PROLOGUE

530 Words
StarMix, Isang sikat na app para sa mga gustong sumikat. Kahit saan bansa kilala ito. Ginawa ito para mabigyan ng chance ang mga taong gustong maging idol. Hindi na nila kailangan pang mag audition para makuha bilang talents ng isang agency. Sa StarMix ang kailangan mo lang gawin ay mag upload ng mga video na magpapakita ng talents mo kagaya ng singing, dancing, acting o iba pang pwedeng maging daan ng pagiging idol mo pero kailangan mong magparami ng Star ibig sabihin nito maraming nanunuod sayo at sumusuporta, hindi lang Star ang kailangan, kailangan din ng maraming good comments sayo na magpapatunayan na gusto ka ng mga taong nanunuod kayo, swempre kasama na dapat ang pagshare sa video mo ibig sabihin nun gustong malaman ng lahat na magaling ka at karapat dapat na maging idol. Kapag lahat ng ito nakukuha mo madali kang makukuha ng mga talents agency dahil ang mga agency's ay dito na kumukuha ng kanilang mga talents. Pero mas madali at pag aagawan ka ng agency kung kasama ka sa Top 10. Kapag umabot ka sa Top 10 ibig sabihin sobrang galing mo at gustong gusto ka ng mga tao. Kapag umabot ka ng rank 10 mas maraming agency ang mag aagawan sayo at mas makakapili ka ng mas magandang agency katulad ng Rank 1 agency na Mystic Agency na tanging lima lang ang kanilang talents. Sobrang hirap makapasok dito dahil mapili ang may ari nito pero kapag naging talents kanila paniguradong magiging sikat ka hindi lang sa pilipinas pati sa iba't ibang bansa. Maraming gustong makapasok sa Mystic Agency maliban sa ibang tao dahil tinangihan niya ang alok ng agency na maging talents. Sino siya? Siya si Zie. Sino si Zie? Siya ang misteryosong singer sa StarMix at ang top 1. Naka maskara kasi ito kapag nakaharap sa mga video nito, kalahati ng mukha nito ay nakatago tanging ang ilalim ng bahagi ng mukha nito ang nakikita. Itim na maskara at pulang mga labi ang makikita sa kanya. Bakit nasa top 1 ito? Dahil ang Star na nakuha nito ay umabot na ng 100 million kahit sa ibang bansa ay kilala siya kasama na ang comments at shares. Maraming mga gustong makita ang mukha na nito o gustong makilala in person kahit naka mask pero sobrang ilag si AiVi pati ang mga agency na nag aagawan sa kanya ay tinatangihan niya. Pero hindi alam ng iba na ang sikat na sikat na si Zie ay isa lang simpleng studyante na binubully ng kaniyang mga schoolmates. Siya si Zina , Old Fashion girl, commoner at scholar ng BC Gregorio University. Hindi mo maiisip na si Zina at Zie ay iisa dahil magkaibang makaiba. Si Zie ay isang sikat, hinahangaan at fashionista pero si Zina binubully, manang manamit at out-cast sa school nila. Ibang iba si Zie kay Zina kaya sino hindi iisipin na ito ay si Zie dahil magkaibang magkaiba sila. Pero ano nga bang dahilan ni Zina kung bakit pinili nitong itago ang galing nito sa pagkanta? Bakit mas pinili nitong maging out-cast kesa sa maging isang sikat na singer na hinahangaan ng lahat? Curious ka din ba? Tara at subaybayan natin ang buhay ni Zina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD