CHAPTER 1

1791 Words
Zina Estella's Point of View "Tsk, kahit saan may pakalat kalat talagang basura," Napatingil ako sa pagbabasa ko at tinignan ang nagsalita, si Athena, ang queen bee ng Lorem International School. Lorem means Elite in Latin words kaya lahat ng mga nag aaral dito sa LIS ay mga mayayamang tao, maliban sa akin dahil ako lang ang nag iisang scholar ng LIS kaya inis na inis sa akin si Athena dahil ako lang ang nag iisang mahirap. Dinungisan ko raw ang LIS dahil mayayaman lahat nag aaral dito pero mula ng pumasok ako hindi na mayayaman lahat ng nag aaral dito. Hindi naman ako dapat mag aaral dito pero ang LIS lang ang makakapagbigay ng magandang trabaho sa akin after kong makatapos ng pag aaral dito kapag naka graduate ako dito hindi ka mahihirapan na maghanap dahil kapag nalaman ng mga company na nag aral ka sa LIS pag aagawan kanila. Yun ang plano ko kaya nag ta-tiyaga ako na mag aral sa LIS kahit ayaw sa akin ng mga student dahil hindi ako mayaman pero wala na akong pakielam doon dahil wala rin naman akong balak makipag kaibigan sa kanila, ang mahalaga lang sa akin ay makapagtapos ako ng pag aaral. "Bakit ba kasi pinagsisiksikan mo ang sarili mo dito?" inis na sabi ni Athena. "Hindi ka welcome sa school na ito pero pumapasok ka pa rin. Sinira mo ang reputasyon ng LIS dahil sa pagpasok mo." 'Kaya nga ako nandito sa garden para hindi niyo ako makita pero gumagawa pa rin kayo ng way para mahanap ako at sabihan ako ng ganyan.' Gusto ko sanang sabihin sa kanya iyon pero mas lalo lang siyang magagalit sa akin kung sasagutin ko pa siya baka sabihan na naman niya Ako na matapang na ba daw ako at sumasagot na ako. Sumagot kasi ako sa kanya nung nakaraang taon nung nainis ako sa kanya pero ako pa ang naging mali pinag tulungan ako ng mga estudyante at mas kinampihan pa si Athena. Mabuti na lang hindi ako natanggal sa pagiging scholar ko ng mag reklamo ang mga estudyante sa dean. Gumawa sila ng kwento na inaaway ko daw si Athena pero dahil mabait si dean at hindi madaling mauto hindi niya pinaniwalaan ang mga estudyante. Hinamon niya pa nga ang mga estudyante na papanuorin niya ang mga cctv kung pagpipilitan pa rin nila ang reklamo nila. Natahimik sila at umalis na lang sila sa office ni dean, natatakot sila na kung papanoorin ng dean ang cctv makikita nito ang mga pambubuling ginagawa nito. Laking pasalamat ko dahil hindi kagaya ng iba si dean na kinakampihan ang mga estudyante dahil lang sa mayaman sila. Kapatid ng may ari ng school si dean at gaya ni dean napakabait nito, full scholarship na binigay sa akin tapos binibigyan niya pa ako ng allowance every month. Sabi niya kasi ako pa lang ang naging scholar nila dahil ako pa lang ang nakapasa sa exam na binigay nila. Napakahirap naman kasi talaga ng Exam at inaasahan ko na yun kaya nag aral talaga ako ng mabuti noon para paghandaan ang exam at salamat sa Diyos dahil nakapasa ako sa exam. "Umalis ka na lang dito sa school para wala ng basurang pakalat kalat." dugtong pa ni Athena. "Oo nga, elite school nga ito eh pero dumating kaya nawala ang pag ka elite nito." sagot ng alipores niyang si Lea. Gusto kong mapairap sa sinabi niya, kahit naman pumasok ako dito ay elite school pa rin ito. Hindi naman magbabago kahit may mga mahihirap na makapasok dito. Hindi ko alam kung bakit lagi nilang pinagpipilitang nawala ang pagka elite nito eh ang mahal mahal ng tuition dito. 'Wag nilang idamay ang school kung ayaw nila sa akin at 'wag nilang idamay ang school kung maaarte sila. Hindi naman sila ang may-ari pero kung makaasta akala mo pag-aari nila ang school. "Isa pa hindi ka bagay dito, kami lang mga mayayaman ang pwedeng pumasok dito," sabi pa ng isa na si Nichole. "Oo nga, hindi ka naman mayaman kaya hindi ka nababagay dito." sabi pa ng isa na si Hannah. Ang yayabang talaga nila. Oo mayaman sila pero puro naman mga bagsak ang mga grades nila, kaya lang nakakapasa dahil binabayaran ng mga magulang ang mga proffesor dito para makapasa sila. Hindi iyon alam ng dean at ng may ari ng school dahil pinapanatili lang nilang sekreto. Kaya ko lang nalaman dahil narinig ko ang usapan ng mga magulang si Hannah at ng isa sa teacher dito na ipasa ang anak nila tapos nakita kong inabutan nila ito ng pera. Hindi ako makapag sumbong dahil wala akong ibidensya at isa pa ayokong pag initan nila ako baka masira pa ang buhay ko kapag nakielam pa ako kaya nanahimik na lang ako kahit gustong gusto ko ng magsabi. Nasa rules kasi ng school iyon na hindi sila pwedeng magpasa ng students kahit binarayan sila. Kung bagsak sila ibagsak nila pero dahil mukhang pera ang mga proffesor wala silang pakielam, hindi rin naman sila mahuhuli dahil nananahimik naman ang mga student. Kaya ngayon akala ng may ari ng school na matatalino lahat ng students dahil lahat nakakapasa pero hindi nila alam niloloko lang sila. Mabuti na lang walang nagbabalak na ipabagsak ako dahil natatakot sila na mahuli kasi kung babayaran nila ang mga proffesor na ibagsak ako magtataka ang dean dahil alam niya na matataas lagi ang nakukuha kong grade. Tatanungin na niya lahat ng proffesor kung bakit ganun at kapag hindi na paliwanag nag iimbistiga ang dean at kapag nangyari yun malalaman nito ang kalokohan ginawa nila. So, walang nagbalak na ipabagsak ako pero muntik ng meron at si Athena iyon pero ipinaliwanag ng mga proffesor sa kanya na hindi nila pwedeng gawin iyon dahil mabubuko sila ng dean. Kaya walang nagawa si Athena kundi hayaan na lang iyon dahil kung pagpapatuloy niya iyon maaari silang matanggal sa school at kung mangyari yun ay wala ng kahit na anong elite school ang tatanggap sa kanya, tanging pag asa na lang niya nun ay public pero hinding hindi ito papasok sa public. Sa akin pa lang nandidiri na siya paano pa kaya kung madami siyang makakasamang mga kagaya ko na mahihirap baka mahimatay iyon sa pandidiri. Mataas kasi ang reputasyon ng LIS, kapag nalaman ng ibang elite school na may kinick out na student dito ibig sabihin may ginawang masama ang student na iyon sa LIS kaya hindi nila ito tatanggapin dahil ayaw din nilang masira ang repusyon nila. Nakita ko na mukhang naiinis na si Athena sa akin dahil kahit anong sabihin nila sa akin hindi ako nag sasalita. Feeling niya napapahiya na siya dahil hindi ako nagrereact sa panlalait na ginagawa nila. Sanay na ako sa panlalait nila kaya wala na akong mararamdamang sakit hindi katulad noon nasasaktan ako sa mga sinasabi nila pero tiniis ko lahat para sa kinabukasan ko. Malaki din ang pasasalamat ko dahil never nila akong binully ng physical, hanggang salita lang naman sila. Ayaw nilang mag iwan ng ebidensya na binubully nila ako. Number 1 rule dito ang bullying at kapag nalaman nilang bully ka malaki ang kaparusahan ang ipapataw sa nambully. Isa pa natatakot din sila na malaman ng Regium. (Regium means royalty.) Ang Regium ay isang boy band na sikat na sikat sa StarMix at ang Starmix ay kilalang kilalang app sa buong mundo. Ginagamit ito para gawing platform ng mga nangangarap sumikat. Ginawa na din itong parang audition ng mga entertainment company, dito na lang sila kumukuha ng mga gusto nilang maging artist. Binabase nila ito sa dami ng views, like at share. Kaya kapag million ang views, like at share nito maraming makikipag agawan na company para kunin silang artist nila at isa ang Regium sa mga sikat na sikat sa StarMix. Sobrang dami nilang mga fans kaya kahit bago lang ang kanilang music video ay umaabot agad ito ng million. Dalawa ang category nila, minsan nagiging ppop group sila na sabay sabay kumakanta at sumasayaw at minsan naman ay banda sila at tanging si Axl Luther ang kumakanta sa kanila. Siya ang leader at Main Vocalist nila sa parehong category at ang grupo na ito ay nag aaral sa LIS, isa na din sa dahilan iyon kung bakit maraming gustong pumasok dito. Kaya natatakot sila na malaman ng Regium na nambubully sila dahil ayaw na ayaw nila ang bully na tao. Ayaw nilang kamuhian sila ng Regium baka hindi na sila magkagusto sa kanila. Lalo na si Athena, gustong gusto niya si Axl kaya kapag nandiyan ito para siyang isang babaeng hindi makabasag pinggan sa sobrang hinhin nito pero kapag wala na ito para siyang dragon na bubuga ng apoy. "Bakit..." hindi na natuloy ni Athena ang sasabihin niya ng biglang nagsigawan ang mga student. Ibig sabihin nandito ang Regium, twice or thrice a week lang pumapasok ang Regium dahil sobrang busy nila sa career nila. "Hindi pa tayo tapos." sabi niya tsaka naglakad papunta sa entrance ng school. Napabuntong hininga naman ako dahil natahimik din ako. Natatahimik talaga ang buhay ko kapag nandiyan ang Regium dahil hindi ako ginugulo ni Athena, busy ito sa pagpapapansin kay Axl. Napatingin ako sa oras at malapit ng matapos ang lunch break kaya tumayo na ako dito sa ilalim ng puno, matapos kong kumain umupo muna ako dito para magbasa dahil marami pang oras. Hindi ako kumakain sa cafeteria dahil hindi sobrang mahal ng bilihin doon kaya nagbabaon na lang ako at dito sa garden ako kumakain. Hindi ko alam kung bakit napunta si Athena dito dahil wala namang masyadong pumupunta dito dahil mas gugustuhin nilang tumambay sa student lounge kung saan may mga sofa doon at may aircon. Sa arte ng mga student dito walang tatambay dito sa garden maliban lang sa akin, mas gusto kong tumambay dito kesa doon sobrang ingay nila parang hindi laging magkakasama kung ma kwentuhan. Tumatambay din ako sa library pero kapag kumakain ako dito ako tumatambay tsaka napaka presko dito at napakaganda pa ng design ng mga halaman halatang alagang alaga ng gardener ng school. Nakakakain din ako ng maayos dito dahil may stone table at chair dito na katabi ng puno kaya kahit mainit nakasilong pa din ako. Nang makatayo ako pinagpagan ko ang likod ng palda ko pagkatapos lumapit ako sa stone table kung saan nakapatong ang bag ko. Nilagay ko na sa bag ko ang lunch box ko pati ang librong binabasa ko kanina tsaka ko binuhat ang bag ko at naglakad paalis ng garden. Halos puro lalaki na lang ang nakikita kong naglalakad sa hallway ng makarating ako sa building namin, abala kasi ang mga babae sa pagpapapansin sa Regium at mas okay lang yun dahil walang mga matang nakatingin ng masama sa akin kapag naglalakad ako. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD