Sumisipol-sipol pa ako pagbaba ko galing sa unit nina Allie. Malamig ang simoy ng hangin at dama ko ang lamig na pumapasok sa mga butas ng aking damit. Sa kadalasang araw, di ko napapansin ito, pero sa kauna-unahang pagkakataon ay ayaw ko magmadali. Parang gusto ko lang namnamin ang bawat segundo ng umaga, maingayan sa takbo ng mga sasakyang salimbayan sa kalsada. Mainis sa mga taong dali-dali sa pagpasok sa kani-kanilang trabaho. Mabwisit sa mga estudyanteng pinapapasok para mag-aral, pero nakikipaglandian lang naman. Pagtapat ko sa sakayan ng bus kasama ng mga taong naghihintay rin para makasakay ay suminghot ako ng malalim saka pumikit at sabay na pinasok ang mga kamay ko sa bulsa ng jacket nang mainitan ang aking mga kamay. Pero sa kabila ng lahat ng gulo na nangyayari, at sa karaniwa

