“Kinasal ka?” sigaw ni Mama.
“Buntis rin po ako,” dagdag ko.
Tinodo ko na ang announcement ko para tapos na. Sa tingin ko naman ay sa sampung taon na iniwan at tinalikuran ko sila, deserve nila ang summation ng nangyari sa buhay ko sa loob ng mga taong iyon.
“WHAT THE FCK?!!!!” palahaw ni Vera, talagang ang boses nito umalingawngaw sa office room ni Mama.
Wala pa ring nagbago kay Vera at sobra kong namiss yon. Samantalang si Rana, naka-cross-arms lang at nakatingin sakin. Si Oliver, di ko na tiningnan ang mukha, nag-walk-out na. Maging ang office ni Mama, ganong-ganon pa rin.
Pero para akong pinunit nang makita si Mama na nagbago ang ekspresiyon sa mukha. Sobrang lungkot ng mukha ni Mama. Alam ko na sobrang sakit kay Mama na iniwan ko siya para lang sa lalaki na di ko magawang maipagmalaki dahil sa di naman ako mahal.
Lalo pa at kami lang naman ni Mama ang magkasama sa buhay.
"Vera, Rana, mag-uusap muna kami ni Allie," pakiusap ni Mama sa dalawa.
"Pero…" protesta pa ni Vera dahil takot masyado to sa chismis.
"Tara na!" higit ni Rana.
"I can't!" palahaw ni Vera habang kinakaladkad ni Rana palabas.
Nang maiwan kami ni Mama sa loon ng office niya, naramadaman ko ang kakaibang lamig sa awra ni Mama. Tumayo siya sa kinauupuan at naglakad pabalik-balik sa harapan ko, "You left ten years ago para sumama sa isang lalaki?"
Natigilan ako sa tanong ni Mama. Parang isang suntok sa bituka ang bigat ng pakiramdam ng boses ni Mama. Memories of that painful decision resurfaced, causing a wave of guilt and regret to wash over me. Nahirapan akong makahanap ng mga tamang salita para ipaliwanag ang aking sarili, para bigyang-katwiran ang aking mga aksyon mula sa lahat ng mga nakaraang taon.
"Ma,"
Tumalikod siya saglit at kita ko ang panginginig ng balikat niya. Tumulo na ng malala ang luha ko dahil sa pagkakakilala ko kay Mama, napakatatag niyang tao. Kahit mag-isa niya akong tinaguyod, ni minsan di ko nakitang nanghina si Mama, ngayon lang.
Humarap siya na namumula ang mga mata pagtapos na magpunas ng luha. Grabe, di ko kinakaya to, Mama's in deep pain.
"Have…you finished your study?" hirap na mabanggit ni Mama, pero kalmado pa rin siya.
"No," sagot ko.
"After giving birth, gusto mo ba ituloy mo?" tanong ni Mama saka tumabi sakin at hinawakan ang kamay ko.
Tangna! This is too much for her.
"Ma, I finished a different course, ok na po ako ron," magalang kong tanggi.
"Ang payat mo, hindi ka ba nakakakain ng maayos?" pag-iiba ni Mama.
"I do eat well, Ma. My husband is a chef. A very good chef," sabi ko, pilit na tinatago ang sakit sa totoo kong pinagdaraanan.
Nangingilid ang mga luha ni mama nang marinig ang sagot ko. Alam niyang may tinatago ako, pero iginagalang niya ang desisyon kong itago iyon sa sarili ko. "I'm glad you have someone who take care of you," bulong niya, puno ng ginhawa at pag-aalala ang boses niya.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya, sinisikap ko siyang pakalmahin na okay lang ako. Ngunit sa kaibuturan ko, alam ko na hindi ko na kayang panatilihin ang charade na ito nang mas matagal. The weight of my secret was becoming unbearable, and I feared that it would eventually consume me.
"Does he love you?"
Boom! The scariest question she could ever ask.
Natigilan ako kasi talagang parang binagsakan ako ng ilang kilong pako na tumusok lahat sakin dahil sa tanong ni Mama. Pero di ko naman pwedeng hindi sagutin kasi baka malaman niya ang totoo kong kalagayan, mamaya ipaubos niya ang ang angkan nina Jaze.
"Y—Yes Ma. He loves me so much. For ten years, not a day he never let me feel unloved, " nakangiting sabi ko kay Mama. Di ko naman pineke ang nararamdaman ko dahil chinanel ko na lang ang feelings ko for Jaze.
Nakatitig lang si Mama sakin at saka ngumiti, pinahid ang luha ko, "I can see you are really in love."
Umiyak na naman si Mama. "Ma, tahan na po. Please?"
"Pasensiya na anak, pero di ako umiiyak dahil iniwan mo kami. Umiiyak ako kasi finally gumaan na ang pakiramdam ko. Tapos na ang isipin ko. Tapos na ang mga takot ko araw-araw for ten years. Halos mamatay ako araw-araw just to think kung nakakakain ka ba? Ok ka lang ba? Nakakatulog ka ba sa maayos na tulugan? I respected your letter of not looking for you, kaya ang tanging nagawa ko sa loob ng sampung taon ay tahimik na ipagdasal na nasa ayos kang kalagayan. Nauunawaan ko kung bakit ka umalis, pero anak noong umalis ka, I had the courage to finally sever ties with your father. Kinaya ko na talaga. I'm sorry I had to lose you first!"
Takte! Ang sakit nito.
"Ma, ako ang may mali. I should not have left you alone noong mas kailangan mo ako,"
"Ok na ito, ang mas mahalaga ay bumalik ka na. You look fine at masaya ako na marami kang natutunan sa buhay kumpara siguro kung I kept you locked up in your room," sabi ni Mama habang pinupunas ang luha ko. "So, kailan pwedeng makilala ang manugang ko?"
Paksht! Nakalimutan ko.
Bumuntong hininga ako at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Mama, "Ma. About don, di nila alam ang tungkol sa family ko. The last of my savings, ginamit ko para papalitan ang apelyido ko. Even I bribed a family to register me as their own, para wag lang mahalungkat ang tungkol sayo, sa pamilya natin," hiyang-hiya na sabi ko.
"What?!"
"Kalma lang po, Ma! Hindi sa kinahihiya ko ang pamilya natin or what, pero kasi po gusto ko ng simple at payapang buhay. Di ko po kayang mabuhay pa ulit sa magulo, maingay, at delikadong mundo na meron tayo. Sana ho maunawaan ninyo," sabi kong ganon.
Gayunpaman, kahit pilit kong inilalayo ang aking sarili sa kaguluhan at panganib, tila sinusundan ako nito kahit saan ako magpunta. Sa kabila ng pagpapalit ng aking apelyido, nananatili pa rin ang nakaraan, nagbabantang ilantad ang katotohanan tungkol sa aking pamilya.
It was a constant battle between wanting to live a simple and peaceful life and the fear of being dragged back into the tumultuous world we once belonged to. "I hope you understand, Ma," pakiusap ko, puno ng halong desperasyon at frustration ang boses ko. "I love our family, I love you so much, pero gusto ko lang mamuhay ng normal. Hindi ko kayang gumising araw-araw na may mga reporter sa labas ng bahay, hinahabol ako ng mga paparazzi, at mga bodyguard na binabantayan ang bawat kilos ko. ," paliwanag ko, umaasang makikita niya ang mga bagay mula sa aking pananaw.
Ma nodded, her eyes filled with understanding and a hint of sadness. "I know, anak," she said softly, her voice filled with motherly warmth. "I've seen how much you've struggled to find your own identity amidst all the chaos. It breaks my heart to see you torn between your love for us and your longing for a normal life." Her words resonated deeply within me, and I couldn't help but feel a mixture of relief and guilt.
Relief because, finally, someone understood the inner turmoil I had been grappling with for so long. I was guilty because I knew that my struggle was not unique to me alone, but also inflicted pain upon those who loved and cared for me.
Tumingin ako sa mga mata ni Mama, naghahanap ng mga kasagutan, ngunit ang nakita ko lamang ay isang napakalaking pakiramdam ng empatiya at pag-unawa. Inabot niya at marahang pinisil ang kamay ko, ang init ng kamay ni Mama at hinaplos-haplos niya ang ibabaw ng kamay ko, "Anak, hindi mo kailangang pasanin ang pasanin na ito nang mag-isa," bulong niya, halos hindi humihinga ang boses. "Nandito kami para sa iyo, kahit anong landas ang piliin mong tahakin."
Parang gumaan ng sampung tonilada ang bigat ng dibdib ko sa mga sinabi ni Mama at sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, nadama ko ang isang kislap ng pag-asa. Umaasa na baka, siguro, makakahanap ako ng paraan para magkasundo ang mga magkasalungat na bahagi ng aking pagkakakilanlan at bumuo ng landas na maghahatid sa akin ng kapayapaan.
"Ma, bibisita na lang po ko paminsna-minsan pag hindi po ganon kabusy sa restaurant namin ha. Babawi po ako," malumanay na sabi ko kay Mama.
Niyakap niya ako at hinagod ang likuran. "I will always be here, baby. Ay di na nga pala baby kasi may baby ka na. Ano ba yan, lola na ako."
Nagtawanan na lang kami ni Mama. I guess Mama is really ok na. She looks fine and less burdened. I love seeing her that way.
"Ma, una na ako ha. I love you," sabi kong ganon.
"Wait, Allie," sabi ni Mama.
Madali itong naglakad papunta sa desk niya at may kinuha sa drawer at dali-daling naglakad palapit sakin, "Here, take this."
Black card ng Frika Empire. "No Ma! I can't do that. I can't accept that!"
"Please, anak? Just use it when you badly need it. You don't have to use it today, just keep it. Please? Or para na lang sa apo ko."
Naiiyak na naman si Mama kaya tinanggap ko na. "Sige po, Ma. I badly need to go."
Madali na ako dahil baka nag-uusok na ang ilong ni Tita Lucila. Grabe, hindi ko akalain na mas magiging mahirap pa ang buhay ko ngayon. I'm literally living in two worlds na di pwedeng mag-collide or else I'll lose Jaze for good.
"Anak teka, bakit nga pala ganiyan suot mo?" habol ni Mama kaya natigilan ako sa paglakad.
"Ahm, kasi po Ma. Dito po kasi magmi-meet-up ang mga kaibigan ng mother-in-law ko po. Eh sinama po ko kasi kasama rin ho ang mga manugang," sabi kong ganon.
"Oh god, I should meet her!"
"MA! Di ba?" awat ko agad.
"Ano ba yan," maktol ni Mama.
"Ma, please? Whatever your questions are, just keep in mind that I am fine. Ok? Please trust me?" sumamo ko.
"Sige na. Pero kailangan bisitahin mo ako ng madalas or I'll show up to your doorsteps ng walang pasabi! Alliesandra Lu Frika, you are still my daughter, and I want the best for you! Ayaw ko na nasasaktan ka o nahihirapan!"
Parang sinalok ang sikmura ko, lalo na akong nakaramdam ng pagkahilo. I'm sure this will be a war pag nalaman ni Mama ang totoo kong buhay. Paksht world! Bakit ba ang liit-liit mo!
"I love you Ma," sabi kong ganon.
"Ok. Next time we meet, we'll buy nice dresses ha. Ngayon ka lang nagsuot ng ganiyan na low quality," turan ni Mama.
"Ma!" gigil kong awat.
Kung may isa man akong malaking reason kung bakit di pwedeng magdikit ang mga mundo na sinisekreto ko, ay dahil di magkakasundo si Mama at si Tita Lucila.
Paglabas ko ng pinto, wala ron sina Vera at Rana kaya tumakbo na ako papunta kina Tita Lucila.
"Ma, sorry! Sumama ang—" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinampal ako ni Tita Lucila sa harapan ng maraming tao.
Rinig ko ang singhapan ng mga tao at ang biglang pagkabasag ng isang bagay sa likod ko.
"Wag mo akong pinapahiya ha!" duro nito at naupo na sa upuan.
Ang mga babaeng nakahilera sa harapan namin ganon na lang ang tahimik na tawanan.
Naiiyak akong naupo at pero pinigilan kong indahin ito dahil baka mamaya ay maging malaki pa ang gulo.
"I heard we have important guests today, and I'm sorry if we have to ask you all to leave now?" biglang sabat ni Oliver na kinagulat ko, dahilan para mas makaramdam ako ng sukahin. Nanindig ang balahibo ko sa paglapit nito sa table namin.
Kita ko ang kamay nito sa likuran na dumugo at may mga bubog pa. Nakita niya.