Hindi natiis ni Hazel na hindi tanungin ang binata kung bakit nawala ito sa telepono kanina kaya naman siya na ang gumawa ng paraan para makausap ito. Kung hihintayin niya ito ay hindi niya alam kung kailan ulit ito tatawag. Pagpasok niya sa kuwarto ay pasandal siya na naupo roon at nagtipa. “Naputol yata ang call mo,” sabi niya sa mensahe bago ito ipadala sa binata. Ilang minuto siyang naghintay sa sagot nito hangg sa umabot na ng oras ang paghihintay niya sa sagot ng binata ngunit wala itong reply. Napanguso na lamang siya dahil doon. Tinitigan niya ang cellphone at iniisip kung tatawagan ba niya ito o hindi. Kaya lang ay magmumukha naman siyang ewan. Wala namang sila kaya hindi kailangang magpaliwanag ni Greg. “Makapamalengke na nga lang,” sambit niya sa sarili. Ayaw niyang iburo ang

