CHAPTER 10

2506 Words
Zina Estella's Point of View One Week Later NAKASANAYAN ko na nalaging nag a-upload ng picture kahit ano ina-upload ko, mga pagkain, damit na suot ko o simpling selfie lang. Hindi na kukumpleto ang araw ko kapag wala akong upload. Maraming positive comments at meron din namang negative pero lagi naman akong pinagtatanggol ng mga supporters ko kapag may naita silang nangbash sa akin kaya nauuwi sa away. Hindi ko naman pinapansin ang mga nagba-bash sa akin dahil hindi naman totoo ang sinasabi nila kaya walang problema sa ain ang mga pinagsasabi nila. Active man ako sa social media ngayon, 'di pa rin nawawala ang pagiging mahiyain ko kapag personal ko ng nakakausap ang mga supporters ko. Hindi na siguro talaga iyon mawawala sa akin, nagtrauma kasi ako napahiya akon noon kaya natatakot akong humurap sa maraming tao, para sa akin pakiramdam ko ay pagtatawanan nila ako kahit hindi naman. Naging maganda na rin ang pakikitungo ng mga ibang schoolmates ko sa akin pero hindi pa rin mawawala na meron pa ring minamaliit ako pero hindi na nila ako magawang bulihin dahil ayaw nilang magaya kay Athena. "Okay, class malapit na ang sport festival ng school 3rd year na kayo kaya ngayon pa lang ay maghanap na kayo ng sasaliha niyong sport dahil idadagdag namin iyan sa score niyo kapag wala kayong nasalihan na sports ay automatic na zero ang grades niyo, naiintindihan niyo ba?" sabi ng adviser namin. 3rd and 4th year lang ang sumasali sa sport festival at ang 1st at 2nd year naman ay matatayo ng mga booth. "Opo," sagot namin. Hala, hindi pa naman akong alam sa sports, hindi naman kasi ako mahilig doon tsaka ayokong pinagpapawisan at madali din akong hingalin, tumakbo nga lang ako sandali ay sobra na ang hingal ko. Wala naman problema kung hindi ako sumali dahil mataas naman ang grades ko kaya lang sayang ang grades, grade conscious kasi ako. Bahala na nga, magpapatulong na lang ko sa Regium. "SO, ANONG itutulong namin sa'yo?" tanong ni Kane, nasa bahay kami at nagpapatulong ako sa kanila kung anong pipiliin kong sports. "Wala akong alam na sports," pag uumpisa ko. "Kailangan naming sumali sa sports dahil may grades iyon." "Then?" tanong ni Cj. "Tulungan niyo ako kung anong pipiliin kong sports na madaling laruin," sabi ko. "Walang sports na madali," sabi ni Creed. "Tama si Creed pero kung ngayon pa lang ay susubukan natin lahat ng sports pwede kang mamili na sport na komportable sa 'yo," sabi ni Cj. "Okay, kung 'yan lang ang sulusyon para makapili ako ng sports ay yan ang gawin natin," sabi ko. "Mag umpisa tayo bukas, may excuse card ka naman kaya okay lang na hindi ka muna pumasok," sabi ni Kane. "Eh, pero gagamitin ko lang iyan kapag may fansign o consert kayo o kahit ano na related sa trabaho ninyo," reklamo ko , ayokong mag absent lang dahil lang dito. "Don't worry kaming bahala sa 'yo," sabi ni Creed. "Matalino ka naman kaya makakasabay ka sa lesson ninyo," sabi ni Kane. "Kahit na, sayang ang araw," sabi ko, never pa akong nag absent at wala akong balak subukan. "Ano ka ba 'wag puro aral ang inaatupag mo baka wala kang maging boyfriend niyan," sabi sa akin ni Kane na parang tinatakot ako. "Well, wala naman akong balak mag boyfriend habang nag aaral ako," sagot ko. Napanganga naman siya at magsasalita sana pero bigla itong bumuntong hininga at tumawa. "Bakit ba ako nagugulat, eh ikaw ang kausap ko," sabi niya. "Tama," sang ayon nina Cj at Creed sa kanya habang tumatango. Nalito naman ako sa kanila pero hindi na lang ako tanong kung ano iyon dahil alam kong hindi naman nila ako sasagutin. "Basta bukas 'wag ka na munang pumasok, okay?" sabi ni Cj. "Fine," sabi ko, pumayag na lang ako dahil nagpapatulong lang naman ako sa kanila. "Magluluto muna ako." Gabi na at malapit ng mag dinner time kaya kailangan ko ng magluto. Ang lulutuin ko ngayon ay French food, nagke-craive daw sila doo kaya iyon ang ipapaluto nila sa akin. For appetizer ang iluluto ko ay Coquilles Saint-Jacques isa itong bake sea scallop na may mushroom, sause at chesse sa ibabaw. For main dish ay Poulet de Provencal chicken dish ito na may mushroom and melted chesse sa ibabae and for the dessert gagawa ako ng French macaroon. Kung tinataong niyo kung paano ko nalaman ang mga ganitong luto, binasa ko lang iyon o kaya pinanuod. Mahilig talaga akong mag luto, bata pa lang ako nakahiligan ko na iyan pero hindi ko balak maging chef dahil nakakapagod, gusto ko lang talaga na ipagluto ang mga mahal sa buhay ko. Nang matapos ako, kinuhanan ko muna ng picture ang mga niluto ko para ma upload ko sa i********: at f*******: ko. "Kakain na," sabi ko ng malagay ko na nag mga pagkain sa lamesa. Aggad naman silang nagsipuntahan sa hapagkainan dahil kung hind alam nila ang mangyayari nung nakaraan kasi hindi agad nagpunta sina Kane at Creed sa lamesa kaya ang ginawa ko... Flashback Third Person's Point of View "KAKAIN na tayo," sabi ni Estella sa mga kasama niya. "Wait lang, walang lang tatapusin lang namin ito," sabi ni Kane sa kanya. Naglalaro kasi sila ng mobile legend. "Anong wait lang, walang wait lang kapag kakain," sabi ni Estella. "Walang pause ang larong ito kaya hindi namin pwedeng ihindto, baka ma-report kami kapag nag exit kami," sabi ni Creed. Naiinis na si Estella sa sinasabi nila, ayaw niya na pinaghihintay ang pagkain dahil iyan ang itinuro sa kanya. "Isa, kapag umabot ng 3 ang bilang ko at hindi niyo itinigil yan ibabato ko yang cellphone niyo," sabi ko sa kanila. "Sandali mananalo na kami," sabi ni Kane. "Da.la.wa," sabi ni Estella, nanggigigil na talaga siya sa kanilang dalawa. Hindi naman maiwasang matakot ni Criox sa best friend niya pati si Luther ay hindi maiwasang kabahan dito kahit na walang inis na makikita sa mukha niya pero ang aura nito nakakatakot. 'Guys, please sundin niyo na ang sinasabi niya, hindi niyo alam kung paano magalit si Ella' sabi sa isip ni Criox. "Tatlo." sabi ni Estella. That's it. Lumapit siya sa dalawa at hinablot ang mga cellphone nila pagkapatapos binato niya sa sahig ang mga cellphone ng dalawa dahilan para mawasak ang mga ito. "Wh-" hindi na natuloy ang sasabihin ni Kane ng maramdaman ang masamang aura kay Estella. "Ano kakain kayo o hindi?" tanong niya. Kinabahan naman ang dalawa sa kanya. "Ka-kakain na," sabay na sabi nila. Ngumiti naman si Estella at gumaan na ang aura niya. "Kung ganun pumunta na kayo ng lamesa." Nauna itng nagpunta sa lamesa at sumunod ang dalawa. Mula nun, kahit anong ginagawa nila kapag sinabi ni Estella na kakain na ay agad silang lalapit dahil ayaw na nilang makita ang galit na Estella. End of flshback "Wow, ang ganda mo talagang mag plating," sabi ni Kane ng makita ang pagkain niya. "Bakit di ka magtayo ng restaurant? Ang sarap naman ng luto mo." "Ayoko gusto ko ang nagluluto pero hindi ko gustong maging chef, nakakapagod kayang magluto maghapo," sagot ko. "Gusto ko lang ipagluto ang mga malalapit sa buhay ko." "Sabagay nakakapagod nga at isa pa mas magandang kami lang nakakatikim ng mga luto mo, yung mga luto mo kasi pang high class na feeling ko tuloy araw araw nasa five star restaurant ako." sabi ni Creed. "Tama," sang ayon ni Cj. "Si Ella ang pinakamasarap na magluto sa nakilala ko, mas masarap pa siyang magluto kay mommy at aminado rin naman si Mommy na mas masarap magluto si Ella." "Hindi naman, mas masarap pa ring magluto si mommy," sabi ko at sumubo na ng pagkain. "Sige parehas na kayo," sabi niya. Matapos naming kumain si Creed ang nag hugas ng plato dahil siya ang nakatoka ngayon sa paghuhugay. Sa akin ang nakatoka lang sa akin ay pagluluto at pag aalaga ng mga halaman dahil mahilig din ako sa halaman at ang natirang gawain bahay ay pinaghahatihatian nila pero rotation ang ginagawa nila sa akin lang talaga ang hindi na iiba. "Sa linggo may photoshoot kami," sabi ni Cjsa akin. "May kailangan ba akong dalhin?" tanong ko. "Wala naman, yung mga important na kailangan mo wallet, cellphone at iba pang kailangan mo," sabi niya. "Okay," sabi ko. "Kayo hindi ba kayo nagdadala ng mga damit?" "Sila na ang bahala sa mga damit namin," sagot niya. "Okay," sabi ko. KINABUKASAN maaga nila akong ginising, magjo-jogging daw kami para hindi mabigla ang katawan ko mamaya sa pagpili ng sports. "Kailangan bang sobrang aga?" sabi ko. "Oo dahil walang masyadong tao kapag ganitong oras," sagot ni Creed. "Pero inaantok pa ako," reklamo ko, hindi naman ako nag jo-jogging eh. "Magigising ka din kapag nag jogging tayo," sabi ni Kane. "Malamig kaya kapag ganitong oras," sabi ko, madali akong makaramdam ng lamig kaya ayokong nag i-aircon kapag gabi hapon lang ako nag i-aircon. "Mag jacket ka na lang," sabi ni Cj, masasalita pa sana ako pero inunahan niya ako. "At wag ka ng mag reklamo, para din sa katawan mo ito." "Hindi ka ba nag e-exercise?" tanong ni Kane. "Wala naman akong time na mag exercise." sabi ko, swempre may part time job ako dati tapos anong oras na ako umuuwi. "Kung ganun, simula ngayon ay aaraw-araw na natin ang pagjo-jogging," sabi ni Cj. "Pero..." reklamo ko. "No buts, okay, para sa katawan mo rin naman ito mas magiging energetic ang katawan mo kapag lagi kang nag e-exercise," sabi niya. Hindi na lang ako ang salita dahil wala rin naman akong magagawa paniguradong gigising nila ako para lang mag jogging kami at tama din siya para din ito sa katawan ko, kaya siguro ang dali ko ding hingalin dahil kulang ako sa exercise. Nang makabas kami ng bahay nag warm up na muna kami para hindi mabigla ang mga muscles namin at pagkatapos nun nagjogging na kami. Mahigit one hour din kami nag jogging bago namin naisipang huminto na at magpahinga. "Matapos nating mag almusal saka na natin simulan ang pag hahanap mo ng sports na magugustuhan mo," sabi ni Cj. "Sige," sabi ko. Naligo na muna ao bago ako magluluto ng almusal namin. Nang matapos akong maligo pumunta na ako ng kusina, nagcrave ako bigla sa pancake kay iyon ang lulutuin ko ngayon para sa akin pero tatanungin ko rin sila baka gusto din nila. "Guys," pagkuha ko ng atensyon sa kanila, nasa sala lang naman sila at kita ang sala dito sa kusina. "Do you want pancake?" "Ako gusto ko," sabi ni Kane. "Me too," sabi ni Cj. "Hindi ako kumakain ng matamis kapag umaga," sabi naman ni Creed. "I don't eat sweet," sagot din ni Axl. Napapansin ko nga na hindi siya kumakain ng sweets, yung kape nga niya black coffee. Hindi rin niya kinakain ang cake na bini-bake ko halos ang tatlo lang ang umuubos. "Okay," sabi ko. Tatlo kaming kakain ng pancake at dalawa naman silang magkakanin. Kumuha ako ng hotdogs and bacon sa ref pagkatapos niluto ang mga ito matapos kong mabalatan ang hotdogs then habang naluluto ang mga ito ay gumawa muna ako ng pancake batter pero ang ginagawa ko hindi yung nabibili sa supermarket. Habang gumagawa ako ng pancake batter binabaliktad ko din ang mga hotdogs at bacon, ayoko naman na masunog ang mga ito. Matapos kong magluto ang hotdogs at bacon sinunod ko na ang pagluto ng pancake at ng