“Oh, kwek-kwek mo at...ube and cookies and cream,” nakangiting sabi ni Dan habang inaabot sa akin ang request kong pagkain saka umupo sa tabi ko.
"Salamat," nakangiti kong sabi rito saka sabik na sinubo ang isang buong kwek-kwek.
"Bwisit o! Pawis na pawis, sa sunod magsabi ka agad kung anong gusto mo, mamaya mapano pa si baby," sabi ni Dan habang pinupunasan ang noo ko.
"Di naman siguro mapapano si baby dahil lang di ako kumain, ang akin lang eh, mahirap na baka pagalitan ako ni Jaze," hirap na hirap kong sabi habang punong-puno ang bibig ko.
"Sige na, wag na magsalita, mabulunan ka pa. Ubusin mo na muna yan," sabi ni Dan saka ginulo ang buhok ko.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa isang bench sa ilalim ng malaking puno sa sikat na eating park rito sa city namin.
Ang hangin ay malamig at amoy dagat dahil malapit lang kami sa beach. Maraming tao ang naglalakad-lakad at nag-eenjoy sa mga rides at attractions sa paligid. Naririnig ko ang tawa at sigawan ng mga bata habang naglalaro sa malapit na playground.
Sa paligid namin, makikita ang iba't ibang pares ng magkasintahan na naglalakad at nagpapalitan ng mga matamis na halik. Ang lugar na ito ay parang isang munting paraiso sa gitna ng gulo at ingay ng lungsod.
Ang mga puno at halaman ay nagbibigay ng sariwang simoy at kulay sa kapaligiran. May mga grupo rin ng mga kaibigan na nagtitipon at nagkukwentuhan sa mga picnic area. Ang mga pamilya naman ay naglilibot sa mga stalls ng mga street food at nag-eenjoy sa mga palarong karnabal.
Sa malayo, maaaring makita ang mga nagpapalipad ng saranggola at naglalaro ng frisbee sa malawak na kahabaan ng beach.
Nang matapos kaming kumain ay kinuha ni Dan ang mga pinagkainan namin at itinapon sa basurahan. Pagbalik nito ay may dala itong canned gin-flavored drink at bottled water.
"Oh bakit nakatingin ka sa alak?" nanunuksong tanong nito sakin habang binubuksan ang bottled water.
"Wala," tanggi ko.
"Sus! Wag ako Allie! Namimiss mo na no?" sabi nito saka inabot ang bottled water.
"Tsk! Hindi. Hindi naman ako manginginom no, nagkakatuwaan lang kami ng mga kaibigan ko dati, pag may birthday, celebration ganon,"
"Wag ako, Allie. Matagal na kitang kilala. Yong totoo, napakarami mong binago para kay Jaze, which is good pero ang makitang di ka naman masaya sa ganong buhay, worth it ba?"
"Hay Dan! Nasasabi mo lang yan kasi di ka pa naman nagmamahal. I would never ask for anything more in life, I am happy. Di ko naman kailangan ipagsigawan sa lahat yon ah," katwiran ko saka nag-cross legs at sumandal sa bench habang nakatanaw sa napakataas na Ferris Wheel sa di kalayuan.
"Kung ang pagmamahal ay ganiyan sa ginagawa mo, I don't think I can. Di bale na lang. Di ko kayang magtiis sa ganiyang sitwasyon mo. Your husband is fcking someone not you, and you have to keep quiet because you are afraid you might disturb them," gigil na sabi nito saka napakuyom ang mga kamay nito.
Napatingin ako kay Dan at kita ko ang galit sa mukha nito, tuloy di na napigilan ng luha kong pumatak, "Oy bestfriend mo yong tao!" ipit ang boses na sabi ko.
"Tangnang yan!"
"Hoy!"
"Bakit? Wala namang masamang magmura pag galit di ba?"
"Eh bakit ba parang ikaw pa ang nasasaktan ng sobra? Di ba dapat ako?" natatawang sabi ko.
"Nakakagigil. Ten years, Allie! Ten years, iba pa yong limang taon na sinuyo-suyo mo siya to the point na nagtatrabaho ka sa restaurant for free while you are studying," sabi ni Dan.
"Kakainis naman to. Di naman kasi big deal yon para sakin. Mahal ko siya. Saka kung ano mang sitwasyon namin ngayon, it was my fault," sabi ko ng may pag-aalinlangan.
"Pero hindi ibig sabihin na dapat kang magtiis sa ganun katagal na panahon," sagot ni Dan. "It's not your fault you lost your first baby."
Mas lalo nang parang pinipiga ang dibdib ko. "Tama ka, pero hindi ko rin naman kasi kayang iwan siya. Hindi ko kayang makita ang buhay ko na wala siya. Walang may kasalanan na nawala ang baby namin non pero hindi naman yon ang dahilan kung bakit kami ganito. Ang problema kasi, at alam ko namang aware ka, aware ang lahat, simula pa lang noong una, di ako mahal ni Jaze. It was a one mistaken night, at kinailangan niya lang akong pakasalan. ," sabi ko habang pinupunasan ang luha. "Yon ang problema. Sakim kasi ako. Ayaw naman sakin nong tao, pinipilit ko pa rin."
"Fck him! It's not your fault! He's just so stupid to realize your worth," sabi ni Dan saka tumayo at inabot ang kamay sakin. "Don't go home tonight. Marunong ka pa ba bumaril?"
"Sira! Ang pangit tingnan. May asawa akong tao saka buntis pa ako tapos makikita akong—"
"Peste! EH ano naman? Di ako si Tita Lucila, di ako si Jaze. Look, being friends with me doesn't require you to forget how to enjoy and be happy. Dali na, mapuputol na ang kamay ko!" reklamo ni Dan habang nakasuot ang kabilang kamay sa bulsa ng hoodie na suot.
Tumango naman ako tinanggap ang kamay ni Dan. Buti na lang talaga at di pa ganon kalaki ang tiyan ko, kaya di pa masamang tingnan na nag-eenjoy ako sa park kasama ang ibang lalaki.
Malaki talaga ang pagkakaiba ni Jaze at ni Dan. While Jaze is that uptight, dreamy man you'd see in movies, read on books, si Dan, siya yong carefree cutie boy next doors. Si Jaze na laging formal ang suot, si Dan naman laging sweaters at tight jean or fit joggers.
"Ok, this is your gun. And this is mine. Paunahan makakuha ng pinakamalaking bear!" sabi nito at nagsimula na agad barilin ang target.
"Ang daya! Di manlang gentleman!" reklamo ko.
"Bisit na to! Laban to no, ano pati ba naman sa ganito? Babae nga naman!" kutya nito.
"ANO?!"
Sa iyamot ko ay inubos ko talaga ang targets. From the smallest to the biggest.
"Free stuffed toys and snacks!" sigaw ni Dan nang matalo namin ang shooting booth rito sa amusement park.
Napatawa na lang ako sa magiliw na ugali ni Dan. Hindi ko alam kung bakit lagi kaming nag-aaway pero lagi rin kaming nagtutulungan. Pero lagi lang naman kaming nariyan para sa isa't-isa.
"I want that one!" maktol ng bata.
Saglit akong nagpaalam kasi naihi ako. Kaso di ko naman inaasahang ang babalikan ko ay si Dan na nakikipagtalo sa isang bata.
"Hindi nga pwede! Para sa inaanak ko ito! Ang dami-daming pinagpipilian diyan, itong di pwede ang gusto mo!" galit na rin sabi ni Dan.
"HiNDI! Yan ang gusto ko!" nagsisisigaw na ito.
"DAN!" sigaw ko dahil ang dami nang taong nagtitinginan.
Mabilis kong kinuha iyong malaking stuffed toy at inabot sa bata.
"Thank you," sabi ng bata sakin saka dinilaan si Dan.
"ABa~"
"DAN!" pigil ko dahil hahabol pa ang sira-ulo.
"Naman Allie eh! Tayo nagpakahirap ron oh~!" reklamo ni Dan.
"Sus! Kaya mo namang bumili eh. Wag mong sabihin, kinukuripot mo rin ang inaanak mo?" panloloko ko rito saka hinigit na palayo.
Sunod kaming pumunta sa playground sa airsoft field.
Habang naglalaro kami, napansin ko na medyo tahimik si Dan. "Ano ba ang problema mo?" tanong ko sa kanya.
"Wala, Allie. Basta gusto ko lang sabihin na sorry sa nangyari kanina," sagot nito.
"Okay lang 'yon, Dan. Pero sana sa susunod, mas mag-isip ka muna bago mang—,"
Kaso di ko natuloy ang sasabihin ko nang makita kong sumama ang mukha nitong sira-ulo.
Lumingon ako at takte, nakita ko ang batang kumuha ng stuffed toy na pinagdadamot ni Dan kanina.
"DAN!" pigil kaso late na. Nakasugod na agad ito. "DANN!!" habol ko.
Di nga naglaon, ayon ang sira-ulo, natatatakbo palayo sa benteng mga bata na may edad lang naman ng lima hanggang pitong taong gulang na tropa nong batang inaway niya.
"ALLIE!!! Tulong! Traydor!!!!" palahaw nito.
Di ko lang akalain na malalim na ang gabi at game pa rin ang mga magulang ng mga batang ito na hayaan ang mga anak sa park ng disoras ng gabi.
Kaso natigil ang pag-iisip ko nang makaramdam ako ng matinding sukahin.
"DANNN!!!" sigaw ko.
Mabilis itong sumugod sakin at nang makita akong namumutla ay agad niya akong biunuhat. "Sa condo ko na muna tayo uuwi, mas malapit. Ayan na nga sinasabi ko eh. Kung ano-ano kinakain, kitang maselan ang pagbubuntis mo."
Nang makarating sa condo nito ay mabilis akong tumakbo sa c.r at sumuka. Sobrang sakit ng ulo at tiyan ko. Napagod ako. Nahihilo na rin ako, kaya di ko na nga namalayan ang mga sunod na nangyari.
Nagising na lang ako kinabukasan sa kwarto na hindi sa amin ni Jaze. "PAksht!" bulong ko pero agad na sinampal ang bibig ko.
"Tsk! Wag ka diyang ano. Walang nangyari, di ako pumapatol sa nanay ng inaanak ko," sabi ni Dan kakapasok lang ng kwarto at may dalang tray ng pagkain.
Pero mas masarap siyang kainin, sa iba! Sa iba! Kung iyong isang kaibigan ko ang nakakakita sa magandang katawan ni Dan habang naka-sweat pants lang at topless.
Tumingin ako sa orasan. Alas-otso na!
"HATID MO NA AKO!" sigaw ko ng dali-dali.
"Kumain ka muna," sabi ni Dan.
"Trust me! Di pwedeng magtagal pa ako rito ng ilang minuto pa!"
Mabilis kaming nagbiyahe. Nabibwisit na nga itong si Dan kakasigaw ko na bilisan.
"Faster, Dan! Please!" kabang-kaba at tarantang sabi ko.
"Fck it! Pag ako nilabasan!"
Napatingin ako tuloy. "DAN!"
Nagpakatawa ang sira-ulo!
"Ikaw kasi masyado kang seryoso eh!" biro nito.
Nang makarating kami sa harapan ng condo building namin, mabilis akong tumakbo papasok at papunta sa elevator.
Nang makarating sa thirteenth floor, mabili akong tumakbo sa unit namin. Wala nang hinga-hinga. "Come on!" gigil kong sabi habang nanginginig ang kamay ko nani-swipe ang card sa pinto.
Yon nga lang ay sumalubong agad ang sampal ni Jaze kasunod ang kaniyang ina.
"You can never be anything but a bad wife,” walang buhay at malamig na turan ni Jaze sakin.
Napalunok ako sa sinabi ni Jaze. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. Ang sakit ng mga salitang binitawan niya. Ang dami naming pinagdaanan, ang dami naming pinagsamahan, pero hanggang ganito na ang lang siguro ang tingin niya sa akin.