"Sigurado ka ba? Ayos lang sayo na doon muna ako kay Grant?"
Isang malalim na buntong hininga ang nakita kong pinakawalan niya bago tumango sa akin. Grant's acting weird lately at nakiusap si Sant na alamin kung anong problema. Since hindi na umuuwi si Grant sa bahay ko, I decided to pay him an overnight visit
Syempre ay nagpaalam ako kay Darwin na kahit pinayagan niya ako ay mukhang ayaw pa rin niya.
"Yes, I'm allowing you. But you need to get out here soon at baka pigilan pa kita."
Natawa kaming pareho sa sinabi niya. Muli siyang yumuko at inabala ang sarili sa pagkain habang ako ay nakatungong pinagmasdan kung paano salubong ang kilay niya.
Ayaw niyang doon ako matulog kay Grant. I know him too well, pero hinahayaan niya ako dahil iyon ang desisyon ko.
He's too considerate and I think I'm whipped, as if I'm not.
"A'right, doon lang ako tatambay for a day, tapos uuwi ako dito pag gabi na." Ngiti kong sabi. Kita ko ang pagkatigil niya, hindi iyon pinahalata pero ang malaking ngisi sa labi niya ay di niya nagawang itago.
"Naku, Darwin. Napaghahalataan ka." Tukso ko, natatawang tumayo at saka nagtungo sa living room para maghanda sa pagalis.
Ilang segundo lang ay nakadikit na naman si Darwin sa akin.
"What time you're exactly going home tonight? Hihintayin kita."
Nagisip ako saka kumibit balikat. Hindi ko naman alam, depende kung makakapagusap kami ni Grant.
"I'll just text you." Tumango ito sa akin bago ako yakapin ng mahigpit at patakan ng halik sa noo.
Ilang sandali akong nakapikit, ang mga kamay ay nasa dibdib niya at pinapakiramdaman ang t***k ng puso nito.
I love it.
I love him.
"Siya, humayo ka na at baka makarami tayo."
Malakas na tampal sa braso ang ginawad ko sa kanya dahil doon. Tumatawa itong tinulak ako palabas at nakanguso akong sumakay ng kotse.
"Wag mong susunugin ang bahay!" Pahabol kong tawag bago umalis. Narinig ko ang pagsigaw niya pabalik na maghihintay raw siya.
Ilang liko lang ay narating ko na ang condo ni Grant. Madalas ako rito noon bago ko siya pilitin na sa bahay ko nalang tumira.
"Lexi?!"
Parang gulat pa ito nang makitang nasa labas ako. Makipot ang pagkakabukas niya ng pinto at nung tangka kong sumilip ay saka naman niya hinarang ang katawan.
Nakaboxer shorts lang.
"Ba't parang gulat na gulat ka?" Ngisi ko. Hindi halos siya magkaundagaga.
Tinulak ko siya paatras para makadaan ako. Napabilog nalang ang bibig ko nang makita ang isang lalaki na wala ring pangitaas. Parehong lalaki na nakita kong kasama niya nung birthday ko.
"Hello." Humahagikhik kong bati. Tumango ito sa akin bago tumalikod at nagsuot ng damit.
Humarap naman ako kay Grant na hatalang di na maipinta ang mukha.
"What are you doing here?" Iyon ang bungad sa akin ni Grant, inis na pinupulot ang kalat sa paligid. Sinundan ko ng tingin ang lalaki na nagtungo sa kitchen.
"I'm visiting you babe, hindi na tayo nagkikita." Nguso ko. Rinig ko ang singhal niya.
"Go away, Lexi."
Naitikom ko ang bibig sa lamig ng boses nito. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit niya pero siguro ay wala lang ito sa katinuan.
Napalanghap ako ng hangin saka tumabi sa kanyang nakaupo sa sofa, hilot niya ang tungki ng ilong na madalas niyang gawin kapag problemado.
Sinundan ko muli ng tingin ang lalaking kakalabas lang ng kitchen. Nagkatitigan kami at kahit sa kanya ay may nararamdaman akong kakaiba.
