Chapter 11

1137 Words
Mag-a-apat na araw na magmula nang mapaso si Tantan sa dila nang mainit na kape. Kung ano man ang pumasok sa kokote niya ay hindi niya rin alam. Nakaramdam lang kasi siya nang kaunting pagkainis nang mas piliin ni Hazel ang starbox coffee ng boss nila kaysa sa coffee na dala niya galing sa vendo. Halos mapangiwi si Tantan sa paggagamot ng paso niya. Ayon sa nabasa niya ay magtatagal ito ng dalawa hanggang isang linggo bago gumaling. Hindi na siya nag-abala pa na pumunta ng clinic para ipa-check ang paso niya. Nabasa niya na marami siyang puwedeng gawin upang gumaling ito. Katulad ng bilin ni Hazel sa kaniya ay patuloy pa rin siya sa pagsipsip ng yelo para matanggal ang init sa dila niya. Sinubukan na rin niya ang popsicle at ice candy. Panandalian naman nitong naiibsan ang hapdi sa dila niya. Sinubukan na rin niya ang nabasa niya na sumubo ng isang kutsarang yogurt. Hinayaan niya iyong nakababad sa dila niya ng ilang segundo bago ito lunukin. At dahil ang yogurt ay may natural na cooling effect ay nakatulong naman ito. Nasubok na rin niya ang paglalagay ng asukal sa area ng dila niya na napaso. Ibinabad muna niya ang dila niya sa asukal ng ilang minuto at saka ito nilunok. Nakatulong naman ang mga iyon ngunit mahapdi pa rin talaga ang dila niya. Nagsinungaling siya kay Hazel na malamig na ang kapeng iyon pero ang totoo ay bagong kuha lang niya iyon at mainit-init pa. Sinubukan na rin niyang mag-apply ng honey sa area ng dila niya na napaso kanina bago pumasok sa trabaho. Hindi umubra ang mga ito kahit ang pagmumog niya gamit ang mouthwash pagkatapos magsipilyo. Kaya ngayon ay ngumunguya na lamang siya ng chewing gum na may menthol para kahit papaano ay makapagtrabaho siya. Isang malaking katangahan talaga ang ginawa niyang iyon. Pangkaraniwang tu­matagal ng 2 araw hanggang isang linggo bago tuluyang gumaling ang napasong dila ayon sa nabasa niya. Kaya naman hindi siya makakain ng mga maaanghang katulad ng bicol express na paborito niya. Kahit ang pritong mani na gustong-gusto niyang kainin habang nagmo-movie marathon ay hindi niya makain dahil may asin ito. Iwas din muna siya sa pagkain ng hard candy dahil nakikiskis ang dila niya sa pagsipsip nito. Hindi niya maiwasang ilabas ang dila at kagat-kagatin. Katulad ngayon na nailuwa na niya ang walang lasang chewing gum. Napalingon siya sa babaeng kanina pa nakamasid sa kaniya. “Anong tinitingin mo?” pabulong na sambit niya sa dalaga na sinenyasan pa niya na huwag tumingin. Sa halip na umiwas ng tingin ay lumapit pa tuloy ito. “Kumusta na ang dila mo? Masakit pa?” Itinago ni Tantan ang dila niya na kanina ay nakalawit dahil sa hapdi. Hindi naman na ito kasing hapdi noong naunang mga araw pero mahapdi pa rin. “Sa tingin mo?” alanganing ngumiti si Hazel dahil ngayon lang ito nagsungit sa kaniya. Tila ito ang papalit sa boss niya dahil bahagyang bumait na ang ampalaya niya sa kaniya. Bahagya lang dahil inaabot pa rin ito ng sumpong na sungit nito. “Sungit mo naman. Bakit mo kasi ininom ng straight ang kapeng iyon,” sermon niya kay Tantan. “Ako na nga napasok, may sermon pa?” sabi ng binata. “Sorry naman. Pero kasi bakit mo nilagok?” Sa halip na makipagtalo ay tumutok si Tantan sa computer niya at hindi kinausap si Hazel. Naiinis siya sa sermon nito bukod sa inis niya sa hindi nito pagtanggap sa kape. Ilang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin siya maka-move on. “Bumalik ka na sa desk mo. Okay lang ako.” Sumuko rin naman si Tantan sa katigasan ni Hazel dahil hindi ito naalis sa tabi niya. “Mamaya sabay tayong umuwi?” alok ni Hazel sa binata. “Bakit?” Oo dapat ang sagot ni Tantan pero hindi na lang. “Sungit mo talaga. Diyan ka na nga,” dismayadong sabi ni Hazel saka iniwan ang binata. Sa kabilang banda ay natuwa rin naman si Hazel dahil hindi na siya kukulitin ni Tantan at gugulatin ng palaka nito. Maghapong nakasara naman ang blinds ng opisina ni Greg. Hindi tuloy ito matanaw ng dalaga. Naroon ito sa loob ng opisina at hindi lumalabas. Natapos ang meeting nila a few hours ago. Pagkatapos ay hindi na ito lumabas pa. Nang magbreaktime ay dinaanan lamang siya nito at hindi man lang tiningnan. Hindi rin siya nilingon man lang nito kahit sulyap man lang. “Anong problema naman ng isang iyon?” napapaisip na tanong niya sa sarili habang nakatingin sa papalabas ng pinto na binata. Nang magbalik naman ito matapos ang breaktime ay ganoon pa rin. Dinaanan lang siya nito at walang lingon-lingon man lang. Gusto niyang puntahan ito sa opisina pero ano naman ang sasabihin niya? Alangang tanungin niya ito ng direkta kung ano ang problema nito sa kaniya. “Kung sabagay… why not?” bulong niya sa sarili. Patayo na sana siya ng desk niya nang lumapit si Tantan sa kaniya. “Naisip ko na sabay tayo umuwi. Baka madisgrasya pa ako dahil sa dila ko,” sabi nito. Napatunganga siya rito habang iniisip kung ano ang koneksiyon ng disgrasya sa dila nito. Ngunit hindi niya mapagtagpo ang dahilan kaya tinanong na niya ito. “Anong konek?” tanong niya sa binata. “Ng alin?” Kahit ito ay naguluhan sa tanong niya. “Ng disgrasya sa dila mo? Bakit ka madidisgrasya? Ang dila mo ba ang magda-drive sa motor?” natawa naman si Tantan sa sinabi niya. Tila nawala na ang sumpong nito at nakakatawa na. “Aba e baka mapagkamalan akong manyak sa kalalabas ng dila ko. At least kung kasama kita e hindi nila iisipin na bastos ako,” paliwanag pa nito. “Wow. Advance mag-isip? Anyway, sige sabay tayo.” ngingisi-ngisi na nakatingin naman si Tantan. Nagtataas-baba pa ang mga kilay. “So ikaw ang magsa-drive ng motor ko?” nakangisi pa nitong sabi. “Huh? Bakit ako?” angil niya rito. “Bakit hindi ikaw? Injured ako kaya kailangan mo akong ipagmaneho sa ayaw at sa gusto mo. Ikaw ang dahilan kaya napaso ang dila ko,” sagot ni Tantan sa kaniya. As usual at ayaw na niyang makipagtalo kaya naman pumayag na siya. “Oo na. Wala na akong panama sa’yo. Tutal e makalugar tayo kaya payag na ako.” Wala nang usap-usap pa na mahaba. Pumayag na siya at saka bumalik sa desk niya. Sa wakas ay bukas na ang bintana ni Greg. Ngunit matalim ang tingin nito sa kaniya. Natapos niya ang problema niya kay Tantan pero may bago na naman. At sa boss pa niya. Ano na naman kaya ang nagawa niya rito? Parang kailan lang ay inilibre siya nito ng pananghalian. Ngayon ay tila hinahapunan siya nito ng matalim na titig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD