“Alam kong kaibigan o kapatid lang ang turing mo sa akin. Ramdam ko naman iyon. Pero hindi ko mapigilan.” Hindi niya matanggihan ang kalmadong panahon na may kasamang ulan. Matapos niyang magbabad sa shower ay siyang buhos naman ng ulan. Nakikidalamhati sa nararamdaman niya. “Sa tuwing nakikita kita ay gusto kitang yakapin nang mahigpit. Gusto kong hagkan ang malambot mong labi. Ngunit ayaw kong malaman ang sagot mo sa aking katanungan dahil alam kong iba ang laman ng puso mo.” Nakailang punas na siya ng towel ngunit hindi matuyo-tuyo ang pisngi niya. Panay-panay pa rin ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata. “Pero nang malasahan ko ang tamis ng labi mo ay siya palang pait nang magiging resulta ng kapahangasan ko…” Mahapdi na ang kaniyang mga mata. Nakatitig sa ulan habang nakaupo sa s