matapos akong magluto tinawag ko na sila para kumain. "Oo nga pala, sasali ba kayo sa sport festival?" tanong ko. 4th year high school na kasi sila. "Akala ko hindi mo na itatanong yan eh," natatawang sabi ni Cj. "Ngayon mo lang kasi natanong. "Eh sa nakalimutan ko, pakielam mo ba," mataraay na sabi ko at inirapan siya. "Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko." "Oo na," natatawa pa rin sabi niya. "Kailangan naming sumali dahil nga lagi kaming wala kaya kailangan naming maghabol sa grades." "Anong sasalihan niyong sport?" tanong ko pagkatapos ay sumubo. "Basketball," sagot niya. "Kayong lahat?" tanong ko. "Yup," sabi niya. "Last year din naglaro kami hindi ka ba nanuod?" tanong niya. Umiling ako. "Hindi naman ako mahilig manuod ng sports." "So, hindi ka pumunta ng sports festival?" tanong ni Creed. "Pumunta, required iyon kailangan naka attendance ka pero hindi ako nagpartcipate, nasa garden lang ako maghapon," sabi ko, hindi kasi pwedeng lumabas kapag nakapasok na kaya sa garden lang ako. "Ang boring naman nun," sabi ni Kane. "Para sa akin hindi, nagbabasa naman ako," sagot ko. "Huwag mong igaya si Ella sa'yo masaya na yan kahit nagbabasa lang ng libro," sabat ni Cj. Tama siya, basta nagbabasa ako walang problema sa akin. Yun yung nakasanayan ko eh kahit na nakatikim ako ng gadget noon dahil kina Mommy, hindi ako na addict sa gadgets. Ngayon lang ako na addict pero doon lang naman sa candy crush na addict, nag try na ako ng ibang games pero naiinip ako. Hindi rin naman kasi ako nagtatagal sa candy crush kasi minsan nauubos ang life ko doon. Zina Estella's Point of View "OKAY, simulan na nating ang pagpili ng sport na sasalihan mo," sabi ni Cj tapos may binigay sa akin na papel. "Nandiyan sa list na iyan ang mga sport na gagawin sa sport festival." Binasa ko naman ang mga nakasulat sa list: -soccer -basketball -tennis -baseball -running -volleyball -badminton -swimming -table tennis -pool -darts -football -archery Basic sports lang ang nilagay nila dito, swempre hindi na nila isasama ang iba pang sports dahil sobrang dami at ang iba hindi naman malalaro dito sa pilipinas for example na lang ang skiing kailangan ng snow sa larong iyon wala namang snow dio sa pilipinas. "Pati ba mga group sports i-ta-try ko?" tanong ko. "Oo para malaman natin kung saan ka magaling at komportable," sagot ni Kane. Tatlo lang silang nagtuturo sa akin, si Axl kasi natutulog, tinatamad daw iyang magturo. Ganun naman talaga iyon kaya sanay na kami sa kanya. Minsan kahit kasama namin siya parang hindi namin siya kasama dahil hindi naman iya nagsasalita, natutulog lang siya o kaya nakamasid, -hindi siya nagce-cellphone kasi nasa akin ang cellphone niya-, kaya parang apat lang kami sa bahay, nararamdaman lang namin siya kapag sinasaway niya ang sina Kane at Creed kapag nagbabangayan sila. "Kahit panlalaki?" sabi ko. "Walang pambaae o panlalaki sa sports basta kaya nila itong laruin malalaro nila," sagot ni Cj. Well, totoo naman ang sinabi niya, walang pinipili ang sports kung kaya nilang laruin magagawa nila. "Okey pero anong uunahin natin?" tanong ko. "Darts muna para sa akin iyon ang madaling aralin dahil hahagis mo lang naman ang darts," suggest ni Creed. "Okay," sabi ko. Kumuha ng darts si Kane tapos binigay niya sa akin ang tatlong darts tapos pumunta kami sa kung saan nakasabit ang dart target. "Madali lang naman ang gagawin mo, patamain mo lang ang dart target at patamaan mo sa gitna para malaki ang points na makuha mo," paliwanag sa akin ni Cj. "Paramihan lang ng points para manalo ka sa laban." "Okay," sabi ko. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD