Chapter 3

1679 Words
"I'm sorry," nakayuko kong sabi, ang mga tuhod ko parang bibigay sa mga oras na iyon habang nakatayo sa pintuan. "Pre. Tama na yan," sabat bigla ni Dan mula sa likuran ko. Lalo na akong napayuko dahil di makakatulong ang pagsabat nito, mas magiging malala lang. Saglit kong sinilip ang mukha ni Jaze at madilim ang mga mata nito. Pagdating kay Dan at sa closeness namin, di talaga gusto ni Jaze iyon. Hinawakan ni Jaze ang kanang pala-pulsuhan ko nang mahigpit at hinigit ako papasok. "Sige pre, salamat sa paghatid." Yon na lang sabi ni Jaze at pinagsarahan si Dan sa labas. Nang maisara ang pinto ay halos hilahin na ako ni Jaze papunta sa living area ng condo, nakasunod si Tita Lucila na grabe ang pagpaypay ng kaniyang gintong pamaypay. Malamang sa malamang ay nag-iisip na ito ng matinding linyahan para gatungan ang anak niya. Pagkarating sa living area ay pwersahan akong pinaupo ni Jaze. Namaywang ito sa harapan ko at kita ko talaga ang galit sa mukha nito, pulang-pula ang tenga. Kaso, imbes naman na kabahan, kinilig pa ako at parang kiniliti ang aking kalamnan nang biglang maalala ang second, and siguro last s*x namin. Tandang-tanda ko ang pamumula rin ng tenga niya noon habang gigil na gigil sa pagpasok at paglabas sa akin. Tapos ang sexy pa ng jawline niya na nag-iigting sa galit. "Nakikinig ka ba?!" sigaw ni Jaze. "Ha?!" lutang kong sagot. "You are useless!" iyamot na sabi ni Jaze. "Wag ka na sumama sa restaurant ngayon. Muntik nang masunog ang kitchen five kagabi, malas ka talaga sa buhay ko! Buti na-late ako ng uwi, namalayan ko ang alarm. Hindi porket asawa na kita ay isasantabi mo na ang mga obligasyon mo. Kung di mo kayang pigilan ang kalandian mo, lagyan mo ng schedule. And please don't forget to take care of the baby! Look at yourself! I told you to dress properly." "Sige na, ako na bahala rito!" sabat ni Tita Lucila, halatang sobrang saya na naman nito sa nasasaksihan. Naramdaman ko ang pait at panghihinayang sa loob ng aking puso. Pagkakataon na sana namin mag-usap pero malabo na naman dahil nakapwesto na agad si Tita Lucila. Lumalabo ang paningin ko habang tinitigan ko ang mga mata ni Jaze na puno ng galit at pagsisisi. Sa kadali-dalianan ko ay di ko na nasuot ang palda na nasukahan ko kagabi at nilabhan ni Dan. Nakacycling lang ako at ang polo shirt na pinahiram ni Dan. Hinablot ni Jaze ang kaniyang bag at pabagsak na sinara ang pinto papalabas ng condo. Napapitlag pa ako sa gulat. Nang makaalis si Jaze, pinanatili ko na lang na nakababa ang tingin ko dahil baka di ko kayanin mapatawa pa ako. Buti na lang talaga kay Tito Nilo nagmana si Jaze. Bakit ba kasi nagmi-make-up ay lagi siyang naglalangis. "Ano, nakatulog ka ba?" banat nito agad. "Ma, mali po ang iniisip niyo," sabi ko rin naman agad at nahihilo na ako, wala na ako sa mood para makipagtalo. "Wow! Alam mo na ang iniisip ko? Tinatanong ko lang naman kung nakatulog ka ba dahil may lalakaran tayo," biglang pagbabago ng mood nito. "Alam ko naman na kahit anong gawing pagpapansin mo kay Dan, di ka non papatulan. Wala naman siyang mahihita sayo." Wow! Grabe naman. Ganon ko ba talaga naestablish ang sarili ko? That people can hurt me this easy? Napalunok muna ako sa pagtitimpi ng malala, "Saan ho ba tayo, Ma?" Lumakad ito at umalis sa harapan ko saka naglakad papunta sa sofa bago naupo, "Wag mo na alamin, wala ka namang ibang alam na lugar maliban sa restaurant at condo niyo ni Jaze. Going on, as usual, di ko na inasahan na naalala mo, pero ako na. Annual gathering namin ng mga amiga ko next week at ngayon ang kita-kita namin. Sa resort nina Dan tutuloy ang mga ito. Galing silang ibang bansa, at napakasunduan na sa isang place na lang gagawin. Alam kong magpapayabangan na naman at di ako papatalo. Kahit naman mahirap ka at mababa lang tinapos mo, maganda ka naman. Matalino ka at kaya mong makipagsabayan sa mga mukhang low-quality na mga manugang nila." Wow naman! Ang tibay naman talaga nito sa low-quality! Isinara nito ang pamaypay at lumabas mula sa kwarto ko ang stylist niya na may bitbit na mga garbong dress. "Ano po yan?" "For today aba, siyempre gusto kong magmukha ka naman katanggap-tanggap, angat!" sabi nito at tumawa na naman. Di ko tuloy napigilang mapatingin rito kaya agad na tumama ang mga mata ko sa labis na lipstick sa ngipin nito at ang naipong foundation sa pagitan ng leeg. Wow! May leeg pala si Tita! Naiiyak ako. Hinuha ko lang talaga iyon noong una pero ngayon nakita ko na, kakaiyak. "ALLIE!!! Ano ba naman yan! Lagi ka na lang tulala!" sigaw ni Tita Lucila. "Sorry po," "Di ok lang. Alam kong nabibigla ka sa mga mamahaling damit na ito. Sige na maligo ka na at baka marumihan pa ang mga damit na ito," sabi nito sakin. Tumango na lang ako at madaling tumakbo sa kwarto dahil di ko na talaga kayang mag-stay pa sa harapn nito. Pagpasok sa kwarto ay mabilis akong nagpunta sa banyo para maligo. Grabe pa naman orasan ni Tita Lucila, ang one-minute delay, thirty minutes na yon. Nakakasatress! Sobra! Kaso habang naliligo, bigla akong nahilo at sumakit ang tiyan ko. "Baby? Hala! Anong problema? Gutom na ba ang baby?" Ganon na lang ang biglang pagtibok ng puso ko sa biglaang pagkahilo at sakit ng tiyan ko habang naliligo. Ganong-ganon ang pakiramdam ko noong mawala ang una naming baby. Bumilis ang t***k ng puso ko habang pinipilit kong maging malakas at huwag mag-alala. "Kakain na rin tayo baby ha? May lakad lang talaga kami ni Lola pero promise ha! Promise! Kakain tayo! Masarap at marami!" usal ko rito habang minamasahe ang tiyan ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. For a three-month pregnancy, maliit ang tiyan ko. Nagpatuloy ako sa pagligo, subalit hindi ko mapigilang mag-isip ng mga masasamang bagay. Lumalalim ang takot ko habang iniisip ang mga posibleng komplikasyon na maaaring mangyari. Nanginginig ang mga kamay ko habang nagbabalik-balik sa isipan ang mga pangyayari noong nawala ang first baby namin. Minadali ko na lang ang pagliligo at mabilis na nagsuot ng undergarments, saka nagsuot ng robe. Tatakbo-takbo na ako paglabas ng kwarto kasi lumagpas ako ng twenty minutes. "Ma, sorry—" "Ok lang kahit dalawang oras ka sa cr, mahalaga mas maganda ka sa mga manugang ng mga amiga ko," sabi ni Tita Lucila. Takte, nagbago na naman ang kalibre ng orasan nito. "Ano na rin ho ang susuotin ko?" nakangiti ko na lang na tanong habang nakangiti. Sa sobrang ganda ko naman at sexy, fifteen minutes lang ako inayusan at binihisan kaya di nagtagal, nakarating na kami sa venue na usapan ng mga amiga ni Tita Lucila. "Ano na! Wag kang kabahan, namumutla ka na," iyamot na sabi ni Tita sakin habang naglalakad kami palapit sa accepting area ng hotel and restaurant. Paksht! Bakit dito pa? Ang dami-dami namang pwede pagkainan. "Ah, sorry po! Baka kasi hindi ako bagay sa ganitong lugar," kabado ko pang sabi. "Ano, Ma, ganito na lang ako na lang ang mag-aasikaso ng pag-paenter ng pangalan natin. Una na ho kayo sa loob." "Yan, tama yan! Mabuti yan. Mas maganda ngang magpahuli ka at baka magmukha kitang katulong," banat nito at pumasok na sa loob. Ang lupet talaga ng level ng self-confidence ni Tita. Nasobrahan masyado ang self-love porket napangasawa ng forenger! Nang makita kong nakapasok na si Tita, mabilis akong nagtungo sa receptionists. "Mam Allie!" bati agad nito sakin, ganon na lang ang pagkagulat sa mukha nito. Parang sinasalok ang tiyan ko sa pagbati nito. This is my biggest secret, na matagal kong itinago at pinagtaguan. Sinubukang kalimutan at talikuran. "Bea, andito ba si Vera?" nahihiya kong tanong pagkalapit na pagkalapit ko. "Mam? Si Sir Oliver na ho ang namamahala nitong hotel and restaurant, pero dumadalaw-dalaw pa rin naman po si Mam Vera," sagot ni Bea sakin. "Eto, bigyan niyo ng the best service ang table 62 ha. Gawin mo silang busy at Bea, hindi mo ako nakita," "Pero Mam, ten years na po kayong hinahanap ng Mama niyo at nina Mam Vera," sabi ni Bea. "Ayoko kasi magpahanap. Please? Saka kung ano mang nakita mo ngayon, sikreto na lang muna to. Sige na, please? Hahanapin ko lang si Oliver," sabi ko. Pasikreto akong naglakad sa back part ng hotel na may daan papunta sa kitchen. Halos mamawis na ako, buti na lang talaga at maliit lang ang tiyan ko. “Allie?” Agad akong napaharap sa nagsalita at parang manunuyo ang laway ko. Si Oliver lang ang hinahanap ko tapos si Mama pa ang makakabangga ko. For ten years, ten years... “Ma?” naiiyak na agad kong sabi. Si Mama halos di naman makapagsalita habang naglalakad palapit sakin. Nasasaktan akong makita na sa kabila ng haba ng panahon, walang bahid ng galit o pagkamuhi sa mata ni Mama. Minabuti ko na lang na di magsalita, niyakap ko na lang siya ng sobra. Ten years, sobrang miss na miss ko si Mama. Bukod sa miss na miss, sobrang tagal kong hinangad na may matakbuhan at masabihan ng bigat ng loob ko.a “Anak!” hagulgol ni Mama. “Ma! Sorry po!” hagulgol ko na rin. Wala na akong pakialam kung masira ang make-up ko. “Takte! Totoo nga!” ngawa ng isang babae mula sa likuran ko na sobra kong namiss. “VERA?” sigaw ko. Tapos sa tabi nito ay nakatayo si Oliver at Rana. “So, the Frika heiress has finally returned,” naiiyak ring sabi ni Rana pero di kagaya ni Vera na may pagka-oa, si Rana, nagtitimpi pa ng iyakin. I am Alliesandra Lu Frika, the only heiress of Frika Empire. The daughter of the top business tycoon na si Lazina Frika. Ang pagkataong pinili kong talikuran at itago para sa buhay na kasama si Jaze. Dahil ayaw kong mamahalin ako o itatrato ako ng maayos dahil lang sa estado ko sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD