Chapter 5

2006 Words
Kita ko ang agad ang pagsama ng mga mukha ng mga babae na nakahilera sa harap, nagulat sa sinabi ni Oliver. Si Tita Lucila, lalo lang bumaba ang ilong ah este, nagmantika na lalo…sht, Allie. Ayusin mo! Grabe ang galit at inis sa mukha ni Tita Lucila, pagalit itong tumayo mula sa pagkakaupo, "Excuse me?" singhal nito, parang masisira na ang pamaypay, na sa gigil nga ay nasampal na ang mukha. Agad akong yumuko dahil malilintikan lang ako lalo. Ang ibang mga amiga ni Tita ay nagpipigil rin ng tawanin. "I said that there are important guests who came, and we are humbly asking you to leave so they can have a table," matapang na ulit ni Oliver. "Kilala mo ba iho kung sino ako? Nakakabastos ka!" mas pasigaw na sabi ni Tita. Eto talaga ang mahirap sa pilit lang ang yaman eh. "Ma, please?" pakiusap ko na. "Wag kang makikialam rito, Alliesandra!" duro ni Tita sakin. "Tinatanong kita! O baka gusto mong kausapin ko ang manager," banta ni Tita. "You are speaking to the co-owner. If you want to say something, say it. I personally came to ask for your favor because the guests who just came are more important than you. As far as I know, I do not know you. I do not have time to waste for someone like you causing disturbance to our restaurant, so please. Kung may balak naman po kayo magreklamo at siraan kami, feel free," mahinahon pa ring sabi ni Oliver. "Ma, please? Hahanap na lang po ko ng ibang restaurant," sumamo ko kay Tita Lucila. "Di po magugustuhan ni Jaze kung gagawa kayo ng eksena rito." Tumitig si Tita sakin at galit na binangga ako bago pamartsang naglakad paalis. Mabilis kong pinulot ang bag nito at sumunod na palabas. Halos mahilo-hilo na ako dahil gusto ko na talaga kumain kaso napurnada pa. Nang makalabas ay agad kaming sumakay sa kotse at habang nasa daan ay nag-arrange ako ng reservation sa kakilala namin ni Jaze na restaurant. "Ano na! Meron na ba?! P*nyeta! Ngayon lang ako napahiya ng kaganito!" gigil na sigaw ni Tita Lucila. "Meron na po, Ma," dali-dali kong sagot. Nang makarating kami ay buti na lang at nakahanda na ang kakainin, diretsong kain na kami. Dinamihan ko na talaga ng kain. "Yang manugang mo, ang sarap pala kumain, ano?" bati ng isa sa mga amiga ni Tita Lucila. Nabago naman ang mood ni Tita, buti na lang kasi ayaw ko talagang mapag-usapan pa yong nangyari kanina. Kailangan kong makita si Oliver mamayang gabi. Sigurado namang late na naman uuwi si Jaze, pag-uwi ko sa condo, kikitain ko na lang si Oliver, mahirap na. Bwist kasi! Di naman kasi ilugar ni Tita ang ugali. AHHH! "Ah di man kasi halata ay buntis yan si Allie," pagmamayabang ni Tita. "Ay iba talaga si Jaze," sabi ng isa sa mga amiga. "Naku, anak ko pa ba?" "Sana matuloy na no? Sayang kasi yong una," banat nong isa kaya sumama na naman ang mukha ni Tita. Tumigil si Tita sa pagsubo at nagpaypay, "Ah oo. Tuloy na tuloy na yan. Sa liit kasi magbuntis ni Allie, di man agad nalaman na buntis siya kaya nastress ng sobra sa school, ayon, di nabuo." Napangiti na lang ako ng mapait. Hindi naman yon ang dahilan. Sabagay, hindi nga pala pwedeng magmukhang masama sila. "Mag-ingat ka na Allie ha. Eto kasing manugang ko, ayaw pa magbuntis. Mabuti ka pa. Ang hina ng loob, sabi magbabago raw ang katawan, ay kasama naman talaga yon," banat ng isa pa. Kaya naman si Tita Lucila, ayon, siya ang bida. Buti na lang talaga buong maghapon ay naubos na lang sa kwentuhan. Pagtapos kumain ay nagpunta ako sa malaking aquarium na nakatayo sa gitna ng restaurant para magpatunaw. Saka ang umay pakingga ng mga yabangan nila. "Hi," biglang bati sakin ng isang babae na manugang ng isa sa mga amiga ni Tita Lucila. "Hello," bati ko pabalik. "Congratulations, buti nakabuo kayo," "Kilala mo si Jaze?" "Oo. Pero, it's not something you should worry about," sabi nito saka uminom ng wine. "It's just one time. Sabi ni Jaze, alam mo raw naman. He's good, I can say. But like any other girls, I am just his experiment. Payo ko lang, pag kaya mo na, leave him. You don't deserve someone like him. He only wants him." Pagkasabi nito, umalis na ang babae. Naiwan naman akong nakatanga. Tama ba ang narinig ko, o lasing na siya kaya nasabi niya ay 'him'? Six p.m na ako nakauwi sa condo. Pagod na pagod akong pumasok, binuksan ang ilaw, at pahigang bumagsak sa sofa. Nakalaglag ang kamay ko sa carpet sa living area, habang ang isa kong kamay ay hinihimas ang tiyan ko, nakatingala sa kisame. Gulong-gulo ang isipan ko sa mga narinig ko. Hindi ko alam kung dapat akong maniwala o hindi. Baka naman nagkamali lang ako sa pag-intindi ng sinabi nong babae. Pero hindi maikakaila na may agam-agam ako sa puso ko. Kailangan kong malinawan ang lahat, kahit gaano pa ito ka sakit. Napaisip ako kung sino ang tinutukoy nito bilang 'him'. Bumalik sa isip ko ang mga sandaling nahuhuli ko si Jaze na kasama ang iba't-ibang mga babae. Ngunit sa kabila ng mga alaala na iyon, hindi ko maiwasang maramdaman ang pagod at kalituhan. Binabalot ako ng takot at pag-aalinlangan, meron pa bang di ako nalalaman kay Jaze? Kakayanin ko pa ba? Di ko namalayan ang pagpatak ng luha ko at biglang pagsakit ng tiyan ko. Nangangamba ako na baka mayroon pa siyang ibang lihim na kinikimkim na hindi ko alam. Ang kaba sa dibdib ko ay patuloy na lumalakas habang iniisip si Jaze. "AHH!" sigaw ko nang biglang mas sumakit ang tiyan ko. "AHHHHH!" Di ko na napigilan ang pagsigaw sa sakit. Ramdam ko ang tila pagtigas ng lower abdomen ko, daig pang magkaka-menstruation ako. "Baby? Sumakit na naman kaya pinilit ko nang bumangon at kinuha ang bag ko. "Baby, please? Don't leave Mommy! Please?" umiiyak kong pakiusap rito habang hinang-hina na pinilit humakbang palabas ng pinto. Namumuo na ang pawis ko na malamig sa noo at ang mga kamay ko ay nanginginig sa nerbiyos. Naisip ko na baka kailangan ko na talagang pumunta sa ospital para malaman kung ano ang nangyayari sa bata. Di ko naman pwedeng tawagan si Jaze dahil rush hour ngayon. Kaso, paano ako? Saglit akong tumigil bago buksan ang pinto at sinubukang tawagan si Jaze. At di na ako umasang masasagot niya ito kaya nag-iwan na lang ako ng message. "Hang on, baby!" sabi ko habang namumutla na ako sa sakit. Pagbukas ko naman ng pinto ay parang tumigil ang paghinga ko nang bumungad si Oliver na galit na galit ang mga mata. "Hi," malungkot kong usal rito at tuluyan na akong nawalan ng malay. Nagising na lang ako sa ospital. Nilibot ko ang paningin ko at agad akong kinabahan nang makitang nasa private room ako. Mabilis akong napabangon, "Lie back." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Oliver na naglalagay ng tubig at katatapos lang magbalat ng prutas. Dinala nito ang tray sa harapan ko at sinabing, "Eat. You'll be taking your medicine." Hiyang-hiya ako kay Oliver, wala akong maisip na pwedeng masabi pero kailangan," Please, kung ano man ang mga nalaman at nakita mo ngayong araw, atin na lang muna yon." Nanghihina kong sabi. "Eat," medyo galit na ang tono ng boses nito, kaya sumunod na lang ako. Lumabas ito saglit at pagbalik ay kasama na ang doctor, "Hello Ms. Allie," bati ng doctor. "Hello po. May problema po ba?" takot kong tanong, ganon na lang ang kaba ko sa sasabihin ng doctor. "Take your medicine first," sabi ng doctor. Inalalayan naman ako ni Oliver. "Ano na po?" tanong ko pagkainom. "Well, we ran some tests, and Ms. Allie, your body is very unhealthy. You have very poor health to keep the baby. Luckily, the stomach pains you are having are due to a minor infection, not a miscarriage as we initially feared because your immune system is weak. You need to prioritize your health and seek proper medical care. We can discuss the options available to you, such as improving your overall well-being for a safer pregnancy," the doctor explained. Relief washed over me as I processed the information. The thought of losing the baby was terrifying, but hearing that it was just a temporary health issue brought me a sense of comfort. I vowed to take better care of myself and the baby, listening to the doctor's instructions diligently. "Thanks, Doc," panatag na sabi ko. Nang makaalis ang doctor ay nabalot na naman ako ng kaba dahil kay Oliver. "Talk," sabi nito at inalalayan akong humiga sa kama na inincline na niya ng 120 degrees. "Promise me to keep this a secret? Marami na akong disappointment na binigay kay Mama, and I cannot afford to give her more," naiiyak kong sabi. "Stop crying. I am not angry, and I am not planning to tell them dahil baka mapasama pa kayo ng bata. Gusto ko lang maunawaan kung bakit pilit mong pinaninindigan ang buhay na pinili mo kahit na ganito ang kalagayan mo? Ayokong dahilan ang dahil nahihiya ka na ganito ang naging resulta," sabi ni Oliver. "I love Jaze," sabi ko na lang. "And that requires you to stoop down this low? For fcking ten years? Pwede ka namang bumalik sakin, I don't mind you dumping me. Tatanggapin pa rin kita. Mamahalin pa rin kita." Umiyak na ako ng malala. Di na talaga kinaya ng dibdib ko. Tumingin sa akin si Oliver na may halong frustration at lungkot sa mga mata nito. "Pero bakit, sa lahat ng mga pagpipilian na maaari mong gawin, pinili mo ba ang mahirap na buhay na ito? Ang hindi ko lang maintindihan, you keep loving someone who obviously doesn't want you," sabi nito habang niluluwagan ang necktie at iniiwas ang tingin sa akin. He is still Oliver, ang lalaking pipiliin ako kahit anong mangyari, kaso kahit ano namang gawin ko ay di ko naman talaga siya magagawang mahalin. "Come here," sabi ko na lang. Walang tigil ang pag-agos ng luha sa aking mukha habang sinusubukan kong hanapin ang tamang mga salita upang ipaliwanag. Leaving Jaze was not an option for me, no matter how tough things became. The love I had for Jaze surpassed all else, and I couldn't imagine a life without him, even if it meant enduring such hardships for ten long years. Paglapit ni Oliver ay ginamot ko ang sugat ng mga kamay nito, "Walang tamang salita para ipaliwanag ang mga naging desisyon ko. Ang masasabi ko na lang siguro kagaya mo, mahal ko si Jaze. And love is unbelievably inexplainable." Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Oliver, habang pinupunasan ko ang mga luha sa pisngi nito. "Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit hindi ko kayang iwan si Jaze," sabi ko sa kanya. "Ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya ay labis na malalim. Hindi ko kayang isipin ang buhay na wala siya, kahit pa kailangan kong magtiis ng ganitong hirap sa loob ng sampung taon." Tumayo ito at bumuntong-hininga, "Ten years, para akong mababaliw sa kahahanap sayo. You changed your name pala. Sorry Allie, but those ten years changed me. Pray that nothing will happen to you and the baby kundi sapilitan kitang kukunin. Sige na magpahinga ka na. Now you are back, I won't let this go away without a fight!” Naglakad ito papunta sa sofa at may kinuhang gitara. Ngayon ko lang napansin na may gitara pala ron, “Saan mo nakuha yan?” “Binili ko don sa binatang sinugod kanina sa emergency room, nagsemplang sa motor,” chill lang nitong sabi. “Sira-ulo ka ba?” sigaw ko. “Matagal na rin akong di nakakapag gitara. Pero ngayong bumalik ka na, may rason na ulit akong tumugtog. Malay mo, makatulong rin sa baby,” sabi ni Oliver saka naupo sa tabi ng kama ko at nagsimulang tumugtog. “Pwede kang kumanta.” “I stopped singing, ten years ago.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD