Zina Estella's Point of View
MAG GAGABI na ng matapos na naming i-try lahat ng mga sports sa list kaya pagod na pagod ako sa ginawa namin at pawis na pawis din ako.
"So, anong sport ang nagustuhan mo?" tanong ni Cj.
Napaisip naman ako, ayoko yung mga nakakapagod na sports kaya doon ako sa dart at archery pero hindi ko bet ang dart kahit halos magkaparehas ang dart at archery pero para sa akin mas maganda ang archery kaya doon ako sa archery.
"Yung archery," sagot ko.
"Mabuti at nakapili ka na," sabi ni Cj habang pinupunasan ang pawis niya. "Ngayon yan mag practice ka lang ng magpractice para mas gumaling ka."
"Tutulungan niyo akong mag practice," sabi ko.
"Si Axl mas magaling yan mag archery, sa kanya ka magpaturo," suggest ni Kane.
"Eh, nakakahiya naman kung sa kanya ako magpaturo," sabi ko, kahit matagal na ako dito hindi ko pa rin siya close, ang awkward pa rin ako kapag kasama ko siya.
"Subukan mong humingi ng tulong, wala naman mawawala kung susubukan mo," sabi ni Creed.
"Tsaka hindi naman iyon magagalit sa'yo, doon nga sa pagtawag mo sa kanya ng Axl hindi siya nagalit, doon pa kaya sa paghingi ng tulong mo," sabi ni Cj.
"Tama," sang ayon ng dalawa.
Napabuntong hininga na lang ako, wala naman akong choice kundi gawin ang sinabi nila tsaka tama sila susubukan lang naman, wala namang mawawala.
"Sige, mamaya tatanungin ko siya," sabi ko.
"Okay," sabi ni Cj. "Magpahinga ka na ngayon at 'wag ka na lang munang magluto, pagod ka ngayon kaya paniguradong wala kang lakas magluto."
"Tama ka, masait pa ang katawan ko," sang ayon ko. Wala na akong lakas para magluto pa.
"Mag order na lang tayo ng fastfood," sabi niya.
"Okay. Magpalit muna ako ng damit, basang basa na ang damit ko ng pawis ko." sabi ko.
"Sige," sabi nila.
Pumasok ako sa loob ng bahay nasa garden kasi kami doon namin ginawa ang mga sports na pinagpiliin ko, malawak kasi doon kayadoon kami. Pagdating ko sa kwarto ko magpapalit lang sana ako ng damit pero naisipan kong mag half bath na dahil pakiramdam ko naglalagkit ako, hindi sapat ang magpalit lang ng damit. Ilang minuto ng matapos akong maligo at magbihis, pinatuyo ko muna ang buhok ko sa air dryer bago ako lumabas ng kwarto.
Saktng paglabas ko ng kwarto nakita kong pababa na ng second floor si Axl kaya tumakbo ako para maabutan siya.
"Axl," tawag ko sa kanya dahilan para huminto siya at humarap sa akin, huminto naman ako sa harap niya. "Nakapili na ako ng sport na sasalihan ko."
"What it is?" tanong niya.
"Archery," sagot ko sa kanya. "Sabi ni Cj mag training lang ako ng mag training para mas gumaling ako, humingi ulit ako ng tulong sa kanila pero sabi ni Kane na.." Napahinto ako sa hiya at yumuko pagkatapos pinagkuroy kurot ko ang daliri ko, ganito ang ginagawa ko para pakalmahin ang sarili ko.
"Do you want me to teach you?" dugtong niya sa tanong ko.
Nahihiyang tumango sa kanya. "K-Kung pwede lang sana," sabi ko at pumikit, baka hindi siya pumayag dahil kanina ayaw niyang magturo eh pero napatingin ako sa kanya ng maramdaman kong pinatong niya ang kamay ko at napatulala pa ako ng makita ko siyang nakangiti, ngayon ko lang siyang nakitang nakangiti.
"Of course it's fine," sabi niya.
"Talaga?" masayang sabi ko.
"Yes," sabi niya.
"Thank you," sabi ko sa kanya.
"Welcome," sabi niya.
"Oo nga pala, hindi ako makakapagluto kaya papadeliver na lang sina Cj," sabit ko kanya.
"Mabuti iyon dahil paniguradong napagod ka," sabi niya at sa muling pagkakataon natulala na naman ako sa pagtatagalog niya. "Come on, baka nakapagdeliver na sila."
"Okay," sabi ko.
Sabay kaming pumunta sa Dinning area at nakita naming dumating na ang pagkaing pina-deliver nila.
"Oh, mabuti at dumating na kayo," sabi ni Cj ng makita kami. "Kain na tayo."
Pagkaupo ko nakita kong Jollibee ang inorder nila, matagal na akong hindi naka-kakain nito.
"Wow, Jollibee," masayang sabi ko. "Ang tagal din bago ako makkakain ulit."
"Bakit hindi ka ba bimibili nito?" tanong ni kane.
"Hindi, mas pinipili kong gastusin na lang ang pera ko nun sa mga need ko kesa sa wants ko," sabi ko.
"Kelan pa ang last na nakakain ka ng Jollibee?" tanong ni Creed.
"Nung nasa poder pa ako nina Mommy," sagot ko habang namimili ng gusto kong kainin.
"3 years pa iyon ah," sabi ni Cj. "So, after mong mawala sa poder namin hindi ka na kumakain ng fast food?"
"Oo," sagot ko. Kumuha ng isang jolly spagetti, burger at fries. Hindi ako kumuha ng soft drinks dahil bawal ako doon, acidic ako kaya never akong uminom ng soft drinks at kape.
"Ang tagal na pala ng last na kumain ka ng Jollibee," sabi ni Kane.
Nagkibit balikat lang ako. "Nagtitipid kasi ako eh," sagot ko at kinagat ang burger ko. Hmm, mabuti na lang hindi pa rin nagbabago ang lasa ng burger ng Jollibee.
"So, ngayon kung kelan mo gustong kumain niya makakain mo na," sabi ni Cj.
"Yeah," sabi ko.
"Tinanong mo na ba siya?" tanong ni Creed at tinuro si Axl na tahimik na kumakain.
"Oo, pumayag siyang turuan ako," sagot ko.
"Sabi ko sa'yo eh, malakas ka diyan," sabi ni Kane.
Nang matapos kaming kumain, naisip namin na manood na muna ng movie bago kami matulog. Kailangan naming pababain ang kinain namin bago kami matulog.
"Anong gusto niyong movie?" tanong ni Creed, siya ang humahawak ng remote.
"Kahit ano basta 'wag lang sa may clown," sagot ko.
"May coulrophobia siya, fear of clown," dagdag ni Cj.
Ewan ko kung saan nagsimula ang pagkatakot ko sa clown basta nung bata ako, nakakita lang ako ng clown agad akong natatakot.
"So, hindi mo pinanuod yung batman?" tanong ni Kane.
Umiling ako, kahit sinabi nila na maganda ang batman hindi ako nanuod dahil yung kalaban ni batman ay gumagamit ng clown face.
"Okay, sige 'wag tayong manuod ng may clown," sabi ni Creed. "Manood na lang tayo ng action movie." Namili siya ng papanorin namin at ng mapili siya binaba na niya ang remote at sumandal sa sofa, mahaba ang sofa kaya kasya kaming lima. Pinagigitnaan ako nina Cj at Ax, habang sina Kane at Creed ay katabi ni Cj.
Nasa kalagitnaan pa lang ng movie, nakaramdam na ako ng antok dahil siguro sa pagod ako kaya madali akong antukin pero nilaban ko dahil ayokong maging kj pero ilang minuto lang lumipas hindi ko namalayan na nakatulog ako.
Third Person's Point of View
Napatingin si Luther kay Estella ng maramdaman niyang sumandal ito sa balikan niya. Doon niya nakitang tulog ito.
"Oh, tulog na pala si Ella, nakatulog siguro dahil sa pagod," mahinang sabi ni Cj. "Dadalhin ko siya sa kwarto niya."
"Ako na," biglang sabi ni Luther. Napatingin naman sa kanya si Criox pero hindi ito nagsalita at hinayaan na gawin ang gusto niya.
Dahan dahang inalis ni Luther ang ulo ni Estella sa balikat niya para makatayo pagkatapos agad niya itong binuhat. Napatingin naman sina Kane at Creed ng mapansin ang ginawa niya.
"Tulog na si Estella?" mahinang tanong ni Kane.
"Oo," sagot ni Criox habang pinapanuod ang papalayong si Luther.
"Himalang binuhat niya si Estella," sabi ni Creed.
"Yun na nga eh, ayaw na ayaw niyang dumidikit sa babae pero siya mismo ang nagkusang ihatid sa kwarto si Ella," sabi ni Criox.
"Napansin ko na mula ng dumating si Ella dito nakikita kong may ginagawa si Axl na hindi naman niya ginagawa noon gaya ng pagpapaheram ng cellphone niya," sabi ni Kane.
"Well, hindi na nakakapagtaka kung magaan ang loob niya kay Ella, masarap naman kasi itong kasama," sabi ni Criox.
"Tama ka," sang ayon ng dalawa.
NANG makarating si Luther sa kwarto ni Estella, agad siyang pumunta sa kama nito at dahan dahan niya itong hiniga sa kama pagkatapos ay kinumutan niya ito at sinindi ang aircon ng kwarto gamit ang remote. Matapos nun napatingin siya sa mukha ni Estella.
"You know what, when I met you," sabi niya sa natutulog na si Estella. "I don't know what's going on with me, may mga bagay akong hindi ginagawa noon na nagagawa ngayon dahil sa'yo. Usually, I'm not like this in a person especially in girls. For me they annoying, akala ko pare-pareho lang ang ugali ng mga babae pero nagbago iyon ng makilala kita. Ibang iba ka sa kanila. Napakagaan ng loob ko sa'yo."
Noon ayaw niyang lumapit sa mga babae kasi ang iingay ng mga babae kapag dumadating sila sa school sobra ang pagtili nila daig pa nila ang may microphone. Akala niya lahat ng babae ganun pero iba si Estella sa kanila, napakatahimik nito at wala man lang naging reaction ng makita sila nito. Nung una akala niya kagaya siya ng ibang babae pero ng makasama nila ito nakikita niya ang kaibahan niya sa ibang babae at ito ang nagustuhan niya sa kanya.
Dati galit na galit siya kapag may narinig siyang tumawag sa kanya ng Axl ng walang pahintulot niya pero nung unang beses na narinig niyang tinawag siyang Axl ni Estella parang ang sarap sa pandinig niya kapag binabanggit nito ang pangaan niya. Gusto nga niya araw araw tawagin siya nito sa pangalan niya, hinding hindi siya magsasawa na pakinggan ito.
"Sana 'wag kang magbago, mnatiling ganyang ang ugali mo," huling sabi niya pagkatapos hinalikan niya sa noo si Estella bago siya lumabas ng kwarto nito. Hindi na siya bumalik sa sala dahil wala naman siyang balak manood talaga kaya lang kaya siya nanatili doon dahil katabi niya si Estella at ngayon ngang wala na ito, wala n siyang dahilan pa para bumalik doon.
Zina Estella's Point of View
MASAKIT ang katawan ko ng magising ako, mas masakit pa kumpara kagabi. Pakiramdam ko maghihiwalay na sa katawan ko ang mga kamay at paa ko ahil ito ang mas masakit sa katawan ko kaya kahit na gusto kong bumangon para magluto hindi ko magawa pero bigla akong nagtaka ng mapansin kong nasa kwarto ako. Wala akong maalalang pumunta ako ng kwarto. Baka si Cj ang nagdala sa akin dito, ganun naman iyon kapag naaabutan akong nakatulog sa sofa.
Paniguradong nagtataka ang mga iyon kung bakit wala pang almusal at ayun na nga may nag doorbell na sa kwarto ko, yup may doorbell ako dahil soundproof ang kwarto ko kahit katok di ko naririnig dahil pati ang pintuan ko may soundproofing. Talang siniguro ni Cj na walang makakaring sa akin kapag naisipan kong mag record. Dinahilan nga niya nung ginagawa ng kwarto ko ay ayaw ko ng maingay kapag natutulog ako eh, ang ingay pa naman nila minsan kapag gabi dahil nag lalaro o minsan nag re-reherse sila ng kanta nila.
Kahit masakit ang katawan ko pinilit kong tumayo para buksan ang pintuan at pagbukas ko nakita ko sina Cj at Creed sa labs.
"Good morning," bati nila sa akin.
"Morning," walang ganang sabi ko.
Napakunot naman ang noo ni Cj. "May sakit ka ba?" tanong niya.
"Wala, masakit kasi ang buong katawan ko," sagot ko sa kanya.
"Expected na namin 'yan dahil first time na gumalaw ng todo ang katawan mo," sabi ni Creed. "Gusto mo pa bang pumasok?"
Umiling ako. "Kahit gusto kong pumasok hindi ko kaya," sabi ko. Ayoko ulit mag absent pero hindi ko talaga kayang igalaw ang katawan ko.
"Sige, hindi na rin kami papasok para may kasama ka sa bahay," sabi ni Cj. Gusto kong magreklamo pero matigas ang ulo nila, hindi magpapapigil ang mga ito kapag nag desisyon na sila. "Sige na mahiga ka na doon para makapagpahina ka pa." dagdag niya.
"Okay," sabi ko.
Criox Jayson's Point of View
"Nasaan si Estella?" tanong ni Kane ng makababa kami.
"Masakit daw ang katawan niya kaya hindi iyon makakapagluto ng almusal," sagot ko at umupo sa tabi niya.
"Kung ganun mag pa deliver na lang ulit tayo," sabi niya at kinuha ang cellphone niya pagkatapos nag order ng aalmusalan namin.
"Hatiran na lang natin ng pagkain si Ella mamaya hindi nun kayang maglakad," sabi ko habang naglalaro ako ng candy crush.
"Yeah, baka maghapon na rin hindi makakalabas iyon sa kwarto niya dail masakit pa ang katawan niya," sang ayon ni Creed.
Zina Estella's Point of View
GUSTO kong lumabas dahil naiinip ako dito sa kwarto pero hindi naman kaya dahil masakit pa talaga ang katawan ko. Gusto kong maglaro ng candy crush kaya lang hindi naman ako makababa para mas pahiram ng cellphone kay Axl. Mula ng matuto akong mag cellphone madali na akong mainip, hindi tulad noon na wala pa akong cellphone.
Napatingin ako ng biglang bumukas ang pintuan ko, nakabukas na kasi talaga iyon ng konti dahil ayoko ng tumayo para lang pagbuksan sila.
"Bakit?" tanong ko kay Axl ng mabuksan niya ng tuluyan ang pintuan ko.
"Here," sabi niya sa akin ng makalapit ito sa akin at inabot ang cellphone niya. "Sabi ni Criox na masakit ang katawan kya hindi ka makakalabas, alam kong maiinip ka kaya gamitin mo muna ang cellphone ko."
Natuwa naman ako dahil sa wakas makakapaglaro din ako ng candy crush. "Wahhh, thank you," sabi ko ng makuha ko ang kanya cellphone.
"Wala iyon at kapag may kailangan ka tawagan mo lang sila diyan sa cellphone ko para hindi ka na tumayo." sabi niya.
Tumango naman ako. "Okay," sabi ko.
Ginulo niya muna ang buhok ko bago niya naisipang lumabas ng kwarto ko at sinarado ang pintuan ko. Lagi niyang ginawa sa akin iyong guluhin ang buhok ko kaya sanay na ako ginagawa niya. Ako naman kinalikot ko na ang cellphone niya pero hindi muna ako dumiretso agad sa candy crush nagtingin muna ako sa f*******: at i********:. Gaya ng dati marami akong notification na nari-recieve, swempre tinignan ko lahat ng iyon at nang matapos ako sa f*******: at i********: nag punta na ako ng candy crush para maglaro.
KINAGABIHAN may sakit pa din akong nararamdaman sa katawan pero kaya ko ng tiisin hindi tulad kanina na sobrang sakit talaga ng katawan ko. Nagpalit muna ako ng damit bago ako pumunta ng kusina para ipagluto sila. Nagpa-deliver na naman kasi sila kaninang lunch at ayokong pati ngayon magpapa-deliver na naman sila.
"Oh, Estella," sabi ni Kane nung dumating siya sa kusina. "Hindi na ba masakit ang katawan mo?" Kumukuha siya ng tubig sa ref.
"Konti na lang," sagot ko habang naghihiwa ng sibuyas.
"Mabuti naman," sabi niya matapos niyang uminom. "Namiss ko na ang luto mo, parang walang lasa ang mga pagkaing inorder namin." reklamo niya kaya natawa ako sa kanya.
"Dati niyo naman kayong nagpapadeliver ah," sabi ko.
"Swempre nasanay na kami sa luto mo kaya maninibago kami sa kinakain namin," sagot niya, tama nga naman siya kapag talagang nakatikim ka na ng masarap hahanapin mo na iyon, kahit ako ganun.
"Anong lulutuin mo ngayon?" tanong niya.
"Adobo," sagot ko.
"Sarap naman, ngayon pa lang nalalaway na ako," sabi niya, paborito niya ang adobo eh halos nakaka tatlong balik ng kanin siya kayakapag adobo ang ulam nagsasaing na ako ng marami.
"Anong dessert pala ang gagawin mo?" tanong niya.
"Gagawa ako ng pudding," sagot ko, may napanood kasi ako na gumagawa ng pudding kaya gusto ko ding gumawa ngayon.
"Okay," sabi niya.
Hindi umalis ng kusina si Kane, pinapanuod niya lang akong magluto at kinukwentuhan niya lang din ako kaya hindi ko din na mamalayan ang oras dahil sa kanya. Nang matapos ako inutusan ko siya na tawagin na sila, madali naman niyang sinunod.
KINABUKASAN maaga na naman akong nagising para magluto ng almusal, marami ang niluluto ko kaya maaga akong nagigising para din makaligo ako ng maaga. Habang nagluluto ako dumating ang Regium galing sa jogging, hindi muna nila ako sinama para mawala ng tuluyan ang muscle pain ko.
"Good morning," bati ko sa kanila.
"Good morning," sabi nila pagkatapos umakyat na sila at pumasok sa mga kwarto nila.
Saktong bumaba sila ay tapos na ang pagluluto ko. Nagluto ako ng sinangag na maraming bawang, itlog at tuyo swempre di mawawala ang suka na may bawang at sili, gustong gusto nila ang ganitong klase ng almusal nakakarami sila ng kain. Hindi naman sila maarte sa pagkain kahit pa lumaki silang mayaman, mas gusto pa nga nila ang mga pagkaing mahirap dahil mas masarap daw iyon.
"Wow, sinangag," masayang sabi ni Creed ng makita ang pagkain.
"Makakarami na naman ako ng makakain niyan," sabi ni Cj.
Bago kami kumain nagdasal muna kami, ganito lagi ang ginagawa namin bago kumain. Pasasalamat sa masasarap na pagkaing kinakain namin. "Kumain na tayo," sabi ko ng matapos kaming magdasal.
"After school pumunta tayo ng mall," biglang sabi ni Axl sa akin.
"Bakit?" takang tanong ko.
"Bibili tayo ng bow and arrow mo, mas maganda na sakto sa'yo ang bow and arrow mo, iyong magaan at madali mo lang maila para hindi ka mahirapan," mahabang sabi niya.
"Ah, okay," sagot ko, nahirapan nga ako doon sa bow and arrow na ginamit ko, mabigat tapos malaki pa sa akin kaya nahihirapan akong patamaan ang center ng target.
"Sama na kami, bibili din ako ng sapatos," sabi ni Kane.
"Oo nga, ilang buwan na ba ng huli tayong nag mall?" sang ayon at tanong ni Cj.
"Hindi ba kayo makilala nun?" tanong ko, baka kasi pagkaguluhan sila mahihirapan lang kaming mamili.
"Doon tayo sa mall ng mga magulang ni Kane," sabi ni Creed kaya napatingin ako ka Kane.
"May mall pala kayo?" tanong ko.
"Oo business ng mga magulang ko iyon," sagot niya.
"Sobrang yaman mo pala talaga," sabi ko, alam ko naman na mayayaman sila pero nakakamanghang malaman na may mall sila.
"Parents ko lang ang mayaman naambunan lang ako ng yaman dahil anak nila ako," sagot niya.
"At least you're a heir," sabi ko.
"Hindi naman ako ang magmamana nun kundi si Kuya at isa pa hindi ako mahilig sa business kaya nga naging idol ako," sagot niya.
Napahanga naman ako sa kanya, kahit lumaking mayaman wala akong nakikitang kayabangan sa kanya. Hindi katulad ng mga schoolmates namin na nuknukan ng yamabang na akala mo pagmamy ari nila ang buong mundo.
To be continued...