"Sigurado ka bang ayos ka lang? Gusto mo bang samahan kita?" Nakangiti akong umiling kay Sant nang sabihin niya iyon. Minataan ko si Whiskey na nakaupo sa sofa nila at hinahagod ang tiyan. "Take care of your wife, Sant. Saka baka kailanganin ng tulong ni Grant. Malapit na ang operasyon niya." Sabi ko at pilit na ngumiti. Tumango sa akin si Sant bago ako hinayaan na umalis. Sandali lang ako dumalaw sa kanila nang malaman na umuwi pala ito. Saka naman ako naglakad sa pinakamalapit na sementeryo. Nakangiti kong pinagmamasdan ang mga paa na tila naguunahan sa paglakad. Magaan ang simoy ng hangin at tinatangay ang buhok ko. Hawak ko sa likod ang basket ng bulaklak at pagkuwa'y ngingiti ako ng malungkot. Dalawang araw na simula nung mawala siya. Hindi ko alam ang gagawin. Buong araw yata wa

