ALLIE’S POV
“Please enjoy your meal,” masayang bati ko sa ika-fifty-fifth na customer ngayong araw matapos iserve ang order nito, na isa sa best-selling menu sa pinakasikat na restaurant sa bansa.
“I will dear,” nakangiting sagot ni Mr. Castro.
Isa na si Mr. Castro sa mga loyal customers ng restaurant. Sa loob ng fifteen years, di pumalya si Mr. Castro na kumain rito. Kahit na namatay na ang asawa ay bumabalik pa rin ito. Akala ko titigil na talaga ito pero hindi, ngayon nga ay mula umagahan, tanghalian, at hapunan dito na siya kumakain. Sabagay, wala na sigurong nagluluto para sa kaniya.
Pagkatapos kong i-set ang paborito nitong wine at personal candles na gusto nito sa mesa, nagpaalam na ako. “Call me when you need anything else, sir.”
“Thank you, Ms. Allie,”
“You are most welcome,” sagot ko rito at naglakad na pabalik sa kusina.
Kaso ang mga ngiti ko, napawi ng ganon-ganon na lang dahil agad na sumalubong ang pinakapaborito kong tao sa mundo, si Ms. Minchin, este, si Mrs. Lucila Felipe. Ayon sa mga kwento-kwento, kampon ito ni Lusiper, di lang nasama sa mga nalipol dahil nga mas tuso pa ito sa tuso at kahit si Lusiper nagoyo nito. Char!
“Ayos talaga, sa gaspang at sama ng ugali ni Mr. Castro, sayo lang siya lumalambot. Nakakamangha, nakakahiwaga, isa ka talagang huwaran, Alliesandra Mortez Felipe,” banat nito habang nagpapaypay ng kaniyang gintong pamaypay na ayon sa kaniya ay pamana pa raw ng kalola-lolahan niya. Pasabog! “Well, di naman pala dapat magtaka dahil naloko mo nga pala ang anak ko, yan pa kayang matanda na yan? Wag ka lang pahuhuli ha, dahil mapapatalsik ka agad sa pamilyang ito.”
Oo, biyenan ko siya. Ang biyenan na mahal na mahal ako dahil ako lang ang laman ng isipan niya, ang tanging nakikita ng kaniyang mga mata.
“Si Jaze lang po, Ma,” magalang kong sagot saka pinanatiling nakayuko at nakatuon ang mga mata ko sa napakahabang palda na suot ko. Di ko kayang tumingin rito.
Pagkasabi ng pambansang litaniya, naglakad na ito paalis dahil tumatagas na ang mga mantika sa lulon-lulon niyang leeg. Selp stap!
Agad namang may tumapik sa balikat ko, si Dan, bestfriend, s***h-co-owner nitong restaurant na ito. Asawa ko ang may-ari nito at ang executive chef.
“Kaya pa?” sabi nito na tumatawa-tawa pa.
Inalis ko naman agad ang kamay nito sa takot na may makating bibig ang magpaabot agad sa napakaganda kong biyenan na may nilalandi na naman akong lalaki.
“Kayang-kaya! Aba, ngayon pa ba ako susuko? Ten years is not a joke,” pilit ang ngiting sabi ko.
“Ok sabi mo eh! Pero wag magpapakapagod. Magserve ka lang sa mga magrerequest sayo, you’re not a waitress here anymore. You are now an owner to be exact. Mahirap na, baka maging kamukha ni Tita ang baby niyo,” malokong sabi nito.
Gusto kong humagalpak ng tawa kasi yon naman talaga ako ten years ago before I married into this family, before I married Jaze. Kung tatawa kasi ako ng labas gilagid at ang tatlumpong mga ngipin ko, baka mag-apply na agad ng annulment ang mahal kong biyenan. Tapos kung ano-ano ang mga grounds.
Ten years ago, before I married into this crazy perfect family, ibang-iba ako. I was that happy, carefree, crazy, girl surrounded by happy people, doing happy things. Kaso unti-unting nagbago because I chose to change, mahal ko si Jaze. The moment I said I do ten years ago, nagsimula na akong magpanggap at mamuhay pasikreto na masaya ang buhay ko.
“Mam, may kumuha po ng VIP room at menu 34 at 67 ang mga inorder. For serving na po pero pwede ho bang icheck niyo?” pakiusap ng sous chef.
“Hindi pa ba natitikman o nachi-check ni Jaze?” kinakabahan ko biglang tanong.
“Tara! Tikim din ako,” sabi ni Dan at inakbayan ako papunta sa kitchen number five.
