Chapter 10

2127 Words
Hindi niya type ang pag-oo nito na makisalo sa lunch nila pero ano ang magagawa niya? Ang boss na niya ang nag-alok. Nanghihinayang siya sa pagkakataong inilaan ng tadhana sa kanila. Chance na sanan niya ito. Date man o hindi ay kinokonsider niyang date ito. Dapat sila lang. Pero wala e. Hindi marunong tumanggi ang inalok. Tahimik lang siyang nakamasid sa dalawa habang magkausap ang mga ito. Tila ba matagal na nitong kilala ang isa’t isa. Kinain niya lang ang pagkain niya nang dahan-dahan pero malapit na siyang mawalan ng gana. “So, how’s your deal with the investors?” tanong nito sa boss niya. Napaisip naman siya kung bakit ito pa ang itinanong nila lalo pa at hindi naman ito business meeting. “Deal with the investors? Pati ba naman ito ay alam ang tungkol doon? Bakit business partner ka?” bulong pa rin ni Hazel sa sarili. Hindi niya akalain na magiging third party lang siya sa lunch na ito. Sana ay kinain na lang niya ang baon niya o hindi kaya ay sinabayan na lang niya si Tantan. Although hindi naman masasayang ang iniluto niya dahil nag-iwan siya ng note sa fridge puwedeng kainin ng kahit sino ang food niya. Pa-simple siyang tumingin kay Greg nang sumagot ito sa babae. “It went well. Thanks for asking,” sagot lang ni Greg at ininom ang juice na nasa tabi niya. Mahilig ito sa pineapple juice kaya iyon ang in-order nito. Napatingin naman siya kay Winona na iniikot-ikot lang ang pasta sa tinidor nito. Mayamaya ay tumingin ito sa kaniya kaya agad siyang umiwas ng tingin dito. Napalunok pa siya ng laway niya nang bumaling naman ang babae sa kaniya. “Sorry to ask, Hazel,” panimulang sabi nito. “Hazel, right?” paglilinaw na tanong nito sa kaniya na nakaagaw nang malalim na pag-iisip niya at agad naman siyang tumango. “Uhm… are you single? I mean, you can choose to ignore my question,” dugtong nito sa sinabi. “Sabihin ko kayang I’m soon to be engage?” palihim na napahagikhik siya sa naisip. Ituturo lang naman niya si ampalaya kapag nagtanong ito kung kanino. Ewan na lang kung hindi ito magselos. Napalingon siya rito nang mapansin na nakaabang ito sa sagot niya. “I am,” tipid na sagot niya. Wala naman talaga siyang balak sagutin iyon especially wala namang dapat pakialam ang babaeng iyon sa marital status niya. Isa pa ay hindi sila close para tanungin siya nito nang ganoon. Pero nasagot naman na niya. “I see,” tatango-tango naman si Winona at nangingiti pagkatapos ay sumubo ng maliit na karne. “Baliw yata ‘to, e. Nangiting mag-isa,” bulong niyang muli. Na-excite pa naman siya dahil magla-lunch sila kaya lang ay may asungot. “You know, I like you,” napaawang ang labi ni Hazel sa sinabi ni Winona. “P-po?” nag-aalangang agad na sagot niya sa narinig dahil baka nagkamali lang ang pandinig niya pero mukhang tama naman. Napatingin siya ritong muli at saka bumulong sa sarili. “Lesbian yata itong isang ito. Girl, hindi kita type. Iyang kausap mo ang type ko,” sabi pa niya sa isip niya. Umiling naman si Winona sa kaniya dahil sa paglilinaw niya at sinagot siya nito. “Never mind,” sambit nito at nakita na naman niya na tila kinilig pa ito kung tama nga ang observe niya. Nawi-weird-uhan siya rito. “Luh, lesbian nga yata,” bulong niyang muli at tila kinilabutan sa naisip. Kung ano-ano na ang tumakbo sa isipan niya na paano kung type nga siya nito at alukin siya na maging kasintahan? “No way,” naiiling niyang sabi na napalakas pa yata dahil lumingon ang dalawa sa kaniya. “Ang alin?” usisa ni Winona sa kaniya. “Wala po,” sagot niya na alanganing nakangiti. Kinastigo niya ang matabil niyang labi dahil sa hindi nito napigilang isatinig ang nasa isip. Kinagat niya nang mariin ang pang-ibabang labi. Kumibit naman ng balikat si Winona. Marami pang napag-usapan sina Greg at Winona. Isa na sa mga iyon ay ang interior ng resto at ang pagkain. Mukhang madalas ang boss niya sa resto na iyon at talaga namang alam na alam na nito ang menu ng resto at ang ingredients ng bawat pagkain na nasa menu. Hindi rin nakaligtas ang puna nito sa bagong ayos na shelf nito na naglalaman ng mga libro. Ayon dito ay mga romance novel iyon ng mga hindi kilalang manunulat. At layunin ni Winona na i-promote ang mga iyon sa pamamagitan ng libreng pabasa sa mga kumakain doon. Tulong na rin niya sa mga manunulat upang makilala ang mga ito. Mayroon ding reaksiyon board katabi niyon na kung saan ay maaring isulat ang komento o review nila sa nabasa nilang nobela. Na-impress si Hazel dahil pati iyon ay alam ni Greg. Gusto na nga niyang sabitan ito ng award dahil kilalang-kilala niya ang restong ito. Tila nawili siya sa pakikinig sa dalawa at nawala ang inip niya. Ilang minuto na rin ang nakalipas mula nang matapos si Winona kumain at ngayon nga ay iniinom na lang nito ang kiwi sparkling juice nito. Ilang minuto nang maubos iyon ay nagpaalam na ito. “Thanks for the lunch, Greg. I have to go,” agad itong tumayo at bumeso kay Greg nang makapagpaalam. “And nice meeting you, Hazel. See you around,” sabi nito sa kaniya. “Nice meeting you too,” sagot naman niya. Pagkatapos ay umalis din ito agad sa table nila. Kung saan ito pupunta ay wala namang idea si Hazel. “Ibang klase, eat and run pa pala siya,” lihim pa ring kinikilabutan si Hazel nang maalala ang tanong nito kanina. “Well, hindi ko sila masisisi,” muli ay napangisi siya. First time niyang magkaroon ng admirer na lesbian. O baka hindi lang siya aware pero may iba pa. Pero hindi naman halata sa babae kanina na babae rin nag type nito. Lalo pa at mas sexy pa nga ito sa kaniya manamit. “Okay ka lang ba?” Agaw ni Greg ng atensiyon sa kaniya. “O-oo naman, Mr. Laxamana. Do I look like I’m not?” Hindi niya alam kung bakit sinabi niya ang nasa isip niyang tanong pero pinanindigan na niya dahil hindi naman niya iyon mababawi. “Hindi naman. I mean, kanina ko pa kasi napapansin na nangiti ka mag-isa,” sabi nito. Pigil ang kilig na tumango-tango si Hazel. “Ikaw ha, ampalaya ko. Hindi mo sinasabi na pinagmamasdan mo pala ako. Sige lang. Titigan mo ako hanggang gusto mo. Feel free. I’m yours. All yours,” nasisiraan na nga yata siya ng bait na sambit sa sarili. “Inspired lang, Sir,” sagot na lamang niya. “How was the food?” napamaang siya sa narinig kung totoo ba na tinatanong nito ang opinyon niya sa pagkain. “Okay naman, Sir. Ibig kong sabihin ay masarap,” paglilinaw pa niya sa sagot niya. “Glad you like it. Matutuwa si Winona,” nalito na naman siya. Bakit naman matutuwa si Winona na nagustuhan niya ang food. Kinikilabutan talaga siyang isipin na type siya ng babaeng seksi na iyon. “She owns this resto,” sabi pa ni Greg. Napansin kasi nito ang reaksiyon niya na parang iniisip niya kumg bakit matutuwa si Winona kaya inunahan na siya nito. “Oh, I see,” kumurba ng pabilog ang labi niya sa pgkahigla. Kaya pala puro tungkol sa resto halos ang usapan nila ay dahil pag-aari ito ni Winona. “Don’t tell me, ampalaya ko, nirereto mo’ko sa kaniya?” mabilis na bulong niya sa sarili na napatutop pa sa bibig. Kung ano-ano na naman ang naiisip niya. Lalo pa ang dahilan kung bakit doon sa resto na iyon siya dinala ng boss niya. “I’m a regular and I like the food here. Mabuti at nagustuhan mo. Let’s go?” nag-iba ang simoy ng hangin dahil tila bumait ang boss niya sa kaniya. Tumango na lamang siya kahit may pagtataka sa nangyayari. Hindi man sila nakapagsolo ay masaya siyang malaman na tila nagbabago na ang ihip ng hangin. Papabor na ba ito sa kaniya at magkakakulay na ang kuwento ng buhay niya? Nakangiting sumkay si Hazel sa kotse at katulad ng pagpunta nila rito at pagdating ay inalalayan siya nito na huwag mauntog sa bubong ng kotse sa pagsakay. Masaya siyang nakinig ng musika sa kotse nito at hindi na siya gaanong nasu-suffocate sa katahimikan sa pagitan nila. Nasa desk niya si Tantan nang datnan nila ito sa opisina. Dumiretso naman si Greg sa opisina nito ngunit ang mga mata ay tila naiwan sa labas nang makaupo siya sa kaniyang silya. Nakamasid siya sa dalawa na seryosong nag-uusap sa may desk ng dalaga. “Ang tagal mo naman bumalik. Wala tuloy akong makulit dito,” seryoso ang mukha ni Tantan na hindi mo maintindihan kung galit na naiinis o binibiro na naman si Hazel. “Tigil-tigilan mo nga ako, Tantan. Bumalik ka na sa desk mo at magtrabaho. Baka abutan ka pa ng meryendo rito sa desk ko,” pagtataboy namang sagot niya rito ngunit hindi ito umalis. Hinawakan nito ang palad niya at lumingon sa opisina ni Greg. Agad namang umiwas ng tingin ang boss nila at lumakad palapit sa blinds. Tila masama ang timpla na isinara ang blinds. Napangisi naman si Tantan saka inilapag na naman ang palaka niyang madulas sa palad ng dalaga. “Ew! Nakakainis ka talagang lalaki ka! Lumayas ka rito! Layas! Layas!!!” singhal niya sa lalaking akala niya kanina ay seryoso. Iyon pala ay may binabalak naman kalokohan. Parang malagkit-lagkit pa ang laruan na tila may sipon o kung ano man. Nagtatakbo naman si Tantan pabalik sa desk niya nang madampot ang laruan sa sahig. Agad na dumampot ng tissue si Hazel at pinunasan ang kamay niya. Pagkatapos ay inamoy-amoy, “Tsk, lotion. Lokong lalaki iyon!” Akala niya ay kung ano na ang malagkit na nasa laruan. Lotion lang pala. Kaamoy iyon ng lotion niya. Hindi siya mahilig sa sweet scent ng lotion. Tamang natural scent lang na may pagka-ocean scent. At hindi ganoon kalakas ang amoy ng lotion niya kaya hindi niya kaagad nagilaan na lotion iyon. Nagsimula na siyang magtrabaho muli. At abala siya sa mga reports na kailangan niyang ipasa sa boss niya by the end of the day. Dahil sa pagka-busy ay hindi niya namalayan na tapos na pala ang breaktime nila. Normally ay kinukilit siya ni Tantan. Ngunit isang himala na wala ito sa puwesto nito. Napaawang na lamang ang bibig niya nang may dalawang taong nakatindig sa harapan ng desk niya. Napaangat siya ng tingin sa dalawang kape na nasa harapan niya. Isang starbox coffee at isang coffee sa pantry. Saglit siyang nag-isip at kinuha ang kape ni Greg. Hindi naman niya hinawakan man lang ang kape ni Tantan. “Thank you, Sir,” pasasalamat ni Hazel sa kape sa boss niya. Hindi naman sumagot si Greg bagkus ay tumango lang. Aalis na sana ito nang mapatingin kay Tantan. Awkward na itinaas ng binata ang coffee na galing sa vendo at nilagot iyon. Napangiwi si Hazel at hindi naman kakikitaan ng reaksiyon si Greg. Ngunit alam ni Hazel na napaso ang binata. Umuusok pa ang kape pero nilagok na nito. Nang maubos ay itinaas ulit nito at iwinagwag sa ulo niya para ipakita na ubos na ang laman. Pagkatapos ay itinapon ang paper cup sa trash bin sa tabi ni Hazel. Naiiling na umalis naman si Greg at bumalik sa opisina nito. Nilingon naman ng dalaga si Tantan. “Okay ka lang?” seryosong pag-aalala niya dahil mainit iyong kape at siguradong napaso ito. Nag-thumbs up lang ito at tumalikod na. Pagkatapos ay dumiretso sa labas ng opisina nila para magtungo sa banyo. Nang makarating doon ay agad itong nagmumog ng sampung beses. “Tanga-tanga, Tan? Ano naisip mo?” sermon niya sa sarili. “O? Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya sa babaeng nakaabang sa labas ng toilet ng lalaki. “Hinihintay ka. Masakit ano?” nakangiwing tanong ni Hazel. Kahit hindi siya ang napaso ay pakiramdam niyang mahapdi ang dila nila at para bang nararamdaman niya ang pagkapaso nito. “Ayos lang. Hindi naman mainit iyon. Kanina ko pa kinuha ‘yon kaya malamig na,” pagsisinungaling nito. “Tsk, heto yelo,” alok niya rito saka kinuha ang palad nito at ibinigay ang paper cup na may yelo. Pagkatapos ay iniwan na ito. Naiiling na lang siya sa trip ni Tantan. Minsan ay hindi niya ito maintindihan pero alam niya na sobrang kulit nito kaya naisip niya na baka isa lang iyon sa mga kakulitan nito. Kung iyon nga ang dahilan ay naisip niya na sana ay bawas-bawasan nito ang kalulitan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD