IKADALAWAMPU'T TATLONG KABANATA

2133 Words
"WHY CAN'T YOU JUST TELL ME THE TRUTH DARWIN?!" Sabi nila, yung magagandang bagay na nangyayari sa buhay ng isang tao, hindi na nauulit. Kaya raw kapag nandiyan na, sulitin mo. Pero kung mangyari man ulit, minsan lang. - Kaya siguro may ganoong kasabihan kasi hindi mo alam kung anong sunod na mangyayari. Tulad nalang namin ni Darwin. Nasanay kami sa bawat umaga na naglalambingan, magaan ang loob, kaya hindi halos kami sanay ngayon na sa bawat paggising ay nagsisigawan kami. "Ano pa bang gusto mong marinig, Lexi?! Your Dad told you everything!" Balik na sigaw nito sa akin. Gusto kong patahanin siya, gusto kong pakalmahin siya, pero how can I do that if inside me, there's also a raging storm taking up all my sanity? "Hindi to tungkol doon, Darwin! Ang gusto kong marinig ay kung anong tumatakbo diyan sa utak mo! Sabihin mong dito lang ako sayo! Sabihin mong ikaw nalang ang samahan ko at hindi si Grant! Tell me what you really want. Stop being so considerate, please! Kahit minsan, kahit ngayon lang, ipagdamot mo naman ako!" Nanghihina kong hinalamos ang palad sa mukha ko at napasalampak sa sahig. Gusto kong muling murahin ang mundo. Bakit ganito? Bakit ako? "Grant needs you, Lexi. Be with him." Hindi ko alam kung bakit niya ako pinagtutulakan kay Grant. Kailangan niya din naman ako pero bakit? "Mahal mo ba talaga ako?" Natigilan siya sa tanong ko. Dumaan ang sakit sa mga mata niya at bigla ay nagsisi ako. "Why are you asking me the obvious?" Di siya makapaniwala sa naging tanong ko. "All I did is to love you Lexi, bakit parang kulang pa rin? Tell me, kulang ba?" Humahagulgol akong yumuko at hinayaan ang sarili na mabaliw sa kakaiyak. Rinig ko ang paglapit niya kaya inangat ko ang tingin at pinagmasdan siyang maupo sa harap ko. "Ang gusto ko lang naman ay pagkatiwalaan mo ako, Darwin. Pero kahit yung tungkol sa sakit mo na, hindi mo nagawang sabihin. Plano mo bang iwanan ako sa ere na walang kaalam-alam?" Ang sakit. Buong buhay ko magisa ako. Dumating si Grant. Dumating si Darwin. Sa kanila ko naramdaman yung pagmamahal at pagaalaga. Pero bakit ganoon? Sabay din ba silang babawiin sa akin? "Let's not talk about me, please." "WHY CAN'T WE?!" Hindi ko napigilan na sumigaw ulit. Pagod na pagod na ako sa pagiging mabait niya. Why can't he just be selfish? "Mahal na mahal kita! Putangina naman Darwin, maging madamot ka naman minsan! Unahin mo naman sarili mo at wag ang iba!" Kita ko ang pagdausdos ng luha sa mata niya. Siya ngayon ang yumuko, yumayanig ang balikat sa lakas ng iyak niya. For the first time, nakita ko ang side niyang ganito. Yung mahinang Darwin, yung nangangailangan ng tulong. At sa totoo lang, ayaw kong makita ang ganoong bersiyon niya. Masyadong masakit. "Ganoon ang ginagawa ko Lexi. Unahin mo si Grant, sa aming dalawa, siya ang mas may tsansang mabuhay. Ako..." Sinubukan ko siyang patigilin sa sasabihin. Hindi ko kayang marinig. "Ako, kahit anong oras pwede akong mawala, Lexi. So please do me a favor. Be with Grant, convinced him to have his operation. Then after that..." Inangat nito ang tingin sa akin. Nakangiti ang mga labi niya pero bakas na bakas ang lungkot sa mga mata niya. "If his operation succeeded, tapos ako naman ang mawala, I want you to be with Grant. Mahalin mo si Grant. Siya lang ang pinagkakatiwalaan kong tao na alam kong hindi ka sasaktan." Bakit ganoon ang pagibig? Kung kailan hulog na hulog ka na, yung tipong di mo na kayang bumangon, saka naman magbabagsakan ang lahat. At sobrang hirap dahil wala akong magawa kundi ang panoorin na mawasak ang lahat. I feel so useless. "Darwin, nawalan na ako ng anak noon, halos hindi ko kinaya. Ikaw, ikaw na nakasama ko ng matagal, na minahal ko ng totoo, kapag nawala ka sa akin hindi ko talaga kakayanin. Pakiusap, lumaban ka naman. Hindi ba sapat yung ako para naman ipaglaban mo yung karapatan mong mabuhay? Kahit mabuhay si Grant, kahit sa kanya ako mapupunta, mas pipiliin ko pa ring mamatay nalang kung wala ka. If you die, I'll die. If you fight, then I'll be with you." Tumatango siya nang sabihin ko iyon. Sinikop nito ang kamay ko at saka hinalikan ang noo. "Then I'll fight." Iyon lang ang sinabi niya at alam kong wala rin naman akong magagawa kundi umasang lalaban talaga siya. Dahil sa paguusap namin ni Darwin ay nagpasya akong mananatili kay Grant. Kukumbinsihin ko siyang magpaopera. Kung kailangan kong magmakaawa, kung kailangan kong itapon siya sa hospital gagawin ko. Basta ba't magpaopera lang siya at hahayaan niya ako kay Darwin. I never expected things will turn this way. Sobrang komplikado. "Ahhh!" Natigilan ako sa pagaayos ng gamit nang marinig ang mahihinang ungol na iyon. Agad na nagharumentado ang puso ko at dali-daling lumabas ng kwarto. Nanginginig ang mga kamay ko habang napako na sa kinatatayuan. Hindi halos ako makapagsalita at parang mabibingi na ako sa kabog ng dibdib ko. "Darwin!" Mahinang sigaw ko at napaiyak sa itsura nito. Bagsak sa sahig ang katawan niya, dumudugo ang tenga habang sapo ng kamay niya ang ulo. Ilang santo yata ang natawag ko sa sitwasyong iyon. Wala ako sa tamang pagiisip, mabilis ang galaw ko na pumasok ng kwarto para kunin ang cellphone ni Darwin. Isang tao lang ang makakatulong sa amin ngayon. "Dad..." Mangiyak-ngiyak kong tawag nang sagutin nito ang telepono. "Lexi..." "Dad please help me. Please...please I need you Dad." Ninakaw ng kapalaran ang karapatan kong maging bata. Inagawan ako ng karapatan na maging masaya habang nasa murang edad pa. Ang bahay namin noon, maingay dahil sa sigawan ni Mama at Papa. Nabuntis ako na mas lalong nagpagulo sa pamilya namin. Si Mama, nagkaroon ng ibang pamilya. Si Papa, inabala ang sarili sa trabaho. Magisa ako, magisa akong hinarap ang lahat ng hamon. Minsan, nasa kung saan-saang kalye ako napapadpad, umaasang may estranghero naman na magbigay sa akin ng yakap at sasabihing ang tatag ko dahil nakakaya kong magisa. Maaaring malakas ako, pero sa loob loob ko ay gusto ko rin ng yakap, ng mahigpit na yakap. "Dad, please do anything you can do. Nagmamakaawa ako Daddy. Alam kong hindi ako naging mabuting anak but please pagbigyan niyo ako. This will be the last time that I will ask for your help. Ayos lang kung ipagtatabuyan niyo ako just please tulungan mo si Darwin." Nakaluhod ako sa harapan ng ama ko at nagmamakaawa. Kita ko ang pagdaloy ng awa niya at alam kong kahit papaano ay tinuturing niya pa rin akong anak. "I'm a doctor, of course I'll do my best." Sa simpleng salitang iyon ni Daddy ay napanatag kahit papaano ang loob ko. Mahina ang katawan ko na napaupo sa isang mahabang bench sa labas ng kwarto ni Darwin. Hindi pa rin siya nagigising kaya lumabas muna ako. Napatingala ako sa ilaw na nasa taas at wala sa sariling naiyak muli. Hindi ko mapigilan na magisip kung bakit kailangan kong pagdaanan ang ganito. Hindi pa ba sapat yung hirap ko noon? Kulang pa ba? Rinig ko ang pagring ng cellphone ko kaya dinukot ko iyon sa bulsa. Pinunasan ko ang luha at saka sinagot ang tawag. "Sant..." "Lexi." Naalarma ako sa umiiyak na boses ni Sant. "Sinugod sa hospital si Grant, inatake daw. Please Lexi, pakitingnan naman oh. Baka kasi kung ---" Kahit nagsasalita pa si Sant ay binagsak ko na ang cellphone. Gusto kong sumigaw. Hindi ko na kaya! Bakit? Bakit ganito?! Napayuko nalang ako at naiyak. Sobrang hapdi na ng mata ko. Hindi ko na rin alam ang gagawin. Ilang sandali ay may tumawag ulit. Si Joi. "Lexi?" Natauhan ako bigla. Nalukot ang puso ko sa tuwa at nagpasalamat na may mga kaibigan pala ako. "Yung mga lalaki ang pupunta kay Grant. Puntahan ka namin, diyan ka lang ah?" Tumango ako kahit hindi iyon nakikita ni Joi. Napapangiti nalang ako kahit sobrang pagod na ang nararamdaman ko. Nakasandal ang ulo at likod ko sa pader habang nakahalukipkip. Ilang sandali ay halos hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap na ginawad sa akin ni Joi, Joana at Sheena. Muli akong naiyak nang makita sila. May pamilya pa rin pala ako. Maaaring hindi ko sila kadugo, pero sila yung mga tao na hinding hindi ako itataboy. "We will be with you, Lexi. So be strong okay?" Tumango ako kay Joi na hinahaplos ang buhok ko. Si Sheena ay panay ang punas ng tissue sa mukha ko, nagrereklamo pa dahil daw nagkakalat na ang sipon ko. "Eww ano to? Kulangot?" Tangkang biro ni Sheena at nabatukan ko na talaga. Tumatawa nitong inilag ang ulo sa kin. "Tara manood tayo." Yaya naman ni Joana. Tumabi sa akin at saka tinaas ang cellphone niya. "Puta!" Mura ni Joi nang sumilip. Malakas ang tawa ni Joana at Sheena dahil sa reaksiyon ni Joi. Natatawa naman akong sumilip at napailing-iling dahil porn video ang pinapanood ni Joana. "Bakit? Malakas makabawas ng stress ang ganito no!" Giit pa niya. Habang pinagmamasdan silang nagbabangayan ay hindi ko maiwasan na magpasalamat pa rin sa Diyos. Maaaring mas mahirap na pagsubok to kaysa noon, pero ngayon alam kong kakayanin ko kasi hindi na ako magisa. Lexi will never be alone. *** Gabi na, malakas ang ulan pero hindi ko pa rin magawang pumasok ng hospital kung saan inadmit si Grant. Naroon ang boys samantalang sila Joana ay naroon kay Darwin. Sila daw ang magbabantay. Nagpasya akong piliin si Darwin. Pero hindi ko naman papabayaan si Grant. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago dire-diretsong pumasok ng hospital. Nadatnan ko sa lobby si Liam at Ranz. "Si Leo?" Tanong ko. Nginuso nila ang loob. Tumango ako at saka akmang papasok nang pigilan nila ako. "Bakit?" Takang baling ko sa kanila. Tipid na ngiti ang binigay sa akin ni Ranz bago ako higitan palapit at binigyan ng yakap. Si Liam ay ginulo ang buhok ko. "Nandito lang kami, bunso. Hindi ka namin papabayaan." Nangingilid ang luha ko na yumakap pabalik kay Ranz. Ito yung kailangan ko, yung positibong pakiramdam na magpapaniwala sa akin na kakayanin ko. "Salamat." Tinapik ko ang likod no Ranz at ngumiti naman kay Liam na nakatayo lang sa likod ko. Ilang sandali lang ay natagpuan nalang namin ang sarili namin na nakasalampak sa sahig dahil sa pagtalon ni Leo sa amin. Putangina talaga. "Tangina ang likod kooo!" Reklamo ko. Tinulungan ako ni Liam na makatayo at saka ko naman sinalubong ng bugbog si Leo. "Nakikiyakap lang e!" Giit pa ni Leo. Tinaasan ko nalang ito ng gitnang daliri bago pumasok ng kwarto ni Grant. Tahimik ang silid pero gising siya. Nakatulala ito sa dingding pero agad na tumingin sa akin nang marinig ang pagsara ko ng pinto. "Lexi?" Akma itong babangon pero naagapan ko agad. Pinilit ko itong humiga nalang habang ako ay naupo sa gilid niya. "Sinabi sa akin ni Leo ang nangyayari kay Darwin, I'm sorry." Mabilis na nangilid ang luha sa mata ko nang sabihin niya iyon. Siya rin mismo ay naiiyak. "I was so selfish. I'm sorry kung pinapili pa kita. Alam ko na ngayon, mas mahal mo si Darwin at pasensya na ginulo ko kayo." Umiling lang ako kay Grant. Wala ako masyadong masabi. "Grant, magpaopera ka nalang kahit wala ako please? I can't leave Darwin, anytime pwede siyang kunin sa akin and I don't wanna waste any days na hindi ko siya kasama. I'm sorry, mahalaga ka sa akin pero yung hinihiling mong tatlong linggo, di ko maibibigay." Tumatango siyang iniwas sa akin ang tingin. Pasimple nitong pinunasan ang luha at saka nakangiting binalik ang mga mata sa akin. "Of course..." Sabi niya at tumango. "Magpapagaling ako, sasamahan kita sa laban mo. Ngayon mo mas kailangan ng karamay kaya magpapagaling ako." Nakahinga ako ng maluwag sa naging desisyon niya. Alam kong nasasaktan ko siya, pero ayaw ko munang isipin iyon dahil mas importante sa akin si Darwin. Marahan kong niyakap si Grant at ramdam ko ang paghalik niya sa noo ko. Napangiti nalang ako. "Bibisita ulit ako, bukas. Make sure to take your meds. The boys will be with you habang nasa byahe pa pauwi ang kapatid mo." Kumaway sa akin si Grant habang papaalis ako. Sinalubong muli ako ng yakap ng tatlong lalaki at saka ako hinatid ni Ranz pabalik sa hospital kung nasaan si Darwin. Pero bago pa man kami makaalis ay nakatanggap na ako ng tawag mula kay Joana. Umiiyak siya, rinig na rinig ko ang sigaw ni Joi sa kabilang linya. "Lexi, I'm sorry..." Nahigit ko ang hininga nang marinig ang basag na boses ni Joi. Ayaw kong isipin na may nangyaring masama pero parang ganoon nga. "B-bakit?" Hindi na halos ako makahinga. Mas lalong lumakas ang iyak ni Joana. "Darwin's gone, Lexi. I'm sorry.. I'm sorry.." Darwin....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD