Kinabukasan, nagising ako sa maliliit na ingay sa kwarto na pinakiusapan kong ilipat ako ni Oliver kagabi dahil baka mamaya ay dumating si Jaze, hindi niya ko pwedeng makita sa pinakamahal na private room.
Marahan kong minulat ang mga mata ko dahil talagang masarap ang tulog ko kagabi. Di ko na namalayan ang pag-alis ni Oliver. Sobrang payapa lang talaga ng tulog ko habang tinutugtugan ako nito.
Nang tumingin ako sa paligid, napansin kong ang dalawang babae na nagtatalo at mahinang nagbubulungan ng di naman marinig. Bahagya akong bumangon at sumadal sa kama at inaninaw ng mabuti kung sino itong dalawang babae.
Nang lumingan sila, "Vera? Rana?" gulat kong sabi.
Ganon na lang ang iyamot ko kay Oliver. "Bwisit na Oliver!" bulong ko.
Lumapit si Rana at kita ko agad ang iyamot sa mukha nito, "Wag kang magalit kay Oiliver,"
"Oo, walang kasalanan si Oliver. Ito kasing ating frenny na inabanduna mo for ten years, including me, ay binakuran ng mabuti ang ating only male prend ng ten years to the point na may tracker na plus camera with audio ang binigay na kwintas. Ah pag-ibig!" banat ni Vera.
Agad akong napatungo sa konsensiya at naiiyak na naman ako.
"Pnyeta sabi ko naman sayo di ba? Ayan umiiyak na!" galit na batok ni Rana kay Vera.
"Eh kasi naman, nasasaktan rin naman tayo. Lahat tayo nahirapan nong nawala siya. Kahit anong gawing hanap, di mahanap to the point na inisip na lang natin na patay siya. Tahan na. Sorry na! Tapos malalaman pa namin na ganito ang sitwasyon mo sa buhay? Gusto kong kumitil!" sabi ni Vera na umiiyak na rin ng malala.
Nag-iyakan na kami doon na parang mga bata. Sobrang tagal kong inasam ang makasama ulit sila, ang may maiyakan, at masabihan na hirap na hirap na ako sa buhay ko.
"Oh siya tama na at baka maging kamukha ng baby ang mother-in-law mo," banat ni Vera at pinunas na ang luha ko.
"Kayo ha!" sabi kong ganon at panay ang tingin sa pinto.
Umupo si Rana sa tabi ko at inabot ang plato ng iba't-ibang mga prutas na balat na, "Wag mo na intayin. Malinaw naman sayo na di ka mahal, bakit iintayin mo pa?"
"Rana," hampas ni Vera rito.
"Ok lang. Wala yon. Baka lang bisitahin niya ang anak niya," malungkot kong sabi.
"Hay nako! Alliesandra Frika, ano nang nangyari sayo?" Isnab ni Rana.
Kaso nabigla na lang kami nang bumukas ang pinto at bumungad si Jaze kasama si Dan. Mabilis na tumayo sina Vera at Rana saka lumakad sa tabi.
"ALLIIEEE!!!" sunggab ni Dan at niyakap ako na daig pang siya ang asawa ko.
"Anong nangyari? Sabi ko di ba wag magpapaka-stress? Pinagod ka ba ni Tita? Ano na naman ginawa ng kampon ng kadiliman, ay mukhang kampon pa nga pala," banat ni Dan.
Hinablot ni Jaze si Dan sa kwelyo at inalis sa pagkakayakap sakin. "What happened?"
"Infection raw. Bumaba ang immune ko," sagot ko habang nakayuko.
"How long do you need to stay here?" tanong nito ulit.
Iniangat ko ang tingin rito dahil kalmado ang boses niya. Nakita ko na nakatingin si Jaze kina Rana at Vera.
"Pwede na akong umuwi ngayon, iniintay ko lang yong doctor for release papers," sagot ko.
Di pa rin inaalis ni Jaze ang tingin kina Rana at Vera, kaya inunahan ko na para wala masyadong usap, "Mga kaibigan ko, si Rana…"
"Lumabas ka na at kina Mama kana muna umuwi hangga't di pa ako umuuwi. Susunduin na lang kita. Nabayaran ko nang lahat, kay Dan ka na magpahatid, uuwi si Papa," maiksing sabi ni Jaze na di manlang ako pinatapos sa sasabihin ko. "Wag ka na muna maglalabas nang makapagpahinga ka."
Lumakad ito papunta sa table kung saan may mga bulaklak at mga prutas saka kinuha. Kabang-kaba ako sa gagawin nito at ganon na lang ang gulat ko nang itapon nito sa basurahan ang mga bulaklak at prutas. "Lalabas ka naman na. Di mo na kailangan."
Lumabas na ito at naiwan kaming nakanganga sa kinilos ni Jaze. Alam ko naman na ayaw nito ang mga bagay na di galing sa kaniya pero ang umasta ng ganon, ay di ko maunawaan, lalo na at may mga kaibigan ako na kasama.
"Allie, mag-impake ka na, uuwi na tayo bago pa namin mapatay ang asawa mong napakahangin!!!!" sigaw ni Vera.
"Tama na…tama na!" awat ni Rana. "Ako ang papatay!" sigaw nito bigla.
"Hoy ano ba?" pigil ko sa kanila.
Natigil lang kami nang tumawa ng malala si Dan, halos mapahiga pa ito sa kama. "This is funny! Gusto ko kayong maging kaibigan! Teka, kaklase mo ba sila sa college? Bakit di ko alam?”
Diretso pa rin ang tawa ni Dan, pero may kung ano sa loob ko ang tila nagdudulot ng lungkot at pag-aalinlangan sa totoong pagkatao ni Dan.
“We are childhood friends, di lang madalas magkita dahil nagkakasawaan rin kami sa mga mukha namin pero magkakaibigan kami,” walang-buhay na sabi ni Rana.
Lalo nang nagpakatawa si Dan at tumayo saka naglakad palapit sa mga ito, “I’m Dan. Bestfriend ako ng asawa ni Allie, and hopefully friend na rin ni Allie. 32, pero mukhang 22, haha, nice to meet you two.”
Kita ko ang mukha ni Vera na ngiting-ngiti at namumula pa, “Rana! Ayusin mo yang bestfriend mo at baka maubos ang pisi ng pasensiya ko—”
“Heyy, Vera. Eme---Eme 30, senggel, rede te menggel,” sabat ni Vera.
Napayuko na lang ako dahil kung marupok si Vera noong kabataan namin, parang mas rumupok pa ata ito.
“OH! Tangna! Na-istroke na naman p*ke mo!!” Hampas ni Rana sa ulo ni Vera.
Sabay na inabot ni Dan ang mga kamay nilang dalawa at nagshakehands sila na parang mamamatay na si Vera.
“Labas lang ako, bili akong pagkain. Kain muna tayo para di magutom inaanak ko ha. May gusto ba kayo?” tanong ni Dan.
“Ekew!” banat na naman ni Vera.
“Ikaw na bahala,” sabi ko na lang at baka mamaya ay kung ano pa masabi ni Vera.
Paglabas na paglabas ni Dan, nagtalairit na ng malala si Vera, may pahiga pa. “I found the one! I found him!!!”
Nagkatinginan na lang kami ni Rana dahil sa sampung taon na lumipas, di pa rin pala nagbabago ang malupit na linya nito.
“Wag ka na umasa. You are not his type. Not me, not Allie, or any other girl,” seryosong sabi ni Rana habang may kinukuha sa dalang bag. “Here, this is a keycard. Here is the address, pag may kailangan ka, punta ka na lang. Kami lang nakatira ni Vera ron. Mauna na kami. Good luck with your secret life.”
Inabot ko naman ang binibigay ni Rana pero di iyon ang nakakuha ng atensiyon ko, “Thank you. Pero anong ibig mong sabihin tungkol kay Dan?”
“He’s gay. He wants a man.” Seryosong sagot nito.
“What? No way! He can’t be! He’s too manly!” galit na bwelta ni Vera na agad napabangon pra ipagtanggol si Dan.
“Exactly! He’s too manly!” sabi ni Rana at dinakma na ang kwelyo ni Vera para kaladkarin palabas.
Naiwan ako sa kama ko na tulala. This can’t be possible. Kung hindi si Rana ang nagsabi, di ako mababagabag ng ganito pero ni minsan, di pumalya sa pagkilatis sa mga tao. Mapalalaki o babae.
“Oh, nasan na sila?”
Nagulat ako sa boses ni Dan, dahilan para maudlot ang pag-iisip ko. “Ah, ano, umuwi na muna sila. May emergency sa trabaho.”
“Ah ok. Anong work nila?”
“Ah kung ano-ano mga raket ng mga yan! Alam mo na. Ayaw kasi nila na may boss,” pagdadahilan ko na lang. “Kain na tayo. Ang gutom na kasi.”
“Ok,” sabi ni Dan at ibinaba na ang mga pagkaing pwede kong makain.
Mas lalo nang bumigat ang dibdib ko dahil nagtatalo ang isip at puso ko sa pag-aalaga sakin ni Dan at ang mga nalaman ko. Kung magbabalik tanaw pa nga ay mas naging asawa pa si Dan sakin kaysa kay Jaze.
Nanahimik na lang ako habang kumakain at alam kong di makakawala kay Dan yon, “Ang tahimik mo. Natatakot ako.”
“Manahimik ka,” sabi ko na lang dahil baka bumigay ang bibig ko ay di ko na mapreno. “Oh eh ikaw, bakit di ka kuripot sakin, ilang araw ka ng galante. May kasalanan ka ba sakin?”
Tumigil ito sa pagkain at naubo dahil sa tanong ko. Halos mabulunan pa, “Anong pinagsasasabi mo? Malamang galante ako sayo kasi may inaanak nako sa tiyan mo. Kung wala naman ay hindi.”
Tumitig pa ako saglit rito at isinantabi na lang ang mga isiping bumabagabag sa akin.
Nang matapos kumain ay umuwi na kami. Nagkukulitan pa kami palabas ng ospital. Buti na lang at nakausap na rin pala ni Oliver ang attending doctor ko tungkol sa sitwasyon ko.
Kita ko ang mga bulungan ng mga nadadaanan naming mga babae na kilig na kilig kay Dan. “Oh, you may enter, my queen!” pambibiro ni Dan nang buksan ang pinto ng kotse.
Lumakad naman ako pero sagit na tumigil, “Ang dami na namang kinikilig sayo na nadaanan natin.”
“Let them drool! I am too handsome to be owned!”
“Wosho! Yong totoo, bakit hanggang ngayon single ka pa rin? Are you in love with me?”