NAGING matiyaga sa paghihintay si Seb sa labas ng lady's room. Paglabas ni Arriana ay hindi niya napigilan ang sarili. Marahan niya itong ipinangko sa dingding. "I really missed you!" Ang mga labi ni Arriana ay tila ba parating nag-iimbitang alayan ng halik kaya iyon ang ginawa niya. Hindi na rin nagdalawang isip pa si Arriana at tinugon iyon. "Hindi ako makapaghintay na maipakilala ka na kay Mama!" wika ng binata nang matapos ang halik na iyon. "Let's go?" Ngumiti si Arriana bilang tugon. Magkahawak kamay ulit silang naglakad. "Ma!" tawag ni Seb sa ina. Lumingon si Diana nang marinig ang boses ng anak. Abala ito sa niluluto. Ibinigay niya ang ginagawa sa tauhan at saka ibinaling ang atensyon sa anak. Nangingiti ito nang makitang may kasama si Sebastian. "Sino siya, anak?" Ngumiti s

