CHAPTER 9

2730 Words
Third Person's Point of View KINABUKASAN inumpisahan na ang pag iimbistiga sa nagyari kay Estella lahat ng mga cctv camera ay chineck nila at doon na nila nalaman na si Athena Velasquez, anak ng isa sa kanilang stock holder pero wala silang pakielam kung stock holder ang magulang nito ay mananagot pa rin ito kasalanang ginawa nito. Agad nilang pinatawag si Athena pati na din ang mga magulang nito para kausapan sila ng Dean ng LIS. "Maupo ka muna Ms. Velasquez," sabi ni Mr. Matthew ng makapasok si Athena sa office ng Dean. Nakaramdan ng kaba si Athena dahil pinatawag siya pero mas lalo siyang kinabahan ng makita ang Regium na nasa loob ng office at masamang nakatingin sa kanila lalo na si Criox dahil hindi naman ganito ang ugali nito, kilala itong lahat na masayahin at laging nakangiti hindi pa ito nakikitang hindi nakangiti. Naupo ito sa isa sa tatlong bakanteng upuan sa kaliwa habang nasa harapan niya ang Regium na hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin sa kanya. 'Bakit ba galit sa akin ang Regium?' tanong sa isip ni Athena. Mayamaya lang ay dumating ang mga magulang ni Athena, nagulat siya ng makita ang mga magulang niya, hindi niya inaasahan na dadating ang mga ito. "Mommy, daddy, anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Athena. "Pinatawag kami ng Dean ninyo," sagot ng mommy niya. "Ano bang nangyayari?" "Maupo muna kayo Mr. and Mrs. Velasquez," sabi ng Dean. Naaupo naman agad sila. "Then pakipanood na muna ito bago ko sabihin kung bakit ko kayo pinatawag." Ipinanood ng Dean ang video ng cctv sa mga ito ang ginawa ng kanilang anak. ang pagdukot kay Estella pati na din ang pambubugbog dito ay kitang kita sa cctv. Nanlaki ang mata ng mga magulang ni Athena sa napanood pati na din si Athena ay nagulat dahil hindi niya akalain na malalaman nila ang ginawa niya. 'Lagot anong gagawin ko? Paniguradong mae-expelled ako sa school.' sa isip ni Athena. "Nakita niyo siguro ang ginwa ng anak niyo diba? Alam niyo na siguro ang dahilan ng pagkakatawag ko sa inyo," panimula ng Dean pagkatapos tumingin kay athena. "Ngayon Ms. Velasquez ipaliwanag mo kung bakit mo ginawa iyon?" 'Hindi pwedeng ma-expel ako sa school kailangan kong gumawa ng paraan,' sa isip ni Athena. Bigla naman siyang umiyak. "G-Ginawa ko lang po iyon dahil gumanti lang ako kasi lagi niya akong binubully, wala naman aong ginagawang masama sa kanya pero laging ako ang pinagti-tripan niya," pagsisinungaling niya. 'Mabuti na lang marunong akong umarte,' "Tsk, hindi mo kami madala sa kasinungalingan mo lahat ng mga pinagsasabi mo kay Estella bago niyo siya bugbugin ay rinig na rinig sa microphone ng cctv," malamig na sabi ni Criox. Lahat ng cctv ay may mga microphone dahil may mga estudyante na nambubully lang sa salita kaya minabuti nilang maglagay ng microphone sa bawat cctv. Napakagat lang ng labi si Atthena dahil hindi gumana ang pag iinarte niya. "Napakababaw ng dahilan mo para manakit ng kapwa mo estudyante," sabi ni Kane. "Dahil lang sa nakakasama namin si Estella kaya mo siya binugbog?" "Napaka unfair naman kasi dahil ako matagal niyo na akong fan pero hindi niyo man lang ako pinapansin pero siya nakakasama ninyo?" galit na sabi ni Athena. "Anong pakielam mo kung gusto namin siyang kasama?" sabi ni Creed. "Isa pa hindi lang ikaw ang fan namin, marami ding gustong makasama kami pero nagtitiis lang sila, maswerte ka pa nga dahil kasama mo kami sa iisang school kaya nakikita mo kami pero ang ibang fans namin hanggang sa screen lang ng phone lang nila kami nakikita." "Kung pinagmamalaki mo ang pagiging fans namin ng matagal pwes di namin kailangan ang fan na mapanakit ng ibang kapwa," seryosong sabi ni Luther. "Isa pa, pinalampas ko ang pambubuling ginawa mo kay Ella noon dahil nakiusap siya sa akin pero itong ginawa mo, hinding hindi ko palalampasin," seryosong sabi ni Criox. "Muntik mo ng mapatay ang bestfriend ko." Hindi na nagsalita pa si Athena dahil alam niyang wala na siyang magagawa habang ang mga magulang niya ay hindi na nagsalita dahil kahit anong gawin nila hindi nila mababago ang isip nina Criox lalo na at mas mayaman ang mga ito sa kanila. Third Person's Point of View NAGULAT ang Regiis, -pangalan ng fandom ng Regium-, ng biglang naglive ang Regium, wala naman sinabi ang mga ito na may live sila pero natutuwa rin naman sila dahil may live ang Regium, ang tagal na rin ng last live nila kaya tuwang tuwa sila. "Hello, Regiis," sabi ni Kaneng makitang marami ng nanunuod. Nakaupo sila sa isang sofa."We know na gulat na gulat kayo dahil bigla kaming nag live ng walang pasabi." "Oo nga gulat na gulat kami," "Pero masaya din kami na naglive kayo ng biglaan." Komento ng mga fans nila. Isang minuto pa lang nag umpisa ang live nila ay kalahating milyon na nga agad ang nanunuod at dumadagdag pa. "Kaya kami nag live ng biglaan dahil my gusto kaming sabihin at ibabala sa inyo," sabi ni Criox. "Sa school kung saan kami nag aaral ay may nangyaring hindi maganda," sabi ni Creed. "Hala, anong nangyari?" "Mukhang seryoso ang nangyari dahil iba ang aura ngayon ng Regium." "At may hindi kami nagustuhan sa nangyaring iyon," sabi ni Kane. "Isa sa schoolmate namin ay nasa hospital ngayon." "OMG, anong nangyari sa schoolmates ninyo?" "Kawawa naman iyon," "Ang schoolmate na nahospital ay ang aming personal assistant," sagot ni Criox. "Pero hindi lang siya basta personal assistant namin kundi bestfriend ko siya at tinuturing na kapatid, in fact ay anak-anakan na siya nina Mom at Dad gusto nilang amponin siya pero may pamilya ito kaya hindi nila maampon." "Sino kaya siya?" "Ang swerte naman niya dahil tinuturing siyang kapatid ni Criox." "Babae ba siya o lalaki?" "Ayaw sana namin siyang pangalan pero kailangan naming gawin para hindi na maulit muli ang nangyari sa kanya," sabi ni Creed. "The name of our personal assistant is Zina Estella Alvares at heto ang itchura niya." May pinakita nila ang picture ni Estella,. "Sa mga schoolmates namin ay paniguradong kilala niyo siya." "OMG, kilala ko siya, siya yung laging binubully dahil mahirap lang ito." "Ang swerte naman niya at personal assistat siya ng Regium." "Wow, ang cute niya." "Oo nga ang cute nga niya para siyang barbie." "Kaya namin siya pinakilala dahil may isang Regiis ang umatake sa kanya dahil lang sa nakita niya na kasama niya kami," sagot ni Criox at naging seryoso bigla ang kanyang mukha na kinagulat ng mga Regiis. "Hindi namin nagustuhan ang ganung akto na mananakit ng isang tao dahil lang sa nakitang kasama kami, napakababaw na dahilan nun." "Kaya kayo tatanungin namin? Kapag ba may nakita kayong babae na kasama namin sasaktan niyo sila dahil lang sa nakasama namin?" tanong ni Kane. "Kung oo ang sagot niyo pwede na kayong umalis sa fandom dahil hindi namin kailangan ang isang tao na kayang manakit ng kapwa, kahit konti na lang ang maging fans namin ay wala kaming pakielam basta marunong itong umunawa at hindi nananakit ng kapwa." sabi ni Creed. "Dahil ang totoong Regiis ang hindi mananakit dahil lang sa nakita niyong may kasama kaming babae." sabi ni Criox. "Hindi naman namin sinasabi ito dahil lang sa nagagalit kami sa nangyari kay Estella kundi inaalala din namin kayo, ayaw namin na maging kriminal kayo dahil lang sa simpleng dahilan." sabi ni Kane. "Gaya ng nanakit kay Estella, pinakulong namin siya dahil hindi biro ang ginawa niya kaya kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya." "Kaya ngayon binabalaan namin kayo na 'wag na 'wag kayong gagawa ng hindi maganda sa kapwa ninyo," sabi ni Creed. "'Wag kayong mag alala hindi kami gagaya doon sa nanakit kay Estella," "Ayaw namin na madisappoint kayo sa amin kaya susundin namin ang sinabi niyo," "Kaya mahal na mahal namin kayo dahil napakabait ninyo," "Mahal din namin kayo," nakangiting sabi ni Criox ng mabasa ang comment na iyon. Zina Estella's Point of View MASAKIT nakatawan ang bumungad sa akin ng magising ako. Hindi ko alam kung bakit sobrang sakit ng katawan ko at hindi ko magalaw ng maayos ito pero bigla na lamang bumuhos ang mga alaala ng nangyari sa akin kaya ganito kasakit ang katawan ko. Binugbog ako ng grupo nina Athena. "Oh God mabuti na lang gising ka na," napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Mommy. "Amelia tumawag ka ng doctor." "Okay, Mom," sabi ng kausap ni Mom at kung hindi ako nagkamali ng dinig ay Amelia ang tinawag niya. Si Ate Amelia pala iyon. "Anak, ayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo?" tanong niya sa akin ng maupo sa upuang nasa tabi ng kama ko. Sasagot sana ako pero ang dry ng laamunan ko, napansin naman iyon ni Mommy kaya kumuha siya ng tubig at pinainom sa akin. "M-Masakit lang katawan ko, Mommy," utal na sagot ko matapos kong uminom."Pero ayos na po ako." Nginitian ko siya para makita niyang ayos lang ako. Nakahinga naman ng maluwag siya. "Mabuti naman," sagot niya. "Yung babaeng gumawa nito sa iyo ay npakulong na namin." Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Mom, kailangan niyo pa rin bang ipakulong siya? Ang bata pa niya para makulong, paano ang pag aaral niya?" "Inaalala mo pa rin siya kahit na halos mamatay ka na sa ginawa niya?" mahinhin na sabi niya pero may bahid ng galit ang boses niya. Hindi naman ako nakaagsalita sa sinabi niya. "Gumawa siya ng labag sa batas kaya kailangan niyang managot sa ginawa niya para magtanda siya." "Pero kasi..." sabi ko pero pinutol niya ang sinsabi ko. "Wala ka ng magagawa anak, napakulong na namin siya kaya sa ayaw at sa gusto mo ay makukulong siya." seryosong sabi ni Mommy kaya napatahimik na lang ako dahil kapag ganito siya wala ng makakapagpabago ng isip niya. Mayamaya dumating na ang doctor kasama si Ate Amilia, agad akong nilapitan ng doctor at chineck upan ang kalagayan ko. "Ayos na ang kalagayan niya, ang kailangan lang ay inumin ang mga gamot na ibibgay ko para gumaling agad ang mga ugat niya," sabi ng doctor. "Maraming salamat, Doc." sabi ni Mommy. After nun ay lumabas na ang doctor. "Sis, kumusta?" tanong ni Ate Amelia sa akin. "Ngayon ulit tayo nagkita pero ganitong sitwasyon pa tayo nakita." Napakiti naman ako sa sinabi niya. "Oo nga po, Ate amelia." super close kami ni Ate Amelia pati na din ang tatlo pa nilang kapatid, mas close ko sila kesa kay Cj lagi kasi kaming nag gu-girls bonding kaya mas naging close ko sila. "Naiinis talaga ako sa babaeng gumawa niyan sa'yo gusto ko siyang kalbuhin pasalamat siya hindi ako pumunta ng school nun," sabi ni Ate Amelia, hindi ko naman maiwasang matawa sa kanya kitang kita sa mukha niya ang panggigigil niya. "Change topic na lang tayo, kapag gumaling ka mag shopping tayo kama sina Freya, Mia at Ivy." "Sige po, Ate," sabi ko, yan ang bonding namin eh. Mahilig ako sa damit pero hindi ako mahilig mag shopping para sa akin kasi parang nsasayang akong bumili ng damit, sila lang ang mahilig mag shopping at kapag nag sho-shopping kami binibili nila akong damit, hindi na ako makatanggi sa kanila dahil wala naman akong laban kasi pinagtutulungan nila ako. "Buti gising ka na pala," napatingin kami sa nagsalita. Si daddy. "Daddy," nakangiting sabi ko. Lumapit siya sa akin at hinaikan sa noo. "Ayos ka na ba?" tanong niya. "Opo," sagot ko. TATLONG araw pa akong nag stay sa hospital bago ako pinauwi pero kahit nakauwi na ako ay hindi pa rin nila ako pinapasok hangga't hindi pa gumagaling ng tuluyan ang mga sugat ko kaya wala akong magawa kundi ang maglaro na lang ng candy crush sa cellphone ni Axl. Wala pa ang sweldo kaya hindi pa ako makakabili ng sarili kong cellphone. "Estella," tawag sa akin ni Kane kaya tumingin ako sa kanya. "Shinearch kita sa f*******: pero waLa man lang akong nakitang pangalan mo doon." "Ah, wala ka talagang makikita dahil wala naman akong f*******:," sagot ko. Totoong wala akong f*******: as Zina Estella pero may f*******: ako bilang si Zie, dinaman ako active doon, napilitan lang akong gumawa dahil nag re-request ang mga fans ko kaya gumawa ako. Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko. "Seriously? Wala kang f*******:?" "Wala," sagot ko. "Intagram meron ka?" tanong niya, umiling ako. "Twitter?" Umiling ulit ako. "Seriously? Tao ka ba? Wala pa akong kilalang walang social meadi account." "Ngayon may kilaLa ka na," sagot ko sa kanya. "At ano bang masama kung may isang taong walang social media account? Kailangan ba iyon para masabing tao ako?" Wala naman sigurong masama kung walang social media ang isang tao diba? "Tama nga naman si Ella," sabat ni Cj na nakatingin pa din sa cellphone niya. "At tandaan mo si Ella ang kausap mo, hindi siya yung tipong mahilig laging magbabad sa social media mas gusto niyan ang mag review kahit walang pasok." "Alam ko naman iyon pero diba tumira siya sa inyo noon? Hind niyo man lang siya naisipang gawan ng social media account?" tanong ni Kane. "Ayaw niya eh kaya hindi na namin siya pinilit," sagot ni Cj. "Okay, naiintindihan ko," sagot sa kanya ni Kane pagkatapos humarap sa akin. "Pero ngayon ayaw mo ba na gumawa ng social media account? Maraming mga Regiis ang gusto kang makilala." Nasabi nila sa akin na nasabi nila na ako ang personal assistant nila at naintindihan ko naman iyon dahil kaya nila sinabi iyon ay para hindi na maulit ang nangyari sa akin. "Oo nga tsaka para ma friend at follow ka namin," sabi ni Creed. Napabuntong hininga naman ako. "Fine," sagot ko, nagsaya naman sila sa sinabi ko. "Paano ba gumawa nun?" Hindi ako marunong gumawa nun, si Cj lang ang gumawa ng mga social media ko. Tinuruan naman ako ng dalawa kung paano gumawa ng social media at tinuro na din nila sa akin kung paano gamitin iyon. Nang magawa ang social media accounts ko frinead nila agad ako sa f*******: tapos finallow nila ako sa i********: at Twitter. Matapos lang ng ilang minuto ay nagulat ako dahil ang dami agad nag friend sa akin sa f*******: at nag follow sa akin sa Intagram at twitter. "Hala, bakit ang dami agad?" tanong ko. Natawa naman sina Kane at Creed. "Swempre curious sila sa'yo kaya maraming magfo-follow a friend sayo," sabi ni Creed. "Paano naman nila nalaman ang account ko?" tanong ko. "Swepre friend mo kami sa f*******: at naka follow kami sa'yo kaya madali lang nilang nahanap ang account mo," paliwanag ni Kane. "Ah," sagot ko na lang habang tumatango. Nakakamagha naman ang mga fans nila lagi yatang nakaabang sa f*******:, twitter at i********: nila para malaman agad nila kung sino ang finallow at fini-friend nila. "So, anong gagawin ko dito?" tanong ko. "Ikaw bahala kung i-co-confirm mo lahat ng nag friend request sa f*******: pero sa twitter at Intagram kahit 'wag mo na silang i-follow back," paliwanag ni Kane. "Okay," sabi ko. Ayokong matawag na snob ng mga fans niya kaya kinornfirm ko lahat ng friend request kahit madami sila. "Ngayong marami ka ng friend at followers kaya kailangan mag upload ka ng picture sa Intagram at f*******: pero nasa sa'yo kung kelan ka mag a-upload," sabi ni Creed. "Bakit?" tanong ko. "Dahil paniguradong i-stalk ka nila para makilala ka nila," sagot niya. "Kailangan ba ilagay ko lahat ng ginagawa ko?" tanong ko. "No, kung gusto mong may privacy pa rin pwede mo namang piliin lang ang i-a-upload mo," sagot niya. "Okay, I understand now," sabi ko. Nag try naman akong mag upload ng picture sa f*******: at i********: pero wala akong picture kaya nag sefie muna ako ng isang beses then after that inupload ko agad sa i********: at f*******: with a caption na 'my first selfie' at laking gulat ko na ang dami agad likes at comments. "Wow, instant celebrity ah," sabi ni Kane sa akin ng makita niya ang post ko. "Hindi ah, mga fans niyo ang mga ito, curious lang sila sa akin," sagot ko. Hindi naman kasi ako sikat, na curious lang sila sa akin kaya inistalk nila ako. "Follower mo na rin sila kaya sikat ka na rin," sabi ni Kane. Hindi ko na lang siya pinansin, nag exit na ako sa social media app at nag pinta ulit sa larong candy crush para ituloy ang naudlot kong paglalaro. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD