Chapter 30

2285 Words

“Umahon ka na. Baka pati ngipin mo, kumulubot na sa sobrang babad sa tubig.” Kanina pa kinukulit ni Jo Ash ang binata ngunit hindi pa rin ito umaahon sa tubig. Alam niyang may pinagdaraanan ito. Tama ang paulit-ulit na niya sinasabi—mahal nito si Hazel—at hindi nga siya nagkamali. “Kaunti pa,” sabi ni Tantan. Buong linggo ay sa bahay muna siya ni Jo Ash tumira. Kahit noon pa man kapag kailangan niyang makapag-isip-isip ay sa kaibigan na niyang ito siya tumutuloy. Higit pa sa kagudo ang turing niya rito. “Hindi na. Umahon ka na. Kumain na tayo. Baka mamaya e kainin na ng mga dragon mo ang bituka mo. Wala pa tayong dinner-dinner simula nang umuwi ka kanina galing sa work.” Napilitang umahon mula sa pagbababad sa pool si Tantan. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya magkakaganito. Kung

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD