02

1223 Words
Ashana Bea's Point of View "She's fine now. She just need to rest well" ani ng boses na narinig ko. It was a new voice, indeed. "Thank you" sagot naman ng isa pa. Medyo pamilyar ang boses na ito.  Dahan dahan akong nagmulat ng mata at ang unang bumungad sa akin ay ang puting ceiling ng kwarto. Iginala ko ang paningin sa paligid para tingnan kung nasaan ako at kung sino ang mga taong nag uusap kanina. Nakita ko ang hindi pamilyar na mga mukha sa aking harapan, ito ay dalaang lalaki. Ang isa ay halos kasing edad ko lang at ang isa naman ay mukhang matanda na. "Oh. She's awake" saad ng boses ng lalaking mukhang doktor. Uupo sana ako pero ramdam ko pa din ang panghihina ng katawan ko kaya naman inalalayan ako ng isa pang lalaki para makaupo ng ayos. "Hey. Slowly" aniya. Nang makaupo ay humarap ako sa kanila. At inilibot ang paningin sa paligid. "N-nasaan ho ako? At sino kayo?" tanong ko. Nagtinginan naman ang dalawa. Animo'y nagtuturuan kung sino sa kanila ang sasagot sa tanong ko. Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan nang hindi agad sila nagsalita.  "I'm his doctor, Garrison. Nandito ka ngayon sa bahay namin since mas malapit ito kaysa sa hospital. How are you?" sagot ng doctor. "A-ah. Ma-m-maayos na po s-s-s-iguro. Salamat po sa tulong pero kailangan ko na po umuwi" sabi ko at akmang tatayo na sana upang umalis nang magsalita ang binate. "Stay here tonight" saad niya habang nakatitig sa akin. "Hindi na. Uuwi na ako" pagpilit ko at muling sinubukang tumayo. Sa aking pagkagulat, bigla na lang akong natumba. Mabuti ay nasalo ako ng lalaking iyon. "You can't go home looking like that. So stay here until you get better" aniya pa bago ako alalayan pahiga muli sa kama. Wala na akong nagawa kundi ang sundin siya at mapabuntong hininga. "Sige" tanging sagot ko. "Pasensya na po sa abala, doc" dagdag ako at nilingon ang doctor. Ngumiti lang ito at tinanguan ako. "Okay. Stay here, Miss. Magluluto muna ako ng hapunan" ani ng doctor bago tumalikod at umalis. Bago pa man siya makalabas ay nagpasalamat muna akong muli. "Sige po. Maraming salamat ulit"  "No. You don't need to thank me. This guy here is the one who saved you, afterall" nakangising saad niya bago lumabas ng silid. Napalingon ako sa lalaking nasa harap ko. Nakaupo lang siya sa upuan at nakaharap sa laptop. Ngayong natitigan ko siya ng maigi, at narinig ko ng ayos ang boses niya, naaalala ko na siya. "Ikaw yung lalaki kanina, hindi ba?" tanong ko dito. Napatakip naman ako sa bibig dahil hindi ko din inasahan na mapapalakas ang pagkakasabi ko. Tumigil siya sa pagtatype sa laptop at hinarap ako. "Looks like you remember me now, huh" aniya. "Yeah. It was me" Napasimangot naman ako dahil sa lamig ng pakikitungo niya sa akin. Parang kanina lang ay nahihiya pa siya dahil nakikita na halos buong katawan ko. Kanina lang ay napakaayos niyang kausap, gentleman at halos magmukha pang kamatis sa sobrang pula. "Salamat. Siguro ay kung hindi ka dumating dun, baka dun na ako namatay" sabi ko pa. Nakakatakot na pangyayari iyon sa akin. Naisip ko pa kanina na hayaan nalang hanggang sa mamatay na ako para makatakas ako sa anak ni satanas na tatay ko. "Whatever. I just did what needs to be done" sagot niya at nagtuloy na sa pagtatype. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nahiga nalang ako ng ayos sa kama at nanatiling nakatitig sa kisame. Hindi ko alam pero sobrang komportable ko kahit na hindi ko alam kung nasaan ako at kung sino ang mga taong kasama ko. Pakiramdam ko ay kapag nandito ako sa bahay na ito, sa tabi ng taong ito ay ligtas ako. Katulad nalang kanina. "Hahh" malakas kong buntong hininga. Narinig ko ang pagtigil ng pagtatype niya kaya napalingon ako. Ngayon ay nakatitig na siya sa akin! Paano na 'to! "U-uh... Naabala ba kita? Pasensya. Lalabas nalang muna ak--" Hindi ko natapos ang sasabihin at pagtayo dahil tumayo na siya at lumapit sa akin.  Inalalayan niya ako pahiga sa kama ulit at kinumutan pa. Ramdam ko ang pag init ng mukha ko. Habang inaayos niya ang makapal na kumot sa ibabaw ng katawan ko. Ngayon ko lang napansin at naalala na kommportable na ang suot kong damit. Dadalawa ang lalaking Nakita ko dito ngayon. "Sino... s-sino ang nagpalit ng damit ko?" nahihiyang tanong ko. Natigilan naman siya sa pag aayos ng kanyang laptop dahil sa tanong ko. Tumingin siya sa akin at ngumisi. "Hmm. I wonder" aniya. "I'll go now. A patient should stay still and rest" Napansin ko pa ang pagsilay ng maliit na ngiti, o ngisi? Mula sa mga labi niya. Naging sanhi ito ng abnormal na pagtibok ng aking puso at ang pag init ng aking mukha. Ano ba ito... Ilang minuto na ang nakalipas ay tuloy pa din sa mabilis na pagtibok ang puso ko. Ha! Kailangan ko na sigurong magpacheck up muna. Baka naapektuhan ang puso ko dahil sa mga nangyari kanina. Ipinikit ko na ang mata ko at maya maya pa ay natuloy na sa pagtulog.  "Hey. Wake up" ani ng isang pamilyar na boses. "Hmmmm"  "Wake up. Dinner's ready" ulit nito. Ramdam ko ang paghinga sa aking mukha. "Hnggg..."  Dahan dahan kong iminulat ang isang mata at bumungad naman sa akin ang napakalapit na mukha ng lalaking nagligtas sa akin kanina.  Dahil sa lapit ng mukha niya at sa gulat na din ay napabalikwas ako, kaya namang hindi sinasadyang nagkauntugan kaming dalawa.  "Ah/Ouch" sabay naming angil, ako nakahawak sa noo ko, at siya at nakahawak sa bandang ilong niya. Siguro ay doon tumama ang pagkakauntog ko sa kanya. "Ah ah!! Sorry sorry!!!" paghingi ko ng tawad sa kanya. Wala sa sarili aong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa mukha. Nakahawak pa din siya sa ilong, dahil siguro sa lakas ng impact ng pagkakauntog ko. "A-a-a-ayos ka lang ba? N-n-nasaan ang masakit? Patingin" sunod-sunogd na ani ko. "N-no. No. It's fine. Hahaha" he said while laughing. Napalayo naman ako bigla sa kanya nang marealize kong sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Woah. "You look good when you're laughing" ani ko. Natigilan naman siya at napatitig sa akin. Doon ko lang narealize ang sinabi ko. Napatakip ako sa bibig at agad na tumayo. Maging siya ay natigilan din pagkarinig sa sinabi ko. Nagmamadali akong tumayo at tumakbo palabas ng kwarto. Bago ko maisara ang pinto ay nilingon ko pa siyang muli. Kitang kita ko pa ang malawak niyang ngiti habang nakahawak pa din sa kanyang ilong. Lumingon siya sa kinatatayuan ko at ngumiti sa akin kaya naman agad akong tumakbo palabas at isinara ang pinto.  Napasandal pa ako sandali sa pinto at napahawak sa dibdib ko. Iniisip ko kung narinig niya ba ang t***k ng puso ko kanina.  Sana ay hindi. Naglakad na ako papunta sana sa kusina pero naalala kong hindi ko nga pala bahay 'to kaya naman nalilito ako kung saan pupunta. "Pfftt. You look like and idiot dancing there. This way" ani ng boses mula sa likod ko. I flinched. Hindi ko siya nagawang lingunin dahil na din sa hiya sa nangyari kanina. Nauna siyang maglakad kaya sumunod nalang ako sa kanya. This is better. He won't see me being weird because of him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD