MABIGAT ang loob na papasok si Ysabella ng isang resort, not a usual vibe na nara-ramdaman niya sa iba-- she guess hindi talaga nakalimot at nakaka-pagpatawad ang puso kahit na pitong taon na ang lumipas. Ramdam niya pa din ang galit at poot na bumabalot sa kanya how can someone expect her to forgive? Kung ang taong pumatay sa tatay niya ay malaya at masayang bumubuo na ng pamilya? Tila nakalimutan na ng mga ito ang ginawa sa tatay niya, and she cannot let that happen. She now have the power that she needed, at-- wala na ang nanay niya para tumutol sa kanya para lumayo sa mga ito.
"HI!" nakangiting sabi ng isang babaeng nakatayo sa reception.
"Hi" ibinaba niya ang shades bago tumingin sa palibot ng reception area, hindi niya maitatangging maganda at malawak ang resort.
"Nagpa-book po ba sila or walk-in lang?"
"Sorry, hindi ako customer" Ibinaba niya yung bio-data niya sa table nito at bahagyang hinawi ang buhok. "Nakita ko na hiring kayo ng receptionist"
Pansamantalang kumunot ang noo nito "Pasensya na miss, hindi ko in-expect na aplikante ka pala mukha ka kasing mayaman"
Dali-dali itong kumuha ng papel sa gilid ng mesa. "Oh ito ang form, paki-fill upan na lang after ay pakibigay sa akin kasama ng bio-data mo"
Bahagya lang siyang tumango bago kinuha ang papel na binibigay nito Uumupo siya sa isang couch kasama ang dalawa pang babae na nagpi-full up din ng form. Mabilis niyang sinagutan ang form, may mga tatlong aplikante pang dumating at tumabi sa kanya lahat ay halos magaganda at makikinis ang kutis siya lang ata ang hindi palangiti sa mga ito.
Mabilis din siyang tumayo para ipasa ang bio data niya kasama ang form.
"Wait nalang po muna sa couch." Ang sabi ng Receptionist.
"Dom, patawagan ang boss Marco hindi sumasagot sa landline eh" ang sabi ng babaeng receptionist sa lalakeng kakadating lang.
Pangalan pa lang ng lalake ay nagta-tagis na ang ipin niya, paanong nasikmura ng mga ito magtrabaho sa pamilya ng mamamatay tao?
"Hindi ba nagsabi, Nora? Ang alam ko hindi yun papasok ngayon, masama ang pakiramdam ng asawa niya"
"Hindi, paki-inform na lang na may naghi-hintay na anim na aplikante"
Tumango lang yung lalake bago nilisan ang lugar.
"Uy, anong pangalan mo?" Agad siyang chinika ng babae sa reception.
"Bella, Bella Sandoval" inilahad niya yung kamay niya sa babae na may pagka-chinita at kung titingnan ay halos magkasing edadan lang sila nito.
"Wow, kasing ganda mo pala ang pangalan mo. Mukha kang koreana, parang yung sa mga napapanuod ko sa korean drama" humigikgik ito bago inilahad din ang kamay " I'm Nora, by the way hindi talaga ako ang receptionist dito, si Melissa kaso nagbu-buntis na ang batang iyon kaya ako na muna ang naka-assign dito"
"Ah okay" isang matabang na sagot ko lang sa kanya.
"Ang seryoso mo naman, Bella!" Tumawa ito bago bahagyang tinapik ang braso ko.
"Ganto lang talaga ang mukha ko"
"Ah--" halatang medyo nailang to. "A piece of advise lang Ms. Bella, kung gusto mong makapasa ka sa interview dapat smiling face ka lagi"
"Susubukan k--" bago niya pa man matapos ang sasabihin ay mabilis na dumating iyong isang lalake na kausap ni Nora kanina.
"Nora, ask someone to prepare the meeting room. Hindi maka-kapasok si Sir Marco, Sir Carlo will handle-- he'll be here after 5minutes"
Nag excuse me ang babae bago nagma-madaling nilisan ang lugar siya naman ay tahimik na naghihintay.
Ilang minuto din siyang nakaupo ng diretso not minding the other applicants beside her, kahit na ang lahat ng mga ito ay naguusap-usap na.
"BASTA akin si Diego!" Tiling sabi ng isang babae sa gilid ko, hindi ko alam kung nakita niya ba yung pag-irap ko.
"Akin si Marco, kaklase iyan ng ate ko nung college. Iyan pinaka-matalino sa tatlo eh!"
"Sa inyo na silang dalawa, basta si Carlito ang akin.. oh God! Yung abs nun, tapos nabalitaan ko magtatayo siya ng sarili niyang branch ng resort ah?? Have you guys heard of it??" Sagot naman nung isa.
"Wooah, hindi ako updated" nanghihinayang na sagot ng isang babae.
Wala naman sa intensyon kong makinig, to be honest i don't really care. Ang kailangan ko lang ay makakuha ng ebidensya at idiin lalo ang mga Balcazar, i can do it safe and clean kung maka-kapasok ako bilang empleyado nila.
"Eh, ikaw miss? Sinong gusto mong mapunta sayo?" Biglang tumingin sa akin yung isang babae na nasa dulo.
I faked my smile "yung trabaho, akin na lang yung trabaho"
"Ano ba yan" halos sabay-sabay nilang sabi. Ako naman ay tumingin lang sa direcho.
Napatingin ako sa cellphone ko ng biglang tumunog.
Hasmin is Calling...
Mabilis akong lumabas muna ng reception area para makausap siya.
"Hasmin?" Sagot ko sa tawag
"Sabel! Ano kamusta?"
"Anong kailangan mo?"
"Kinakamusta kita, kaya wag kang mag-taray diyan Ysabella."
"I'm doing fine, is that all you want to hear?"
"Yes and also, make sure to always keep me updated with everything Sabel"
"Kung may oras ako, bakit hindi?" Huminga ako ng malalim. "Few minutes from now ay iinterview-hin na ako-- that bastard cannot come dahil may sakit daw ang asawa niya so that carlo will come-- do you know him?"
"Yes! Kilala ko iyon. Bunsong kapatid ng mga Balcazar-- ohh just a little warning my dear Sabby they are all attractive as hell -----"
"They killed my father, Hasmin." Pagpuputol ko sa sinabi niya.
"Winarningan lang kita, be careful with the red flags.."
"Need to hang up now, bye Hasmin"
Mabilis niyang pinatay yun at bumalik sa pwesto.
Nakita niyang wala na ang dalawang babaeng nauna sa kanya so ibig sabihin siya na ang sunod.
Tahimik na nakaupo lang siya habang inaayos ang naka-lugay niyang buhok. Medyo hinabaan ang pencil cut dress na medyo tumataas gawa ng pagkaka-upo niya.
Ilang minuto pa ay lumabas na ang babae na galing sa isang pinto, kasunod noon ay si Nora.
"Miss Bella, You are next" ngumiti ito "smile" she mouthed
I faked my smile again.
"Perfect, just be confident mabait ang sir Carlo" iyon lang at iginaya ako nito papasok ng isang pintuan.
Pagpasok ko ay nauna na si Nora at iniabot ang bio data ko sa lalakeng nakatalikod na nakaupo sa swivel chair.
"NEXT applicant" mahinang sabi nito bago nagpaalam na sa lalake.
Ysabella just remained standing in front of his table, and then moment till he turned his chair..
"Hi Miss Bella" he smiled directly at her while holding her bio-data those dimples that automatically flashed when he smiled and --- and his dark--very dark eyes that met hers..
Well that was a bad description para sa lalakeng galing sa pamilyang pumatay ng tatay niya, parang gusto niyang masuka sa isip.
"Hello" matabang na sagot niya, looking straightly at him.
Agad na napansin ng binata ang pagtitig nito sa kanya, not the typical girl na kung titigan siya ay parang hinuhubaran siya, itong babaeng nasa harap niya ay parang hinuhusgahan ang buong kaluluwa niya gamit lang ang pagtingin nito.
"Well, that was the coldest "hello" i heard for the record"
"Why? --Do you expect me to swoon because you smiled at me?"
"Woah a hot tempered lady. Have a seat, Miss--"
"Sandoval" mabilis niyang sagot bago umupo sa harapan nito.
"And your name is Bella?"
"Yes, just--Bella"
Tumango lang ang binata bago sinamulang basahin ang bio-data niya ng sobrang tagal. Hindi naman ang posisyon ng binata ang ina-applyan ng dalaga para abutin ng ganoon katagal.
"You were born here in Palawan?"
"Yes"
"Your barangay was not indicated"
"Doesn't have to be, matagal na akong hindi nakatira doon"
"Kaya inilagay iyan sa form para sagutan, Ms. Sandoval"
"Barangay Malaria, malapit sa El nido"
"Good"
Nagpatuloy ang pag-iinterview ni Carlo sa kanya--- kung san siya nag-aral kung ano ang mga naging trabaho niya.
"And your parents?"
Mahabang katahimikan ang pumalibot sa kanilang dalawa. "They are both dead"
"Im sorry"
"You should be"
Marahang napakunot ang noo nito sa sagot niya.
"Because you reminded me of them" she faked a smile
"Ohh" huminga ng malalim ang lalake.
Ilang minuto pa sila ulit nag-usap more about her personal life, kung saan siya nag-aral and all.
Ilang minuto din ang tinagal...
Sa sobrang irita niya. "Hindi ko naman papalitan ang pwesto mo, simpleng receptionist lang ang ina-applyan ko"
"I dont think you asking about my personal life should be included in this interview"
"Well whats wrong with my questions ? Gusto ko lang makilala ang mga aplikante ko, Ms Sandoval"
"I think you are judging me based on my background and not my capabilities Mr. Balcazar"
Marahang ngumiti ang lalake
and she can admit that his eyes are on fire now.
"Okay, thank you for attending the interview Ms. Sandoval"
Naguguluhang tumingin siya sa lalake sa bigla nitong pagpa-pasalamat na alam niyang tanda ng pagtatapos nito ng interview--
"Well i guess, natapos din ang interview."
She immediately took her bag, palabas na sana siya ng pinto..
"I expect you to come tomorrow morning 8:30am sharp, look for Nora siya ang mag ti-training sayo,
At subukan mong bawasan ang baon mong sama ng loob pag pumasok ka bukas"
yun lang at iniwan siya nitong nakatulala.
____________________