Tumayo ako at saka lumapit doon sa lalaki. Rinig ko ang pagtawag ni Grant pero di ko iyon pinansin.
"Listen here, buddy." Nakuha ko ang atensyon ng lalaking iyon. Taas ang kilay nitong binaling ang tingin sa akin.
"What?" Mukhang mataray.
"Give us time to talk. Umalis ka muna." Utos ko. Sarkastiko itong tumawa at nangangalaiting umamba ng suntok. Napaatras ako sa gulat dahil hindi ko akalain na ganoon siya karahas.
Kung hindi lang sa pagpigil ni Grant ay baka uuwi ako na may pasa.
"You..." Dinuro ako ng lalaki. "Ikaw ang makinig sa akin. The moment you hurt this guy over there..." Tinuro niya si Grant. "Ako ang gaganti sayo. Kaya mong manakit ng babae kaya wag mo akong bibigyan ng rason para gawin iyon."
Napamaang ako sa gulat. Hindi halos ako makapagsalita at sinundan lang ng tingin ang lalaki na umalis.
"Babe! Babe!" Sinubukang pigilan ni Grant ang lalaki pero nabigo siya. Inis na inis itong tumingin sa akin.
"Who's that guy?!" Singhal ko nang makabawi. Hindi halos ako makapaniwala na may ganoon! Lalaki pa naman!
"What are you doing here?!"
Sa galit na boses ni Grant yata ako mas natakot. Hindi ko na halos siya makilala. Noon ay napakasweet niya, ngayon ewan ko ba.
"What happened to you? Bat ka ba galit?" Sinubukan ko siyang pakalmahin. Tinangka kong kunin ang braso niya pero binawi niya iyon agad sa akin.
"Can't you see?! You're ruining everything. Get out! I don't want you here."
Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Hindi siya ganito kaya pilit kong iniintindi ang sitwasyon niya. Baka may pinagdadaanan lang.
"Ok, Grant. Let's talk it through. You don't have to shout."
Naiiling itong tumalikod sa akin. Nagtungo siya sa kanyang kwarto pero sumunod ako. Naupo ito sa kanyang kama habang ako ay sumandal sa pinto.
"I hate you, Lexi."
Naiyukom ko ang kamao nang marinig ang galit sa boses niya nung sabihin iyon.
"Sinisira mo ang lahat. My relationship with guys, ayos dapat iyon."
Anong kinalaman ko doon? Gusto ko sanang tawanan siya pero nanatili akong nakamasid sa kanya.
"No one wants to be with me because of you. Akala nila ay hindi ko kayang makipagcommit sa kapwa ko lalaki dahil may babae sa buhay ko. So please.."
Napatango ako, unti-unti siyang naiintindihan. I'm causing him trouble and I was oblivious over those things.
"Do you want me to cut the ties between us?" Pinababa ko ang boses. Umangat ang tingin niya sa akin, bumaba muli at saka tumahimik.
Hindi siya sumagot.
"Tell me you don't want me anymore. Sabihin mong layuan kita, sabihin mong ayaw mo na sa akin, ako na mismo ang lalayo."
Hindi muli siya sumagot. Napangisi ako. We're friends for more than years, alam kong hindi niya kayang itapon iyon.
"Ano, Grant? Hindi mo kaya?" Panghahamon ko.
Kita ko ang pagyukom ng kamao niya. Sinuntok ang kama at saka galit na tumingin sa akin.
"Do you really like playing games with people? Natutuwa ka ba talaga kapag nahihirapan yung mga tao sa paligid mo? Kasi oo, Lexi! Ganoon ang ginagawa mo sa akin!"
"Grant, I can't understand you!'
Sumigaw ito. "Hindi mo talaga maiintindihan because you never dared to ask! Wala kang pakialam sa nararamdaman ko! Kung anong perwesyo na sa buhay ko ang nagagawa mo!"
Napahilamos ako ng mukha, marahas ang pagtaas-baba ng dibdib ko.
"Dahil ba ito sa mga lalaki mo? Sa jowa mo? Ano nagseselos sila sa akin? Sabihin mong hindi sila dapat maalarma sa presensya ko dahil may mahal akong ibang lalaki! Sabihin mong karelasyon ko so Darwin."
Natahimik ang kwarto dahil doon. I can't stop myself but burst the frustration out.
"K-kayo na?" Parang natauhan ito. Huminga ako ng malalim at saka tumango.
Kita ko ang pagiwas niya ng tingin bago ako inutusang umalis. Napamaang ulit ako.
"Grant please! Talk to me! Ano bang problema? Anony problema natin?"
"Ikaw Lexi! Ikaw ang problema dahil ang manhid manhid mo!"
And for the nth time, I was lost for words. Hindi halos ako makahinga, sobrang raming boses ang dumaan sa isip ko at tangin kay Killian ang nangibabaw roon.
Guys who like guys can like girls too.
Posible kayang....
"Grant...."
"Oo, Lexi. Tama ang iniisip mo." Iniwas nito ang tingin sa akin.
"Kailan pa yan?"
Napatawa siya ng malungkot sa naging tanong ko.
"So all this time, hindi mo talaga halata?" Peke siyang tumawa. "Ang tagal tagal na ng nararamdaman ko para sayo Lexi. Putangina dahil wala ka palang alam."
Hindi ako sumagot. Pinahid ko ang luhang lumandas sa pisngi ko at iniwas sa kanya ang tingin. I'm hurting him.
I'm sorry, Grant.
"The kisses we shared, the plans, the memories, lahat ng iyon, akala ko ay may ibig sabihin. I thought maybe...just maybe you can reciprocate the feelings I have for you."
Grant.
Nasapo ko ang dibdib dahil sa rahas ng paghinga ko. Pareho kaming umiiyak. Siya dahil nasasaktan, ako dahil nakakasakit.
"I'm with..." Hindi ko tinuloy ang sasabihin. Mas lalo siyang masasaktan.
"I know.." Ngumiti ito ng tipid. "You're with Darwin. And she deserves you, like how you deserve him."
"Grant.." Nabasag muli ang boses ko na lumapit sa kanya. Lumuhod ako sa harap nito at kinulong ang palad niya sa akin.
"Don't cry." Tinangka niyang punasan ang luha sa pisngi ko pero yumuko ako at saka humagulgol ng iyak.
"I'm sorry Grant." Halos wala ng boses na lumalabas sa bibig ko. "I'm sorry, I don't know. I don't have any idea. I'm really sorry you're hurting. I'm so sorry. But please... please don't push me away. Importante ka sa akin Grant. I don't wanna lose you."
Magkayap kaming nagiyakan. Panay ang hingi ng patawad ko at siya ay pinapatahan ako. Hindi ako sanay.
Mas kaya ko yatang ako ang nasasaktan kaysa ako ang nakakapanakit.
"Lexi, I have something to tell you."
Pinunasan ko ang luha at saka tumingala kay Grant. Nakangiti nitong pinatakan ng halik ang labi ko at kahit gusto kong umalma dahil kay Darwin ay hinayaan ko nalang.
"What is it?" Bahagya akong umatras nang makitang ang mata niya ay nasa labi ko pa rin.
"May operasyon akong nakaschedule next month, in case I won't survive...."
"Ano?!" Napasigaw ako sa gulat. Umasa akong nagbibiro lang siya pero seryoso ang mukha nito.
"I have to undergo some operation for my heart."
"Heart?" Hindi ako makapaniwala na tiningnan ang dibdib niya. "You were fine…"
"I was never fine." Natatawa itong tumalikod. "This will be my second time having bypass surgery making the risk higher."
Napailing ako. Bakit hindi ko alam yun? Bakit hindi niya sinasabi sakin?
"But you'll be fine after, hindi ba?"
I need assurance that he'll be fine. Iyon ang kailangan ko. But he refused to answer.
Mas lalong lumakas ang iyak ko. Gusto kong sigawan siya na dahil yan sa kapabayaan niya. Pero, I don't know the whole story. I never asked.
"You'll be fine…" Kumbinsi ko sa kanya ngunit pinapaniwala ko rin ang sarili.
Ngumiti siya ng malungkot saka lumapit sa akin. Pumulupot ang braso niya sa beywang ko at sa isip ko'y paulit-ulit akong humingi ng tawad kay Darwin.
"Lexi, for three weeks, be with me."
A-ano?
Tinangka kong kumalas ng yakap pero mas lalo lang humigpit ang yakap niya. Naalarma ako dahil alam kong hindi ko gusto ang nais niyang mangyari.
"For three weeks, mahalin natin ang isa't isa, Lexi. Pag pumayag ka, saka lang ako magpapaopera. At kung maging matagumpay ang operasyon, lalayo ako. You can be with Darwin. Three weeks lang, Lexi."
Siguro para sa iba, maliit lang na bagay ang hinihingi ni Grant. Three weeks lang naman, sandali lang. Magpapanggap lang kaming mahal ang isa't isa.
At kapalit nung maliit na sakripisyong iyon ay maaaring mailigtas pa si Grant.
Pero...
Habang naglalakad ako pauwi, ang sasakyan ay iniwan sa talyer para paayusin, napagisip-isip ko na sobrang hirap palang pagbigyan ang kagustuhan niya.
Lalo pa at may masasaktan.
Hindi lang basta kung sino.
Pero si Darwin. Ang lalaking sobrang nagmamahal sa akin. Makakaya ko bang saktan ang tulad niya para kay Grant?
Panay ang iyak ko habang nasa daan. Sobrang sakit na rin ng paa ko kakalakad. Pero ayos lang, mas nakakapagisip ako.
Inayos ko ang sarili nang marating ang bahay. Ilang sandali akong nakatingala lang sa nakabukas na ilaw sa labas, pagkuwa'y iiyak dahil sa hirap ng sitwasyon na kinakaharap ko.
Matamlay akong naglakad papasok. Tanging yakap lang ni Darwin ang gusto ko ngayon. Gusto kong marinig ang boses niya na sasabihing magiging maayos ang lahat.
"Kid, you have to tell your girlfriend about your situation."
Napakunot ang noo ko nang marinig ang isang pamilyar na boses mula sa kung saan.
"Doc, she doesn't have to know. Pain killer lang nga ang iniinom ko at nagiging maayos na ako." I know as f**k it's Darwin's voice.
"Darwin, your situation's getting worse. Hindi natin alam na baka may pumutok na ugat na sa utak mo! Do you want that to happen? Na bigla bigla ay baka mamatay ka at walang kaalam-alam ang kung sino mang kinakasama mo?"
Pakiramdam ko...
Ako na yata ang pinakamalas na babae sa buong mundo.
I suffered a lot.
Pero mukhang hindi pa tapos.
"Darwin..." Umiiyak akong tinawag siya mula sa labas ng kusina. Rinig ko ang mabilis na yapak papalapit.
"s**t, she's here. Narinig niya ata."
Ilang sandali ay lumabas na si Darwin. Agad ako nitong niyakap pero ang katawan ko ay nanghihina na.
"Are you...are you dying?" Natatakot kong tanong.
Gusto kong sabihin niyang hindi. Na mali ang narinig ko. Pero wala siyang sinabi.
"Now is the time to tell her the truth."
Kumalas ako ng yakap kay Darwin at saka desidiong hinarap ang doctor na kakalabas pa lang. Gusto kong malaman ang totoo tungkol sa migraine ni Darwin. Kung migraine lang ba o may iba pang dahilan.
"Lexi?"
Nagtagpo ang tingin namin ng Doctor. Pareho kaming gulat. Ang mata naming magkakulay ay parehong malikot at may kung anong emosyon na hindi mabasa.
Nanginginig ang labi ko.
Pumadyak ako paatras pero muntik na akong matumba sa panghihina.
"Daddy?"