“Dan, ayoko, kung ano na ang final touch ni Jaze, yon na yon!” pilit kong pagtanggi.
“Mam, sige na ho. Gusto ko lang ho ay pasado parehas sainyo ni Chef Jaze,”
“Oo alam ko naman Noel pero kasi—”
“Ang arte naman nito, buti nga makakatikim na tayo ng libre. Pakamahal-mahal talaga ng mga pagkain rito,” pilit ni Dan.
“Ikaw talaga! Napaka-kuripot mo!” isnab ko kay Dan habang nakakunot ang noo.
Nang makapasok kami sa kitchen number five ay nagsilapitan na rin ang ibang chef sakin para magpatikim. Di ako chef, oo marunong magluto, pero maarte lang talaga ang dila ko.
“Mam eto po oh,” sabi ni Noel pagkatapos na ilapit ang plato sakin.
“Ok, si Noel muna,” sabi ko.
Pagkatapos kong tusukin ng toothpick ang isda, at sumubo ng kutsaritang sauce, napaseryoso ako. Di man pagluluto ang tinapos kong pag-aaral, metikuloso ako pagdating sa pagkain. Iyon ang rason kung bakit nagustuhan ko rin si Jaze, in fact, luto rin lang ni Jaze ang kinakain ko.
“Kamusta po Mam?” kabadong tanong ni Noel.
Imbes naman sumagot, naggayat na lang ako ng ilan pang mga sangkap pampalasa saka binlender at marahan na sinimer sa apoy para lang mapalapot pa ng konti at para mainit pa pag sinerve. Pagkatapos ay hinalo ko ang kaunting porsiyento nito sa sauce na approved na ni Jaze, saka tinikman ko ulit.
“Ok na,” nakangiti kong sabi.
“Yown, patikim!” sabik na sabi ni Dan. “WAHHHH! Ang sarap!!!!”
Tinikman rin ni Noel at nang iba pang chefs saka sabay-sabay na nagsilakihan ang mga mata nila. “For serving!” sigaw ni Noel.
Nang makaalis ang waiter na may dala ng order, naiwan kami sa kitchen at kabang-kaba na inintay ang feedback. Di nga naglaon ay bumalik ang waiter na bakas ang kaba sa mukha, “Sir Noel, pinapatawag raw po kayo!”
Nagkatinginan kami roon na ganoon na lamang ang kaba, “Oh punta na!” tulak ko.
“Mam!” kabang-kaba sabi ni Noel.
“Aba, alangan naman ako ang humarap,” sabi ko pa.
Lumakad na si Noel na sobrang bigat ng yabag. For fifteen years na bukas ang restaurant, ganito pa rin kami sa tuwing may bagong VIP customers.
Hinawakan ni Dan ang kamay ko bigla dahil sa sobrang kaba ko pero agad kong binawi dahil baka malaman ni Tita Lucila.
Mabilis lang nakabalik si Noel na sobrang saya ng mukha, “SUCCESS!!!” sigaw niya.
“Congratulations!” sabi ko na impit ang saya.
“Salamat Mam, nagustuhan raw nila ang bagong lasa sa meal,” sabi ni Noel.
“Ano ka ba, masarap na ang gawa mo, na-check pa ni Jaze, dinagdagan ko lang ng pang-akit ng dila,” sabi ko.
“Tsk! Di ka na lang mag-welcome,” sabi ni Dan na walang pasabing hinapit ang baywang ko saka niyakap ako.
“Ayos, ang saya niyo.”
Agad na tinulak ko si Dan palayo nang marinig si Jaze na biglang pumasok.
“Chef, success po. Nagustuhan po ng VIP’s,” sabi agad ni Noel. “Ang kakatuwa nga po ay, na-appreciate pa nila ang maliit na detalyeng nilagay ni Mam..”
“Noel!” pabulong kong pigil rito.
Marahan kong inangat ang tingin ko kay Jaze at kita ko na kinatatakutan ko. “I’m so—sorry! I just made a very little touch...”
“Tara pare, puntahan natin ang VIP,” sabat ni Dan na agad inakbayan si Jaze palabas ng kitchen.
Napasandal ako sa table sa likuran ko sa sobrang kaba.
“Mam, sorry po,” sabi agad ni Noel.
“Ok lang, kasalanan ko,” sabi ko rito.
Nagpunta na lang muna ako sa rooftop para makahinga at makapagrelax rin. Tutal ay maggagabi na at malapit na akong umuwi. Lumakad ako sa duyan na pinagawa ko roon nang malaman ko na buntis ako at naupo para magpahinga dahil maghapon akong lakad ng lakad.
“Ah!” ungot ko saka napapikit at napasama ang mukha dahil sa biglang pagsakit ng tiyan ko.
Agad ko itong hinimas at kinausap, base sa mga nababasa kong libro na binili sakin ni Jaze maganda raw iyon sa pag-aalaga ng bata si sinapupunan. “Pagod ba ang baby? O gutom na? Sorry ha, onting tiis na lang at uuwi na tayo nina Daddy tapos sabay-sabay tayong kakain,” usal ko.
Nakakatanga na nagsasalita ako mag-isa pero kung makakabuti ay gagawin ko para sa anak ko. This baby is my first kaya kahit marami akong pag-aalinlangan at takot, kailangan kong kayanin.
Sumakit na naman ang tiyan ko kaya pinagpasyahan ko nang ihiga habang patuloy ang paghimas rito. Yon nga lang ay nakatulog ako at napasarap iyon.
“Oh sht!” bulong ko nang makita ko sa wristwatch ko na ilang minuto na lang at magaalas-onse na ng gabi.
Dali-dali akong bumangon mula sa duyan at naglakad pababa ng ng hagdan. Napakunot pa ang noo ko dahil may nakakumot sakin ay wala naman akong kumot. Pagkababa ko ay sarado na nga ang restaurant. “Anak, nalimutan na naman tayo ni Daddy,” naiiyak na bulong ko habang marahang naglalakad papunta sa opisina ni Jaze dahil andon ang bag ko.
Tanging dim lamps na lang ang buhay sa mismong kainan ng restaurant at ang hallway papunta sa office ni Jaze ay malamlam rin lang ang mga ilaw.
Habang binabaybay ang kahabaan ng daan papuntang office, naparahan ang lakad ko dahil may ilaw pa ang office ni Jaze.
Agad na kumabog ng malala ang dibdib ko. Napalunok ako ng malalim at parang nahihirapan na agad ako ng paghinga. Lumapit pa ako ng kaunti pero umiling na ako dahil mula sa kinatatayuan ko ay dinig na agad ang ungol ng isang babae.
“Ahh! Jaze! Hmm!” rinig kong ungot nito.
Napakapit ako sa bibig ko dahil baka marinig ni Jaze ang paghinga ko ng malalim ay magalit pa sakin. Tapos napapikit na naman ako dahil sumakit na naman tiyan ko. Hinimas-himas ko ang tiyan ko ng mabilis para maibsan ang sakit.
“Shh! Baby. Shh!” impit na ungot ko dahil sa sakit.
Hanggang sa may kumuha ng kamay ko na nakatakip sa bibig ko at hinila ako palayo sa office ni Jaze.
“Dan?” naiiyak kong sabi.
“Di na kita ginising kanina, sarap tulog mo. Baka pag naudlot tulog mo, maging kamukha ni Tita,” nakangiti nitong sabi pero di ako tinitingnan.
Di naman na ako nakapagsalita dahil kahit sampung taon nang ganito, dapat nasanay na ako kaso nasasaktan pa rin ako.
“Kain muna tayo ha, gutom na kasi.” Dagdag pa ni Dan. “Gutom na rin siguro si baby. Ano ba gusto mo?”
Lumunok muna ako at pinahid ang naipong luha sa mata ko. “Gusto ko ng kwek-kwek at ice cream.”
Napatigil si Dan sa paglalakad nang makarating kami sa bungad ng restaurant at tumingin sakin. “Allie!”
“Eh kasi! May nakita kasi akong dumaan kanina na may kwek-kwek pero pinigilan ko sarili ko at bawal kaso nananakit tiyan ko,” nahihiya kong sabi. “Pero kung bawal ay ok lang naman!”
“Eto kahit kelan eh,” sabi ni Dan saka binitawan ang kamay ko at yumuko at kinausap ang tiyan ko. “Yon ba ang gusto ng baby? Ngayon lang ito ha, ikaw pati pagkain minamana mo kay Mama mo. Healthy lang dapat!”
Tumayo na si Dan at inalalayan akong sumakay ng sasakyan. Nilagyan niya ako ng seatbelt at laking gulat ko na hinaplos ang tiyan ko. “Wag ka magsusumbong kay Daddy! Yari ako. Behave, ok?”
Sumakay na si Dan sa driver’s seat at nagbiyahe na kami. “Oh mukha mo. Don’t worry ako bahala kay Tita Lusiper, este Lucila.”
Nagtawanan na naman kami. “Well, ok lang naman lumaya paminsan-minsan sa secret life ko na maraming nagsasabi ang swerte ko.”
"And it's not so bad to be a bad wife."