalo mo kingina ka." Tawa nito at niyuyugyog pa ang balikat ko. Pero ako ay di ko magawang tumawa.
What if I lost?
"Eto sis payo ko lang..." Excited nitong sabi. "Kilalanin mo si Sir, alamin mo kung pano siya umakto sayo at sa ibang babae. Kapag kakaiba at super sweet sayo, wag ka padala. Scam yan." Malakas ang tawa nito.
May punto siya.
"Mananalo ako.." Desididong saad ko at niyaya na siyang lumabas.
Nadatnan namin si Sir Darwin sa kusina at nakaupo ito, ang mga daliri ay hinahagod ang bibig ng baso kung saan naroon ang pulang inumin. Umiinom na naman ito ng wine.
Pagkasara ko ng pinto ng kwarto ay saka mabilis na umangat ang tingin niya papunta sa akin. Pansin ko ang pagbaba ng mata niya sa kamay ni Sant na nakapulupot sa beywang ko. Pasimple akong humiwalay kay Sant.
"Bakla, luto tayo." Bulong ko kay Sant. Tumango ito na tulad ko ay mukhang kinakabahan sa presensya ng boss namin.
Mabilis ang galaw namin at nagulat dahil halos ilabas na namin ang laman ng ref. May hawak akong sandok at siya ay kutsilyo, sabay kaming napatingin sa isa't isa.
"Marunong kang magluto?" Tanong ko. Pilya itong ngumiti at namula ang tenga.
"Hindi hehe." Tawa nito at ako ay tila naestatwa.
Shit nakakahiya!
"Letse ka di ako marunong!" Mahinang bulong ko. Ramdam ko ang titig ng boss sa amin. Tumayo ito saka inagaw ang kutsilyo kay Sant.
"Move out. I'll cook." Sabi nito sa baritonong boses. Nakagat ko ang labi para pigilan ang pagtawa. Binitawan ko na rin ang sandok at hinubad ang apron saka mabilis na sumunod kay Sant.
"Lexi..."
Natigilan ako nang tawagin ako ng boss. Nanlalaki ang mata kong humarap sa kanya.
"Stay here." Utos nito.
Tumawa ang bakla sa akin bago paluin ang pwet ko. Sinaluduhan ko naman siya gamit ang gitnang daliri. Shete talaga!
Naiwan kaming dalawa sa kusina at rinig ko ang malakas na tunog mula sa telebisyon. Pero alam kong nanonood si Sant sa amin, halata ang mata niyang nakasilip sa pagitan ng kurtinang humihiwalay sa kitchen.
"Uh...di ako marunong magluto." Kinakabahan kong sabi. Binaling nito ang seryosong tingin sa akin and I think I lost the capability to breath.
Damn, ito na naman.
"Hhmmm.." He sounded. Nagulat nalang ako nang mahigpit ako nitong hawakan sa magkabilang beywang at buhatin paupo sa kitchen counter.
"AY!" Rinig kong tili. Hindi iyon si Sir Darwin. Hindi rin ako kaya tiyak na si Sant.
Gaga pahalata pa na nanonood.
Mukhang wala lang sa boss ko ang pakikiusyuso ni Sant. Nananatili ang tingin niya sa akin. Ang magkadikit kong binti ay hiniwalay niya saka pinagkasya ang malaking katawan doon.
Mabilis akong namula sa intimasyon at pagkakalapit namin.
"May gusto ba sayo si Sant?" Tanong nito sa mahinang boses. Bigla akong napahagalpak ng tawa at kita ko ang pagsalubong ng kilay niya.
Naramdaman ko nalang ang marahang paghagod nito sa beywang ko. Nakapasok na ang kamay niya sa damit ko at mabilis na dumaan ang init kung saan nakalapat ang kamay niya.
Humupa ang pagtawa ko at pekeng tumikhim.
Fuck.
"Hindi ko alam Sir, siya tanungin mo." Sinubukan kong wag mautal. Hindi siya ngumiti at tahimik lang na tumango. Nanatili ang tingin niya sa akin.
"Call me by my name, Lexi."
Ha?
"Sir..." Bahagyang reklamo ko at tinikom ang bibig. Sinubukan kong pagdikitin ang binti kaya mas lalong nakulong ang katawan niya sa akin. Bumaba ang kamay niya sa binti ko gayundin ang mga mata niya.
Ramdam kong naiilang na ako sa sitwasyon namin. I can't even look at him properly, kahit ang paghinga ay hindi ko na magawang ayusin.
His gaze turned to me, I can see the darkness splattered all over his irises at hindi ko maiwasang mamangha. His eyes looks dangerous, as if there's a coming storm. But the peacefulness sculptured perfectly in his face, says that the coming storm is calm. As if there's something like that.
"Darwin..." I called him by his name and in an instant, his eyes were cleared. Naging maamo, naging magaan ang tingin niya sa akin. Bumalik ang braso niya sa beywang ko, pinulupot niya iyon at ang mukha ay bahagyang lumapit sa akin.
My forehead touched his. I leaned in, feeling lost at his touch.
I kept telling myself na may pangangailangan lang ang katawan ko. Kaya lang ganito ang nararamdaman ko kasi I'm craving for s*x. Ilang buwan na rin kasing di kami nagkikita ni Whiskey.
"You're making me f*****g crazy, Lexi. All I f*****g want is to just f*****g hold you. So don't you f*****g dare go with anyone even if its that f*****g Chad guy at my office or Sant, do you understand the f**k am saying?"
Mama.
"f*****g yes." Kinakabahan kong sabi. Mabilis na nanuot ang galit sa mukha ni Darwin dahil sa pagsagot ko.
"I'm f*****g serious." Giit nito at nakiliti ako sa pagpisil niya sa balat ko.
Shit.
"Opo." Pikit-mata kong sabi. Paano ba ang tamang pagsagot sa kanya?
Nang buksan ang mata ay nakita ko na ang pagkamangha at ngiti sa mukha niya. His face leaned closer, ramdam ko ang marahas na pagtama ng hininga niya sa akin. Ang mga mata niya ay nasa labi ko.
Pustahan. Pustahan. Pustahan.
Paulit-ulit na binubulong iyon ng utak ko kaya bago pa ako madala sa intimasyon niya ay bahagya na akong umatras. Marahan ko siyang tinulak palayo, bumaba ng kitchen counter at nahihiyang tumingin sa kanya.
"Papasok ako ngayon. Wag ka ng magluto." Sinubukan kong wag ipahalata ang pagkadismaya sa boses at mabilis na lumabas ng kusina.
Nadatnan ko si Sant na nakangisi sa akin.
"Sayang ses, matitikman mo na sana si Sir." Mahinang bulong nito. "Pero good job, pinapatunayan mong kaya mong manalo."
Ngumisi nalang ako.
May siyam na buwan pa, makakaya ko kaya?
***
Nabulabog ang tahimik na conference meeting namin dahil sa sunod-sunod at mabilis na takbuhan ng kung sino sa labas. Ako agad ang nakagalaw at binuksan ang dalawahang pinto at tumama sa akin ang humahangos na dalawang guard.
"Bakit?" Agad kong tanong. Mabilis na namuo ang kaguluhan sa mukha niya. "I mean what's happening?"
"Someone got inside the building ma'am, with a gun."
What?
"A girl?!" Bulalas ko at mabilis na lumabas. Rinig ko ang pagtawag sa akin ni Darwin, lumingon ako at nakitang kausap niya iyong guard. Pansin ko rin ang pagpasok muli ng mga tao sa conference.
Agad kong tinungo ang labasan at nagulat sa nadatnan. Ang matandang babae na nakatalaga sa front desk ay namumula na ang mukha dahil sa pagkakasakal sa kanya ng sinasabing babaeng nagtrespass at may dalang baril.
Wtf anong silbi ng security?
"Babae!" Sigaw ko. Pesteng Manhattan hirap magenglish. "Hey girl!"
Letse.
Nagulat ako nang ibaling sa akin ang tingin nung babae. Napasigaw ang matanda nang makita ako.
"Ma'am Lexi!" Nagaalalang sigaw mung hinostage. Gusto kong ibaling ang tingin sa kanya pero hindi halos ako makagalaw. Parang naubusan ako ng hangin.
Pinagmasdan ko ang pagtutok ng babae ng baril sa akin. Nanginginig ang kamay niya. Umiyak nung makita ako.
"Whiskey..." Di makapaniwalang saad ko at kasabay nun ang pagtawag sa akin ni Darwin.
Hindi ko alam kung saan ipupunta ang tingin. Mabilis akong hinila ni Darwin papunta sa likod niya at mas lalong nagalit si Lexi. Binitawan niya ang matandang babae saka nangangalaiting lumapit sa amin.
"I f*****g knew it! I f*****g knew it!" Sigaw at iyak ni Whiskey.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa braso ni Darwin. This is not her. Anong nangyari sa kanya.
"You're cheating on me, Lexi. You left me for this guy?! A guy, Lexi? How could you!"
Nabitawan ko si Darwin. Umatras ako, lumakad sa pakaliwa saka umabante. Nawala na ako sa likod ni Darwin, kaharap ko si Whiskey.
"Why are you doing this, Whiskey?" Nahihirapan kong sabi. Mabilis itong lumapit sa akin, binaba ang kamay at yumakap.
What is happening? Hindi ko akalain na aabot sa ganito.
"I can't lose you. I don't wanna lose you." Pagmamakaawa niya. Kusang tumaas ang kamay ko at hinagod ang likod niya. Lumingon ako kay Darwin, nakalahad ang kamay niya sa akin na para bang sinasabing diyan nalang ako sa tabi niya.
Pumikit lang ako.
I am homosexual.
I only love girls.
Whiskey is my everything.
Ipagpapalit ko ba yun sa isang lalaki lang?
"Let's get you home, Whiskey. I promise I'll stay with you for the night." Hindi ako nakangiti pero pinilit kong pasiglahin ang boses.
Nakayap ito sa akin nang nagsimula kaming maglakad palabas. Lumingon ako sa likod ko at nakita ang galit na galit na mukha ni Darwin.
Pustahan. Para sa pustahan. Iyon ang nasa isip ko.
"Please be back tonight." Pakiusap ni Darwin sa akin.
Alam kong sa apartment ko siya uuwi. Ngunit nangako ako ay Whiskey.
And Whiskey always comes first.
Girls first.